Samantala, si Onessa, iyak lang nang iyak. Hindi niya matanggap ang pagkawala ng kapatid. Hindi niya matanggap na ang pinakamamahal nilang bunso ay walang awang pinaslang ng pinuno ng Rebellion. "Magbabayad ka Necós! Magbabayad ka! Babagsak ka rin!" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Onessa. Halos lumitaw na ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit niya. Nanginginig din ang katawan niya at umaapaw ang enerhiya mula rito. "Nessa, huminahon ka," ani Sheena at pinakalma siya. "Sheena, bakit ganoon? Kung sino pa ang mga mababait siya pa ang unang kinukuha?" iyak ni Onessa. Mahal na mahal niya ang kapatid niya. Malambing ito at masiyahan. Hindi rin ito makasarili. Palagi nitong inuuna ang iba. Medyo makulit nga lang ito. "Ganoon talaga, Nessa. Hindi natin hawak ang kapalaran. Darating at darat

