Chapter 39

1109 Words
Sa Karr... "Tawagin ninyo ang mga healer! Magmadali kayo!" sigaw ni Dhavene habang buhat ang wala nang buhay na kapatid. "Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Alyanna pero natigilan siya nang makilala kung sino ang buhat ni Dhavene. Napatakip siya ng bibig dahil sa gulat. "Anong nangyayari rito?" nagtatakang tanong din ni Alisiah. Pero, natigilan din siya nang makita kung sino ang buhat ni Dhavene. Nagmadali siyang lumapit dito at hinawakan ito sa kamay. "Aissa? Aissa!" tawag niya at sinampal ito sa pisngi. Pero, hindi ito nagising. Kaya, sinampal niyang muli. Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata nito. Kaya, natakot na si Alisiah dahil hindi gumigising ang kambal niya. "Dhavene, anong nangyari sa kambal ko?!" ani Alisiah habang pinipigilan ang maluha. "Napuruhan siya Aissa," pagsisinungaling nito pero hindi naniniwala ang Magium young Ladynne. "Bakit hindi siya gumigising?" usisa niya. Hinawakan niya ang pisngi nito at napabitaw na lang dahil wala siyang maramdaman na init dito. Ayaw niya man maniwala sa naiisip niya pero may kutob na rin siya sa totoong estado ng kambal niya. "Nasaan na ang mga healer?!" sigaw muli ni Dhavene Pero, umiling lang si Alisiah sa ginagawa ng nakatatandang kapatid niya. "Dhavene, wala na si Aissa. Wala na ang kambal ko," maluha-luhang sabi ni Alisiah habang nakatingin sa walang buhay na Magium young Ladynne. "Nagkakamali ka Alisiah. Hindi pa siya patay!" giit nito. "Hindi mo ba nakikita. Wala na siya!" iyak na sabi ni Alisiah. "Ang anak ko!" pagtangis ni Alyanna dahil nawalan siya ng isang anak. "Aissa, gumising ka!" iyak din ni Dhavene. Pero, hindi ito nagising sa tawag nila. "Iniwan na ako ng kambal ko," sabi ni Alisiah at humagulhol. "Akala ko mabubuhay pa siya," ani Dhavene at nilapag sa sahig ang Magium young Ladynne. Agad lumapit si Alyanna rito para yakapin ang anak niya. Humagulhol siya ng iyak dahil hindi niya matanggap ang kinahinatnan nito. "Kambal, bakit naman ang daya mo? Bakit ka nang-iiwan? Akala ko ba walang iwanan? Bakit iniwan mo ako?" sumbat ni Alisiah sa isip niya. Nilapitan niya ito at hinawakan sa noo. Hindi niya inakala na mapapaaga ang pagpanaw nito. "Sinong may gawa nito?" mariing tanong ni Alisiah at tumingin kina Dhavene at Daneve. Hindi nakapagsalita ang dalawa. "Sino?!" galit na sigaw ni Alisiah. "Niligtas niya si Asyanna," sagot ni Daneve kaya napasuntok si Alisiah sa sahig. Tumingin siya sa kambal niya habang umiiyak. "Bakit? Aissa bakit? Bakit mas pinili mong isakripisyo ang buhay mo para sa kaniya? Hindi siya karapat-dapat sa sakripisyo mo. Dapat siya na lang ang namatay at hindi ikaw," hagulhol niya ng iyak. "Lorde Briar! Young Ladynne Sheena!" sambit ng Azthic Warrior. Dumating si Briar kasama ang anak niya na sugatan. "Tawagin ang healer!" utos ni Briar at inihiga ang anak sa sahig katabi ni Aissa. Natigilan siya nang makita si Aissa na iniiyakan nina Alisiah. Naawa siya sa mga Puerre dahil nawalan sila ng isang miyembro. "Nakikiramay ako," malungkot na sabi ni Briar. "Ais...sa," sambit ni Sheena at inabot ang kamay nito. Tumulo ang mga luha niya dahil wala na ito. "Patawad...kung hindi...kita natulungan... nailigtas..." iyak niyang sabi. "Wala kang kasalanan young Ladynne. Si Asyanna ang dapat sisihin. Kung hindi siya niligtas ng kapatid ko hindi sana namatay si Aissa," wika ni Dhavene. Maya-maya, dumating na ang mga healer at binigyan ng lunas ang sugat ni Sheena. Samantala, ang bangkay ni Aissa ay dinala nila sa isang silid para ayusan ito. Inihanda rin nila ang lugar ng burol nito. Sa Quert... "Mga mahal kong revro, nagtagumpay tayo! Nakuha natin ang Quert!" masayang anunsiyo ni Necós kaya nagdiwang ang Rebellion. Nakangiting tumingin si Necós sa direksyon ni Asyanna pero blangko lang ang mukha nito. "At, dahil iyon sa pinakamamahal na heneral ng Rebellion! Si Annaysa!" dagdag pa niya kaya lalong umingay ang paligid. Lumapit siya kay Asyanna at hinawakan ang kamay nito. Nginitian niya muna ang Magium young Ladynne bago itinaas ang kamay nito. "Mabuhay ang heneral ng Rebellion! Mabuhay si Annaysa!" sigaw ni Necós. "Mabuhay si Annaysa! Mabuhay ang Rebellion!" tugon ng mga rebelde. "Dalawang kaharian na ang nakuha natin. Pero, hindi pa iyon sapat. May anim pa na kaharian. Ang isusunod natin ay ang kaharian ng Ignisius!" sabi ni Necós. Tumingin siya sa direksyon ng mga Potion Maker at tumango. Yumuko muna ang mga Potion Maker bago pumunta sa kinaroroonan ng mga rebelde dala ang mga maliliit na bote na ang laman ay isang likido. "Mga revro, tanggapin niyo at inumin ang likido na iyan. Iyan ang magbibigay ng lakas sa inyong mga katawan. Pagagalingin niyan ang inyong mga sugat at kaya niyang pawalain ang pagod sa inyong katawan," ani Necós. Sinunod naman ng mga rebelde ang utos ng kanilang panginoon. At, tama nga ang panginoon nila dahil nawala na lang na parang bula ang mga sugat at pagod nila sa katawan. "Annaysa, inumin mo rin iyan para makabawi ka ng lakas," baling niya kay Asyanna. Hindi tinanggihan ni Asyanna ang likidong pinainom sa kaniya. Nilagok niya itong lahat. Napangisi naman si Necós dahil sumusunod talaga sa kaniya ang walang kamuwang-muwang na Magium young Ladynne. "Rebellion! Tayo na sa Nassus!" sigaw ni Necós. Sa Karr... "Aissa, naaalala mo pa ba nang mga panahong maliliit pa tayo? Palagi tayong nag-aaway noon. Palagi tayong nag-aagawan ng kasuotan, sandals, pagkain kahit nga woodien. Naalala mo pa ba nang aksidente tayong napunta sa Eshner? Natakot pa nga tayo noon. Pero, dumating si ama at niligtas tayo. Naaalala mo pa ba nang una tayong makarating ng Karr? Sobrang saya natin noon. Naaalala mo pa ba iyong mga kulitan natin tapos ikaw ang unang napipikon," sabi ng isip ni Alisiah habang nakatitig sa himlayan ng kambal niya. "Aissa, sana maging masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. Pinapangako ko, bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo. Pangako iyan, kapatid ko," sabi rin ng isip ni Dhavene. Maya-maya, dumating si Ornelius kasama si Onessa. Parehong magaling na ang mga sugat nila at nakabawi rin ng lakas. Pero, nang makita nila ang himlayan ng Magium young Ladynne parang nawalan muli sila ng lakas. Lumapit si Ornelius sa himlayan ng anak niya at tinitigan ito. Napakuyom siya ng mga kamay dahil sa galit. "Anak, Aissa. Patawad kung wala ako sa tabi mo ng mga panahon na nag-aagaw buhay ka. Patawarin mo ako dahil wala ako sa tabi mo para iligtas ka, anak ko," iyak niyang sabi at niyakap ang Magium young Ladynne. Lumapit naman kay Ornelius ang asawa niya at niyakap siya nang nakatalikod. Umiiyak din ito dahil hindi nito matanggap na wala na ang isa sa kambal nila. Nang mga oras na iyon nabalutan ng pighati, lungkot at galit ang mga puso ng nagmamahal sa namatay na Magium young Ladynne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD