KHALIL Kanselado ang klase ni Scarlet Parrot dahil sa lakas ng ulan ngayong umaga. Bagamat hindi naman talaga kasama ang Cebu sa mga tinamaan ng bagyo ay nagdulot pa rin ito ng tuluy-tuloy na pag-ulan sa lugar namin. Kaya naman naisipan ng boss ko sa club na manlibre sa amin ng hapunan sa Army Navy. “Sige na, boss. Dalawang araw lang ‘yun. Overnight lang.” Pangungulit ni Scar kay boss. “Scar, gusto ko. Kahit isara ko pa ang club ng isang linggo para sa’yo, gagawin ko. Kaya lang, ano naman maiiambag ko doon? Parent-student career workshop ba ka'mo? Eh hindi nga ako nagtapos ng kolehiyo. Kung hindi nga lang sayo at kay Birdie, hindi ko alam kung paano aayusin ang agos ng pera sa club.” Ngumunguya pa ng burger si Phoenix nang sumabat siya sa usapan. “Sa Sabado ‘yun, tama? Samahan na kit

