"Wala kang silbi! Bakit mo sila pinabayaang makatakas?!" bulyaw nito. "Necós, nasasaktan ako!" giit ni Sanara pero hindi siya nito pinakinggan. Lumapit sa kanila ang isang revro at sinubukang awatin sila. Pero, pinaslang ito ni Necós. Kaya, wala nang nagtangkang lumapit sa magkapatid. Sa takot na baka matulad sila sa napaslang na revro. "Sana hindi ka na lang nabuhay. Sana hindi ka na lang nagbalik. Baka ikaw pa ang dahilan ng pagbagsak ko," nagpupuyos sa galit na sabi ni Necós. "Pa...tawad, Ne...cós!" hirap na sabi ni Sanara dahil sakal pa rin nito ang leeg niya. "Necós, ano ba, papatayin mo ba ang kapatid natin!" biglang sigaw ni Illyós na kararating lang. Kaagad siyang lumapit sa dalawa at inagaw si Sanara. Tinago niya ito sa likuran niya at hinarap si Necós. "Wala ka bang kalulu

