KHALIL
Pagkatapos niyang labasan ay hinugot ko ang aking naninigas pa ring tarugo. Ibinalot ko sa tissue ang condom na ginamit ko at ibinulsa ito.
"What are you doing? Hindi ka pa nakakaraos?" Nag-aalala niyang sagot.
"There's no time, Doc--"
"MA'AAAAAAM!!! SI NICK!!!" Sigaw ng receptionist sa labas.
Pareho kaming napalingon sa pintuan. Tumalon si Doc Kathrine sa kanyang kinauupuan ngunit napaluhod sa sahig. Masyadong malaki ang ipinasok kong sandata sa kanya at hindi pa nakaka-recover ang kanyang mga hita. Tinulungan ko siyang tumayo at mabilis na hinila ang kanyang skirt para maisara niya ito.
"MA'AAAAM!!! BUKSAN NYO PO ANG PINTO!!! NAGSUSUKA PO SI NICK!!!" Sigaw ulit ng staff at dinadabog na ang pintuan.
Sa sobrang taranta ni Doc ay hindi niya maisara ang mga butones sa suot niyang blouse kaya naman tinulungan ko na rin siya dito. Tumakbo ako papunta sa pintuan at binuksan ito. Nalaglag ang panga ng babaeng receptionist at napako ang kanyang tingin sa nangingintab kong katawan sa pawis. Niyugyog ko siya at tinanong ng malakas.
"Miss! Nasaan ang bata!!!"
Natauhan ito at naituro ang sofa kung saan nakahiga ang anak ni Doc. Kumaripas ako doon at binuhat ang bata papunta sa dental chair.
Mataas ang lagnat at mahina ang pulso. Kinapa ko ang kanyang tyan. Natupad ang hinala ko. Appendicitis. Bloated na ang tyan ng bata at nagsusuka.
Pinagbubukas ko ang mga cabinet ni Doc.
"What are you doing??? Gina, tumawag ka na ng ambulansya daliiii!"
Nakakita ako ng mga bote ng Bupivacaine.
"This will do!" Sabi ko.
Hinablot ni Doc Kathrine ang mga bote at sumigaw.
"Ano'ng ginagawa mo!!!"
"Give me a scalpel, Doc Kathrine! He needs the surgery now or hindi na siya aabutin ng araw bukas!"
"Sino ka bang talaga! Huwag mong gawin iyan sa anak ko! Gina! Tumawag ka na please!!!"
Hinatak ko ang kanyang kamay palapit sa akin para mapatigil siya.
"Listen to me carefully, Kathrine. Your kid has to go appendectomy in thirty minutes and I am the only one who can save him! I have triple board certification in surgery and I studied in the US! Now give me the scalpel before it's too late!"
Natulala si Doc Kathrine sa aking sinabi. Naghanap akong muli ng mga gamit sa kanyang cabinet at tinipon ang mga kagamitan.
---
"I performed an emergency appendectomy because the appendix was about to rupture. I managed to remove it cleanly and stop the bleeding. However, we must immediately get the patient to the hospital because the kid has a gastrointestinal infection. I started antibiotics, but you’ll need to continue with IV fluids and monitor the infection closely on the way to the hospital." Habilin ko sa mga nag-rescue.
"Yes, Doc. Salamat po. Tuloy na po kami!" Tugon sa akin ng rescuer pagkatapos niyang makita ang aking identification card.
Pag-alis ng ambulansya ay lumingon ako sa harapan ng dental clinic. Maraming tao ang nakasaksi sa nangyari. Wala akong damit na suot dahil naiwan ang sando ko kuwarto ni Doc Kathrine. Mabuti na lang at naisukbit ko ang aking bag sa balikat ko bago ko tulungan ang mga rescuers na ilabas ang bata.
Napahakbang ako paurong dahil nakaaninag akong pagfa-flash ng camera mula sa kumpol ng mga tao.
"Damn. This is too much exposure." Bulong ko sa aking sarili.
Tinalikuran ko ang mga tao at humakbang palayo sa clinic nang tawagin ako ni Doc Kathrine.
"Blackbird!"
Napatigil ako sa aking kinatatayuan.
"Maraming salamaaat!" Sigaw nito na humahagulgol pa.
Hindi na ako lumingon pa. Napangiti na lang ako at tumakbo papunta sa nakaparada kong sasakyan sa malayo.
---
ISABELLA
Lumabas ako ng bahay para itabi ang dalawang bote ng beer sa may basurahan. Sa dami ng customer namin ni Papa sa auto service center kanina ay nasaid ang katawan at utak ko at kailangan kong uminom para makatulog.
