Chapter 6: Shop

1704 Words
KHALIL "I wonder if we're going home early. Wala naman na kaming gagawin sa office. Nabitin ako sa ginawa namin ng kliyente kong dentista. So swerte ang mga magiging kliyente ko ngayong gabi dahil magp*palabas ako." Bulong ko sa aking sarili. Nang maubos ang pagkain ko ay nagdesisyon akong bumalik sa hospital at hintayin ang alas-kuwatro para makauwi ng maaga. Bago ako tumayo ay nag-unat muna ako ng mga braso dahil nakaramdam ako ng pangangalay mula sa operasyon ko kaninang umaga. Pagbaba ko sa mga braso ko sa mesa ay nakatawag-pansin sa akin ang limang taong nakatayo sa pintuan ng resto. Muntikan ko ng matabig ang plato sa harapan ko sa pagkabigla nang mapansin kong puro mga katrabaho ko ang naroroon at parang mga tuod na nakatitig sa akin. Sh*t! Naka-sando lang ako! Tumayo ako at mabilis na binitbit ang aking mga damit sa upuan at tumulak papunta sa comfort room. Nang matapos akong magbihis ay patago akong lumabas para maiwasan ang mga co-doctors ko. Hindi na sana ako babati sa kanila at tatakas na lamang ngunit nakita ako ng isa sa mga duktor at ako’y kanyang tinawag. Da*mmit. --- CLARA "Doc, hindi mo naman sinabi sa amin na kakain ka na pala. Sana sumabay ka na lang kami sayo." Bati ng kasama kong duktor sa asiwang si Doc K. Mabilis akong sinulyapan ni Doc K. Nang magkasalubong ang mga mata namin ay kaagad naman siyang napayuko. Dahil walang ibang upuan na bakante sa aming mesa maliban sa tabi ko ay nawalan siya ng choice kundi ang sumiping sa akin. Tahimik lang siya at nakangiti habang kinukulit siya ng mga duktor. "Kumain ka ulit, Doc. Samahan mo kami!" "Doc, ang tagal mo na kaming kasama sa work pero ni minsan ay hindi ka pa rin namin naka-bonding sa inuman." Sabat naman ng lalaking duktor. Napakamot sa batok si Doc K. Ngumiti lang ito at humingi ng pasensya. Nangangati ang palad kong kurutin ang kanyang makinis na mukha dahil bigo kaming mapiga ang kahit na anong impormasyon tungkol sa kanya. "Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo? May girlfriend ka ba?" Diretsong tanong ng isa ko pang katabi. Napatahimik kaming lahat at naghintay sa kanyang isasagot. "...Wala po, Doc." Matipid niyang sagot. Para kaming mga batang natuwa sa kanyang tinugon. "Oh, yun naman pala! Sama ka sa amin mamaya. Magdi-dinner kami at six. Diba, doc?" Nandidilat na mga matang tanong sa akin ng isa naming kasama. Kaagad ko namang nasakyan ang kanilang gustong mangyari. "Yes, K. Do you wanna join?" Tanong ko sa kanya. Inayos niya ang kanyang salamin at malumanay na nagsalita. "Thanks, Chief. But I need to do something later. Next time na lang po." Magalang nitong tugon. Dahil umaapaw ang aking interes sa buhay niya ay hindi ako nakatiis na usisain ang dahilan kung bakit ayaw niyang sumama. "What makes you busy? You always beat the red light every morning and you disappear as soon as the clock strikes at four. I'm curious." Alam kong napalitan ng awkwardness ang pakiramdam ng paligid dahil sa aking mga binitawang mga salita pero napasubo na ako sa pagtatanong. I hate to admit it, but I am really into him. I am craving for his personal information and of course, in his b*ody. Ngunit sa halip na matakot siya sa aking pame-mressure as his superior ay ngumiti lamang ito at kalmadong tumugon. "Pasensya na po, Chief Clara. As much as I