Chapter 25: Doggy

1607 Words

ISABELLA “Oh, akala ko ba tinatawag ka ng CR?” Nagtatakang tanong sa akin ni K. Oo nga pala! Bakit ba kasi hindi ako kaagad bumaba nang pumarada na siya sa bahay! “O-okay. Thank you!” Naisagot ko na lang. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at nagsalita siya ulit. “Oh. Oh.” “Ano?” “Kiss ko.” “Ano’ng kiss mo?” “Kiss ko.” “Hoy, K. Namimihasa ka na. Ano’ng akala mo sa akin kaladkarin?” Pagtatanggi ko sa kanya pero hindi pa rin ako makahakbang ng tuluyan palabas ng kotse. Tumingin ito ulit sa kalsada at ngumisi. “Alright. Ikaw din. Baba ka na.” Tugon nito. Bigla niyang pinaandar ang sasakyan. Muntikan na akong mahulog sa kotse kung hindi ako kaagad umapak sa semento. Naisara ko ang kanyang pinto pero hindi ko naisara ang puso ko sa matinding asar ko sa kanya. Sumpain kang duktor

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD