"Ikaw si Asyanna?" sabay nilang tanong nang sabihin sa kanila ni Precipise ang tungkol kay Sanara. Tumango naman si Sanara bilang tugon. Nagkatinginan sila at napatawa. Kumunot ang noo ni Sanara dahil parang biro lamang sa mga ito ang tinuran ng Aqua Frei-Forther young Ladynne. "Sinong maniniwala sa'yo? Sinong niloko mo?" sarkastikong tanong ni Xáxa. "Sa wangis mo pa lang hindi kapani-paniwala. Magkaiba kayo ni Yanna," sabi rin ni Kai. Nasaktan siya sa sinabi ng Aqua Sailor Lorde. Parang sinaksak siya ng punyal sa kaibuturan niya. Pero, inintindi niya pa rin ang mga ito. Hindi niya ito masisisi. Imposible talaga ang mga sinabi ni Precipise. Lalo na't iba na ngayon ang wangis niya. "Kung ikaw si Yanna dapat alam mo ang tungkol sa kaniya. Sino ang tunay na ina ni Yanna?" ani Onaeus. "O