want to share stories about myself, I am afraid my life as you can consider it, a rather boring one. There's just nothing to talk about." Nawalan ako ng pasensya at hinayaan kong diktahan na ako ng iritasyon. "Wala? Like wala kang kaibigan sa labas? O kahit magulang o anak man lamang--" Bigla siyang tumayo. Gumapang ang takot sa aking puso nang masilayan kong may talim ang kanyang pagtitig sa akin. Nanlamig ang buo kong katawan sa kung papaano niya pinutol ang aking sinasabi at sumagot ng may malalim na boses. "I'm sorry, Doc. But this is going too far. Call me selfish or oversensitive, I don't care. Just don't ever ask about my family. Excuse me. Eat well." Tinanguan niya ang lahat at binitbit ang kanyang leather bag. Iniwan niya kaming nagitla sa kanyang ikinilos ngunit wala ni isa sa amin ang nagkaroon ng sapat na lakas ng loob upang tugunan ang kanyang iniwang mga salita bago siya lumisan. --- KHALIL "Dammit!" Hinampas ko ang head rest ng katabi kong upuan sa kotse nang maipit ako sa traffic jam. Hinahabol ko ang aking hininga sa bilis ng t***k ng puso ko dahil natumbok ni Chief Clara ang klase ng mga tanong na lagi kong iniiwasan. Hindi na ako tumuloy sa hospital kahit na hindi pa tapos ang aking duty. Masyado akong naapektuhan sa aking narinig at nangamba akong baka hindi ko magampanan ng maayos ang aking pag-oopera kung mabilis ang daloy ng kalungkutan sa puso ko. "Damn. This is the reason why I always feel alone. I don't have any friends." Malungkot kong bulong sa aking sarili. How I wish I had someone to lean on to. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman o kahit na barkadang puwedeng makatulong na idaan na lang sa lasing na usapan ang mga masasakit na karanasan. I need to go somewhere. Kailangan kong ibato ang naghahalong galit at lungkot na bumabalot sa puso ko. Nag-drive ako na walang direksyon. Paikot-ikot lang ako sa mga daan dahil wala akong alam na pupuntahan. Nang mapagod ang aking mga mata sa kalsada ay nagpasya na lang akong umuwi. Pero bigla kong naalala si Z. Bigla akong nagkaroon ng ideya. Sa tinagal-tagal kong nakatira sa Maria Luisa Estate ay ni minsan, hindi ko naitanong kay Z kung saan ang auto service center nila. Kinailangan ko pang mag-Waze para lang mahanap ito. "Wow. No wonder they live in a big house." Nasambit ko nang maiparada ko sa harapan ng shop nina Z ang aking sasakyan. Isa pala itong malaking shop na may maaliwalas na service bay, naka-display ang iba't ibang diagnostic tools, may tire center, aligment equipment, oil change space, spare parts section, pati waiting area. Kaya pala kahit dalawa lang sila ay kaya nilang makabili ng ganoong kagandang bahay dahil malaki ang hawak nilang negosyo. --- ISABELLA "Pa, hindi pa na-emission test 'yung kay Ma'am Lady Mae." Sigaw ko habang tinuturo ang sasakyan ng isa sa aming mga suki. "Huuuuy, Pa!" Sigaw ko ulit. Tulala ang Papa ko sa kanyang kinatatayuan. Para siyang isang buntis na lalaking nakakita ng multo. Bilog na bilog ang tyan sa kak*atoma kasama ang mga trabahador namin pagkatapos ng trabaho. Pero hindi iyon ang importante. Bakit siya tulala? Bumalikid ako sa tinitignan niya. Nabitawan ko ang notebook na bitbit ko dahil ako man ay nabigla sa aking nakita. Nakatayo si K sa harapan ng shop, magkahawak ang dalawa niyang mga kamay sa harapan at mukhang naligaw na bata. Humakbang ito palapit sa akin. Napatakbo ako sa tabi ni Papa. Kagyat siyang natigilian sa aking ikinilos pero naglakad ulit papunta sa aming dalawa ng aking ama. "Magandang hapon po, Tito Chris, Z..." Magalang na bati niya sa amin. "T*aninga, alam niya ang pangalan ko anak." Naibulalas ni Papa. Oo nga naman at talagang nakakabigla. Paanong hindi eh sa tuwing gagawa ng paraan ang ama ko na kausapin siya ay ngumingiti lang ito at tutuloy na sa pagjo-jogging. Sinuklay ni K ang buhok niya sa batok at yumuko. Sinulyapan ko si Papa pero parang kinagat ng aso ang kanyang dila at hindi makatugon ng pagbati kay K. Kailangan kong gumawa ng paraan. "Ah, K. Bakit ka pala nandito? May... Sira ba ang kotse mo?" Napalingon si K sa kotse niya. Pagkatapos ay tinignan kami ulit ni Papa. Naghintay ako sa kanyang sagot pero wala. Napatunganga kaming tatlo. Okay, baka masyado lang malakas ang tunog ng equipment sa gilid at hindi niya ako narinig. Inulit ko ang aking tanong. "May sira ba ang kotse mo? Ipapatingin mo ba?" Ngunit sa halip na tumugon ang aking kausap ay hinimas lang niya ang kanyang batok. Lumunok ito at napayuko. Pipi ba ito? Ang hirap kausapin. "Tito... Hmmm. Gusto ko lang pong mag-stay dito. Puwede po ba?" Malumanay niyang wika. Napanganga kami ni Papa. Pagkatapos ay kinalabit ako ng ama ko ng mabilis. "Z! Z! Sa-sabihan mo si Nomer na maglabas ng chicherya. Ano, Doc... gusto mo ba ng ano, coke? Beer? Anong gusto mong kainin?" Tarantang sambit ng akin ama. "No, thanks. Tito Chris. Huwag na po. Kakakain ko lang po ng lunch." "Alas kuwatro? Lunch?" "Opo, Tito. Shifting po kasi kami." "So may ipapagawa ka ba?" Sabat ko sa kanilang usapan na wala namang pinatutunguhan. Humakbang palapit si K sa akin. Nalula ako sa lapad ng kanyang mga balikat at dibdib. "Wala, Z. I... Just want to hang out. Puwede din akong tumulong. Magaling ako sa pagre-repair dahil mahilig ako sa kotse. Please?" Para akong tinamaan ng kung ano man sa puso dahil sa kanyang sinabi. May lungkot ang boses nito at parang nais niyang makalimot. Kinalabit ako ulit ni Papa kahit na nakatitig ito kay K. "Z, ikama mo na, I mean, isama mo na... Kelangan ko na ng mamanugangin." "Pa!!!" Nagtawanan naman ang mga trabahador naming na kanina pa pala kami pinapanood. "Bitbitin mo na, pre! Ikama mo na!" "Oo nga! Diba yan ang puntirya mo! Yung adonis na duktor sa lugar ninyo!" "Dalaga na si parekoy!" Namula ang pisngi ko sa mga isiniwalat ng mga kasama ko. Marahas kong hinila ang mga manggas ng aking suot na t-shirt at pinagbantaan sila. "Hoy! Hoy! Lika ka nga dito! Gago ka ah!" Habol ko sa mga kasama namin sa shop dahil sa sobrang hiya ko kay K. Nang magsitakbuhan sila at bumalik sa kanya-kanyang puwesto ay hinarap ko ulit si K. Pero para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig nang hubarin niya ang kanyang polo. Kung paano buhayin ni Blackbird ang dugo ko ay ganoon din ang epekto ng mabagal na pagtatanggal ng suot ni K sa akin. Namilog ang aking mga mata nang masilayan ko ang kanyang mala-bundok na mga d*ibdib na pinatungan ng mapupulang mga u*tong. Wala kang itatapon sa kanyang kaanyuan. Mula sa napaka-bruskong hubog ng kanyang mga panga, patungo sa walong siksik niyang abdominal muscles. "Saan ako makakatulong?" Banggit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD