Chapter Three

1342 Words
ILANG linggo na ang nakalilipas ngunit sariwa pa rin sa alaala ni Irish ang mga naganap noong engagement party. Kanina pa siya nakatingin sa harap ng salamin at sapo ang kan'yang mga labi. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa unang pagkakataon ay mahahalikan siya ng isang lalaki. Ngunit ang higit niyang itinatanong sa sarili ay kung sino ang lalaking iyon. Bakit nito iyon ginawa? At alam ba nitong siya ang fianceé ni Steve Fortaleza? Whatever! Kumpleto na sana ang gabi niyang iyon kundi lamang bigla siya nitong iniwan sa ere matapos siyang nakawan ng halik. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay walang kagatol-gatol itong bumitiw sa kaniya at naglakad paalis ng dancefloor. Naiwan tuloy siyang tulala at nag-iisa. Hanggang sa makabalik siya sa table ay tila wala pa rin siya sa sarili. Itinaob na niya ang salaming tinititigan. Marami pa siyang paper works na kailangang tapusin at kailangan niyang i-focus ang sarili. Ngunit makakapagtrabaho kaya siya nang maayos kung sa bawat sandali ay naaalala niya ang halik na iyon? .... TATLONG katok sa pinto ang pumukaw sa abalang si Irish. Isang staff ng jewelry store ang iniluwa niyon. "Ma'am Irish, may gusto pong kumausap sa inyo sa labas," anito na parang kinakabahan ang boses. "Sino daw?" tanong niya habang mabilis na nagta-type sa kaniyang laptop. "Customer po." Iyon lang at muli na nitong ipininid ang pinto. Saglit muna niyang sinilip ang sarili sa salamin bago tumayo sa kan'yang upuan. Inayos pa niya ang nagusot na uniporme at siniguradong presentable ang sarili bago lumabas. Paglabas niya ng pinto ay isang babae ang una niyang nakita. May katangkaran ito at balingkinitan ang katawan. Mestisahin at mukhang maldita. Nakasuot ito ng maong na mini-skirt at pulang craptop pang-itaas. Tila nakikipagtalo ito sa kanilang cashier. Nakapameywang ito at nakataas ang isang kilay. "Are you the manager here?" asik nito nang makita siyang papalapit. Lumunok muna siya upang kalmahin ang sarili. Isa sa mga rules ng store ay ang pagiging magiliw sa mga kostumer kahit pa nagmamaldita at hindi tama ang katwiran nito. "Yes, ma'am. Ano pong problema?" Pinilit niyang maglabas ng plastik na ngiti. Inirapan muna siya nito. "Itong staff ninyo, ayaw ibigay ang item ko. Hindi yata marunong mag-process ng credit card." Akma pa nitong sasabunutan ang cashier. Agad siyang lumapit sa may counter upang alamin kung bakit. "N-Nakailang ulit ko na pong pina-process ang credit card niya, Ma'am Irish, pero tumatalbog po talaga. Limit na po kasi." Halos maluha sa pagkapahiya ang babaeng cashier. "Patingin nga ako," aniya upang mas makasigurado. Pagkuwa'y bumaling siya sa malditang kostumer. "Sorry po, ma'am, maxed na po talaga ang card n'yo." Nakangiti niyang iniabot ang credit card sa babae. Ngunit imbes na tanggapin iyon itinapon nito iyon sa kan'yang mukha. "Damn you! How dare you do this to me?! Hindi mo ba ako kilala? Girlfriend ako ng isang Fortaleza. I'll make sure you'll pay for this." Dinukot nito ang cellphone sa slim bag at may tinawagan. "H-Honey?" Gumaralgal ang boses nito. Nagulat si Irish nang ang malditang babae kanina ay biglang naging iyakin. 'Di niya tuloy napigilang tumaas ang kilay. "W-Will you please come here? Hindi nila tinatanggap ang credit card ko." Matapos nitong makipag-usap sa kabilang linya ay muli itong bumaling sa kanila. Pinunasan pa nito ang kaunting luhang nabuo sa gilid ng mga mata. "I can even make you get fired from your position, b***h!" singhal ng babae sa kanya. "Wait for it." Pamartsa itong nag-walk out palabas ng kanilang store. Nagkibit-balikat na lang si Irish. Minsan talaga ay may mga ganoong kostumer kaya kailangan ng mahabang pasensya. Pero totoo kayang girlfriend ito ng isang Fortaleza? Kung totoo ay sino kaya iyon? Bigla niyang naisipang tawagan si Steve. Kung sakali ay makakahingi siya ng tulong dito. Nagri-ring pa lamang ang cellphone ng kabilang linya nang biglang dumating ulit ang malditang kostumer. But this time, hindi na ito nag-iisa. Nakapulupot ang braso nito sa isang matangkad na lalaki na bigla na lamang nagpakabog sa dibdib niya. "Honey, it's her. She keeps saying that my credit has already maxed. 'Di ba kakabigay mo lang sa'kin n'yon last week?" Itinuro pa siya ng babae habang parang lintang dikit na dikit sa katawan ng lalaki. "So, you're the one who's in-charge here. Kaya pala." Matiim ang mga tinging ipinukaw sa kan'ya ni Brian. Tila naman binuhusan ng malamig na tubig si Irish dahil sa nerbiyos nang mga sandaling 'yon. "Honey, what can I do? I really want that necklace but she won't give it to me," malanding singit muli ng babae habang hinihila-hila pa ang suot na necktie ni Brian. "Don't worry, you can have it, baby." Nakita niya ang bahagyang pagpisil nito sa may bandang puwitan ng babae. Ngunit imbes na mabastusan ay tila tuwang-tuwa pa ito. Pervert! "Sa susunod na gawin mo ulit ito sa girlfriend ko ay ipatatanggal na talaga kita bilang manager dito. Don't act as if you all have the right to decide sa loob ng store na ito. I don't care what's your relationship with my brother because I have the power to terminate you. You're still just a mere employee here and this is a Fortaleza's property." Seryoso at nakakatakot ang awra ni Brian nang mga sandaling iyon. For the first time in her life 'ata ay mapapaiyak si Irish sa harap ng maraming tao. Ngunit kailangan niyang lakasan ang loob. Batid naman niyang nasa tama ang kanilang katwiran. "So what now, MANAGER?" Pinagkadiin-diinan pa ng malanding babae ang huling salitang iyon. "Ayaw mong maniwala na girlfriend ako ng isang Fortaleza, ah, now earn what you deserve." Gusto na sanang patulan ito ni Irish at ipagpilitan na nasa tama sila ngunit nang mapadako siya sa gawi ni Brian ay bigla siyang natameme. Alam niyang wala siyang laban dito kapag nakipagtalo pa siya, maliban na lang sana kung nandito si Steve na tiyak na maipagtatanggol siya at makikinig sa kan'ya. "Charge it here." Dumukot ng credit card si Brian sa wallet nito at walang kagatol-gatol na ibinato iyon kay Irish. "Do it quick, you're wasting our time." Pinulot niya ang nalaglag na credit card sa sahig. Kahit sobra nang kahihiyan ang nararamdaman niya sa harap ng mga nakatinging staff at ibang kostumer ay mabilis niyang pina-process sa cashier ang card. "Thank you, sir," aniya nang iniabot niya pabalik ang credit card. Kailangan niya pa ring maging magalang at mapagkumbaba sa kabila ng kahihiyang natamo. Pahablot nitong kinuha iyon sa kan'ya at mabilis na umalis. .... "PASENSYA ka na sa nangyari," sabi ni Steve sa kabilang linya matapos marinig ang kuwento ni Irish tungkol sa nangyari kanina. "Napahiya lang talaga ako nang sobra," maluha-luha niyang tugon. "Don't worry, kakausapin ko na lang siya," alo nito. "And don't believe him na mapapa-terminate ka niya. Ako pa rin ang may hawak ng Fortaleza's Gems and Diamonds. I am the director at wala siyang karapatang takutin at ipahiya ka. Sayang kung nandiyan ako kanina ay maipagtatanggol kita." "I was trying to call you pero busy ka yata kanina. Tsaka bigla silang dumating. Anyway, hayaan mo na. Tapos na 'yon, lilipas din 'yon." Gusto pa bali niyang itanong kung bakit ganoon ang ugali ng kapatid nito. Baka sakali ay maintindihan pa niya. Baka kasi may mental breakdown ito o psychological issue. Kasi ba naman ay sobrang sama ng ugali. At kahit alam nitong mali ang girlfriend kanina ay kinukunsinti pa. Maganda kasi at sexy. Iyon ang naisip niya. Siyempre saan ba mahilig ang mga lalaki? Lalo na ang gaya nito na kagagaling lang daw sa America kung saan may pagka-liberated ang mga tao. Bigla niya tuloy na-imagine ang madalas gawin ng mga ito. Bakit tila nakaramdam siya ng panghihinayang sa isiping pumapatol at nakikipag-s*x ang tulad ni Brian sa mga gan'ong klase ng babae? "Irish, are you still there?" untag ni Steve nang bigla siyang nanahimik sa linya. "Ahh, yes, of course!" talima niya. "Sorry, may bigla lang akong naisip." "Sorry pala, hindi kita masusundo mamaya. Marami akong tatapusin ngayon sa office." "Okay lang ako. P'wede naman mag-commute." "Take care." At mayamaya pa ay nagpaalam na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD