ISABELLA "Pre, huwag mo nang pakawalan! T*ngina, kahit ako na may tatlo ng anak ay nababakla pa rin ako sa katawan niya! Para siyang artista sa TV!" Paniniko sa akin ni Nomer habang pinagmamasdan namin sa malayo si K. "Ul-ol! Pinagsasabi mo!" Pagkukunwari ko naman. Pero habang pinapanood ko siyang nangangalikot sa ilalim ng sasakyan ay para akong natutuyuan ng dugo. Kalahati lang ng katawan niya ang aming natatanaw pero para na akong nabubuwal sa sobrang init ng eksenang aking nakikita. Nakasukob siya sa ilalim ng sasakyan at ang nasisilayan ko lang ay ang V-line sa gilid ng kanyang tyan at ang namumutok sa muscle niyang mga binti na nakabakat sa khaki-colored pants nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang maliit na burol na nakaumbok sa kanyang gitna. Para akong inuudyok ng aki