Itinaas ko ang mga manggas ng aking maluwag na suot na t-shirt at inikot ang visor ng suot kong cap sa likod ng aking ulo dahil naiinitan na ako. Pagbukas ko ng gate ay nakita kong nakaparada ang kotse ni K sa ilalim ng puno malapit sa basurahan.
Napatigil ako sa aking kinatatayuan at nag-alinlangang lumapit dito. Tila hindi naman niya ako napansin at hindi siya natinag sa kanyang pagkakasandal sa kotse.
Pinagmasdan ko siya ng mabuti habang ibinubuga niya ang usok ng kanyang yosi sa kawalan. Nakatingala ito sa madilim na langit at parang malayo ang nililipad ng kanyang isipan.
Naglakad ako ng mabagal patungo sa basurahan. Noong una ay nakayuko ako dahil ewan ko ba. Walang lalaking nakakapagtiklop sa akin sa shop pero iba ang dating ng lalaking ito sa akin. Nakakapanghina ang titig ng kanyang mga mata at nakakahigop ng lakas ang alindog ng maskulado niyang katawan.
Iilang hakbang na lang ako patungo sa basurahan nang hikayatin ako ng aking puso na sulyapan siya. Dahan-dahang lumalabas ang usok sa kanyang labi at nakatingin pa rin siya sa langit. Napakatangos ng kanyang ilong. Bumaba ang aking mga mata at nakita ko ang mabagal na pagkilos ng kanyang Adam's apple nang siya ay lumunok. Dumako ako sa kanyang mga malalaking dibdib, patungo sa kanyang mga pandesal sa tyan, patungo sa...
Shit. Bukas ang butones at zipper ng kanyang pantalon at kahit sa kadiliman ay naaninag ko ang kulot-kulot na tubo ng buhok sa ibabaw ng kanyang--Sheeet!
Biglang nangatog ang aking tuhod at natapilok sa daan. Mabuti na lamang at napahawak ako sa compartment ng kanyang kotse.
Napalingon siya sa akin. Inayos niya ang kanyang pagkakatayo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya nginitian ko na lang siya. Laking gulat ko nang bigla siyang nagsalita.
"Good evening, Z."
Sinikap kong masalita.
"Ga-gabi na ah. Nag... Nag-jogging ka ba?"
Umiling ito.
"Yung..." Itinuro ko ang bukas niyang zipper.
Tumingin ito sa kanyang pantalon. Pagkatapos ay tinignan niya ako ulit.
"Nakabukas..." Paalala ko sa kanya.
Tumaas ang dalawa niyang mga kilay.
"Ayos lang. Wala namang ibang tao." Sagot nito.
Pagkatapos ay pumasok siya sa kotse at pinaandar ito. Tumulak siya papasok ng kanyang bahay at ako ay naiwang nakanganga sa kanyang sinabi. Napalingon ako sa paligid at bumalik sa direksyon ng bahay niya.
So anong tingin niya sa akin? Puno?
---
KHALIL
Nilapag ko ang susi ng kotse sa dining area. Binuksan ko ang ref at kumuha ng isang bote ng Pocari Sweat. Binuksan ko ito at ininom hanggang sa huling patak.
Binagsak ko ang aking sarili sa sofa. Hinimas ko ang aking alaga na nakapaling sa kaliwa. Medyo buhay pa rin ito dahil nabitin ako kanina. Napangisi ako nang maalala ko ang reaksyon ng mukha ni Z habang tinuturo niya ang bukas kong zipper.
Nalilibugan ba siya sa akin?
Huminga ako ng malalim at hinimas ng madiin ang buo kong mukha sa aking mga palad. Tumayo ako at pumasok sa aking kuwarto.
Mabilis na nag-iba ang aking emosyon nang makita ko ang garapon ng paper cranes. Rumagasa ang lungkot sa aking mga ugat. Limang taon na ang nakalilipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Napakasakit pa rin ng sugat sa aking puso.
Lumapit ako sa garapon at hinawakang mabuti ang takip nito. Suminghap ako ng malalim para makaipon ng lakas na buksan ito. Nanginginig ang aking kamay at nangingilid ang luha sa aking mga mata.
Pagbukas ko sa garapon ay kinuha ko ang itinabi kong paper crane na aking ginawa kahapon. Pagkalagay ko sa tagak na gawa sa papel sa lalagyan ay pumatak ang aking mga luha.
Napa-squat ako sa harapan ng mesa at humikbi ng masakit.
"Jim.. 96 na sila... Malapit ko ng matupad ang pangako ko sayo, Jim. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya. Ibibigay ko ang lahat para sa iyo. Konting tiis na lang, Jim. Malapit nang matupad ni Papa ang pangako niya sayo..."
Napaiyak ako ng malakas sa puntong iyon. Ngunit wala ni isang tao ang nakakarinig sa hiyaw ng aking sugatang puso.