"How's them both?" Bungad sa kanya ni Laz. Hindi niya alam kung gaano na ito katagal sa tabi niya pero nang lingunin niya ito ay nagulat siya na makita na naroon na rin ang iba pa niyang kaibigan. Maliban kay Olsen. "Olsen wants to come but he can't. His wife is pregnant, again! You know." Paliwanag agad ni Montreal, napansin marahil nito ang pag gala ng kanyang paningin. Tumango na lang siya para sabihing ayos lang. Kahit na ang totoo hindi siya ayos dahil hanggang ngayon ay hindi pa nagkakamalay si Maita. It's been f*****g three days and the Doctor declared that she's been in coma. Para siyang mauubusan ng hangin sa dibdib pag naiisip niyang baka hindi na ito magising. Hindi na tuloy niya namalayan ang pagpatak ng luha niya. "Easy dude, they're gonna be ok." Si Laz na tinapik-tapik p

