Maingat na umupo si Maita mula sa pagkakahiga. Kaka-tanggal pa lang ng neck brace at cast niya sa braso kaya hindi pa rin siya pinayagan ng Doctor na umuwi kahit anong pamimilit niya kay Kirito. And speaking of his Culo kaka-alis lang nito para bumili ng prutas na ipapa-ubos na naman nito sa kanya. Araw-araw binubusog siya nito, silang dalawa ng baby actually. Sa tingin nga niya ay nag gain na siya ng timbang dahil sa pinag gagagawa ng binata. Hindi naman rin niya maiwasan dahil para bang trip na trip din niyang kumain palagi. Tahimik lang siyang nagbubuklat-buklat ng magazine ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang hindi niya inaasahang bisita. She automatically get tensed. Sino ba ang hindi, kung makakaharap mo ang Reyna at ina ng lalaking pinakamamahal mo? Muntik pa siyang mapapi

