KHALIL Ang buong akala ko ay tatanggihan niya ang aking request. Pero naiwan akong tulala nang halikan niya ang aking pisngi. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya nang patalon siyang lumabas ng kotse at patakbong pumasok sa gate. Napahawak ako sa aking pisngi. Kumabog ng malakas ang aking dibdib. “So this is how it really feels to have a girlfriend…” Naibulong ko sa aking sarili. Pumasok ako sa bahay ng hindi ko matanggal ang ngiti sa aking mga labi. Naligo ako pero hindi ko masyadong sinabon ang aking mukha dahil ayaw kong mabura ang halik sa akin ni Z. Pagpasok ko sa kuwarto ay hinaplos ko ang garapon ni Jim. “In-love yata si Papa, Jim.” Natatawa kong sabi sa garapon. Humiga ako sa kama at nakatulog ng mahimbing. --- Maaga akong pumasok sa hospital kinaumagahan. Balak ko san

