KHALIL
Kumakaripas ako ng takbo papasok sa Chong Hua Hospital kung saan ako nagtatrabaho bilang trauma surgeon.
"Dammit! Nakalimutan kong may duty pala ako ngayon!" Bulong ko sa aking sarili habang nagmamadali akong pumasok sa loob.
"Good morning, pre!" Bati ko sa guard.
"Good morning, Doc K! Bilisan mo na. Masisigawan ka na naman niyan!"
"Heto na preee!" Tugon ko sa sekyu at kagat-kagat ko ang card holder ko kung saan ko binunot ang ID ko.
Ini-swipe ko ang ID ko sa kiosk para sa aking attendance at tumakbo papunta sa kinalalagyan ng elevator ng hindi ko pa nasusuot ang lab gown ko. Sa napakaswerte at napakarami naming pagkakataon ay ngayon ko pa nakasabay sa elevator ang boss kong ipinaglihi sa bagyo sa sungit—si Trauma Chief and Doctor Clara Moreau.
Doc Clara is really popular in the field because of her beauty. Ang pagkakaalam namin ay may dugong banyaga ito dahil French ang ama ni Doc kaya talaga namang namumukod-tangi ang kanyang hitsura sa hospital. Pero kung ano man ang nalalaman namin tungkol sa kanya ay pawang puro tsismis lamang sapagkat gwardiyado nito ang kanyang private info. Wala ring nangangahas na kumausap sa kanya dahil kadalasan ay nauuna ang aming takot. Kaya ipinapagpalagay na lang namin na single pa ito dahil sa kanyang ugali kahit na nasa early 40s na ang edad niya.
Alam kong nakita niya ako pero nanatili siyang nakatitig sa bumababang numero ng elevator. Sinadya kong pumunta sa kanyang likuran para magkaroon pa ng pagkakataong masuot ko ang lab gown na nakasukbit sa aking balikat.
"Do Filipinos really have this habit of being late, K?"
Napatigil ako sa aking pagkilos. Itinikom ko ang aking mga labi at yumuko. Inayos ko ang salamin kong may makapal na frame na nahuhulog sa dulo ng aking ilong.
Hindi man lang niya ako tinawag sa Doc, samantalang pareho lang naman kami ng propesyon. Sabagay, wala namang nakakaalam sa mataas na antas na mayroon ako sa aking educational background maliban sa mga board of directors. Hiniling ko sa kanila na ilihim ito para makapagtrabaho ako ng walang pumapansin at nagbibigay ng importansya sa akin. Dahil kung nagkataong naisiwalat sa hospital na ako ang kaisa-isang may triple board certification sa buong bansa, malamang ay hindi ako tatanggapin ng kahit na anong hospital dito sa Cebu dahil sa soaring credentials na mayroon ako.
Kahit na hindi ako nakasagot sa kanya ay luminya na rin ako sa kanyang tabi para makapagbigay-galang sa aking boss. Pero hindi pa rin niya ako tinigilan sa kanyang nakakaasar na istilo ng pananalita.
“I don’t think Filipinos are mute. You’re one of a kind.” She blandly uttered as she looked at me with dismay.
Tiim-bagang akong napahinga ng malalim sa kanyang sinabi. Bakit ba niya ipinipilit ang salitang ‘Filipino’ samantalang Pinoy din naman ang kanyang ina? Kung lalaki lang ito, baka nasapak ko na sa panga.
Napakabagal ng oras ng paghihintay namin sa haraparan ng elevator. Pakiramdam ko ay lumamig na ang kapeng hawak ko sa tagal nitong bumaba at sa lamig ng pakikitungo sa akin ng katabi kong duktor. Dahil wala akong magawa ay pasimple ko siyang tinignan.
Nabuhay ang puyat kong diwa nang mapansin kong hindi pala nakasara ang dalawang butones ng kanyang polo shirt. Nakasuksok ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon kaya nakahawi ang lab gown na kanyang suot. Malaya kong napagmasdan ang nakalaylay niyang hinaharap. Pinilit kong hulihin ang nakatago nitong ut*ong pero hindi ko makita. Sayang talaga at ang gilid lang ng kanyang makinis na papaya ang aking nasilayan. Laking gulat ko ng nakatangin pala siya sa akin ng patagilid.
Muntikan ko ng mabitawan ang paper cup ng kapeng hawak ko sa kaba. Gumasgas ang lalamunan ko at medyo nadis-balanse ang pagkakatapong ng salamin ko sa matangos kong ilong. Inayos ko ulit ang aking sarili para magkunwaring parang walang nangyari.
Huminga siya ng malalim at nagsalita.
“K, why are you wearing a pair of eyeglasses? I have this feeling na you are intentionally hiding your handsome face behind that fake… salamin mo at sa magulo mong buhok.”
Pagkatapos niyang magsalita ay nauna siyang pumasok sa loob ng elevator. Sa labis na pagkagulat ko sa kanyang sinabi ay nabigo akong ihakbang ang aking mga paa. Nakuhang magsara ng pintuan ng elevator at hindi niya ako hinintay. Napailing na lang ako sa kanyang ginawa. Kinulang talaga sa konsiderasyon ang ugali ng babaeng ito.
Damn, that woman! Napakalakas ng dating pero nakakatakot makakasama.
---
CLARA
Pagkasara ng elevator ay napahawak ako sa handrails ng elevator. Para akong ninakawan ng lakas sa binti at nangatog ang aking mga laman-laman.
Ahhhhh! That man is really a pure temptation! I am absolutely certain that hidden beneath his loose clothes is his mouth-watering, muscular body, just waiting to be touched. I know he's packing, too. Because every time I get a chance, I secretly stare at the thick b*ulge in his pants. It's like his c*ock is drawing me in, making me crave it even more.
Tumingin ako sa CCTV ng elevator. Kating-kati ang aking kamay na himasin ang kumikibot kong pagk*babae para mapakalma ito pero hindi ko magawa. Masyadong matalas ang mga mata ng mga tao dito sa hospital pagdating sa akin dahil sa aking posisyon. Ayokong mabura ang kanilang paggalang at takot sa kanilang mga puso kapag nakita nilang isa rin akong babae na sinasapian ng l*ibog kapag nakakita ng ganoong klase ng lalaki.
Pero napangisi ako nang maalala ko kung paano niya tinitigan ang hiwa ng aking malulusog na upo. Normal din pala siyang nilalang na tinatablan ng init ng katawan kapag nakasaksi ng katawan ng babae.
“Clara, no! This man is dangerous! Baka tuluyan kang mahumaling sa kanya!” Paalala ng aking isip.
---
Nagkayayaan ang mga trauma doctors ko na kumain sa Rai Rai Ken dahil wala na kaming naka-schedule na ooperahan para sa araw na iyon. Gutom din naman na ako dahil pasado alas-dos na ng hapon. I was a bit hesitant to join then, though. Dahil as usual, wala na naman sa grupo si K.
Hilig niya talagang humiwalay sa amin. Kuwento-kuwento lang din naman ng mga doktor na isa siya sa pinakamabait na manggagawa sa hospital. Wala daw itong pinipiling makasabay sa pagkain. Mapa utility crew o pamilya ng mga maysakit ang makasabay niya, siguradong ililibre niya ng pagkain. Ang kaso, napakailap niyang hagilapin sa tuwing may lakaran.
"Wala na naman si Doc K. Saan ba nagsususuot 'yun kapag nagkakayayaan?" Wika ng isang duktor habang naglalakad kami sa hallway palabas ng hospital.
"I don't know. Pero don't you find Doc K handsome?" Tugon naman ng isa.
Biglang naexcite ang apat kong kasamang duktor sa kanilang paksa.
"Oo! Parang kahit laging gusot ang damit niya at mukhang laging nagmamadali, parang ang pogi niya!"
"Mismo! Tanggalin mo lang ang salamin ni Doc, siguradong lulutang ang kagwapuhan niya. Papagsuklayin mo din pala."
Nagtawanan silang lahat. So hindi lang pala ako ang may hinala sa tinatagong hitsura ng aking duktor.
"Ang napapansin ko sa kanya, magaling siyang duktor. Lahat ng ooperahan niya, successful. Di nyo ba napapansin?" Tugon naman ng isa.
Come to think of it. 100℅ success rate nga ang record ni Doc K. Hmmm. This guy is really intriguing.
"Yes. Pero di ako doon nacu-curious. Feeling ko talaga may girlfriend 'yun. Parating missing in action kapag may lakaran tayo, diba?"
Well, that girlfriend must be so lucky kung mayroon man. Because even though he often wears long sleeves, I can still see his thick arms showing through. He looks absolutely delicious!
Clara, ayan ka na naman.
Pagkadating namin sa Rai Rai Ken ay para kaming mga fans ni Doc K na nagulat at napatigil sa pintuan nang makita siyang nag-iisang kumakain. Iilan lang ang mga customers sa mga oras na iyon at kaagad namin siyang nahuli. Hindi namin inasahang naroroon siya dahil sa dinami-dami ng restaurants, pareho pa kami ng piniling mapagkakainan.
Para akong biniyayaan ng Diyos dahil lahat ng pantasya ko na makita ang totoo niyang katawan ay nabigyan ng kasagutan. Nakatanggal ang maluwang niyang long sleeves polo at lab gown at nakasabit ang mga ito sa katabi niyang upuan. Nakasuot lang ito ng sando at nakapatong ang isang braso nito sa mesa pahalang sa kanyang katawan. Para siyang isang modelo. Nerd ang ayos pero napakasexy ng katawan.
Hindi namin namalayan na kaming lahat ay hindi pa pala pumapasok sa restaurant dahil nakatitig kaming lahat sa kanya. Lalo pa kaming namangha nang mag-unat ito ng braso at tumambad sa amin ang ripped niyang katawang bumakat sa sando, triceps at buhok niya sa kilikili.
"s**t. Doc K is one fine man!" Bulalas ng kaisa-isang lalaking duktor naming kasama.
My God. Kahit ang lalaki kong duktor na de-pamilya na ay hindi rin nakaalpas sa hagupit ng alindog ni Doc K.