"IRISH?"
"H-Ha?"
"Ang sabi ko, kagabi pa kita tinatawagan pero hindi kita ma-contact. What happened?"
"N-Na-lowbat ang cellphone ko kagabi --- este--- nawala. I don't know." Parang wala sa sarili si Irish nang mga sandaling iyon. Kanina pa nagba-back flash sa utak niya ang nangyari noong nakaraang gabi.
"Kaya pala. Don't worry, bibilihan na lang kita ng bago," kalmadong tugon ni Steve na parang isa lamang siyang batang nawalan ng mumurahing laruan.
"H'wag na. Mag --- "
"Ano bang brand ang gusto?" Nagse-search na pala ito ng iba't ibang klase ng cellphone online. "What about this one?"
Ipinakita nito ang isang latest model na napi-flip ang screen. Pagtingin niya sa presyo ay nalula siya sa tumataginting na fifty-five thousand pesos.
"S-Seryoso ka ba d'yan?" maang niya. "Masyado na 'yang mahal. Hindi ko kailangan ang ganiyan. Okay na ako dito." Itinuro niya ang isang nagkakahalagang hindi lalagpas sa sampung libong piso. "Iyan lang ang kaya kong bayaran sa'yo," dagdag pa niya.
Tumawa ito. "No, it's a gift," anito. "Para sa lahat ng ginawa mo para sa'kin. I think I owe you a gift. Bukod pa sa ginawa sa'yo ng aking kapatid. This thing is not enough."
Ang tinutukoy nito marahil ay ang naikwento niyang nangyari noong isang araw sa store. Ngunit wala siyang balak na ikwento din ang nangyari kinagabihan lamang. Ayaw niyang magkaroon ng mas malaking issue sa pagitan nilang magkapatid nang dahil lamang sa kaniya.
"I-Ikaw ang bahala," sang-ayon na lamang niya.
Nang sumapit ang alas-dose ng tanghali ay sabay silang lumabas ng kaniyang office upang kumain sa labas.
Dahil alam naman sa trabaho na super close sila ay walang malisya iyon sa mga staff. Pagkatapos ay nagderetso sila sa third floor ng mall kung nasaan ang mga tindahan ng gadgets. Agad nilang nabili ang brand na tinutukoy nito.
"Thank you," maluha-luhang sabi niya dahil sobrang ganda ng phone. Nag-take pa sila ng selfie bilang remembrance sa araw na iyon. Mabilis din niyang ni-log in ang mga account niya sa social media. Bumili din sila ng bago niyang sim card at nagpalitan sila ng number.
"Hindi naman siguro maha-hack ang account mo, 'di ba?" patungkol ni Steve sa kaniyang nawalang cellphone.
"May password naman iyon, at kung sakali, tiyak na ipapa-reformat din iyon ng makakapulot niyon," aniya.
Pagsapit ng ala-una ay nagbalik na si Irish sa kaniyang office. Si Steve naman ay bumalik na rin sa main office ng Fortaleza's Gems and Diamonds.
....
"Good evening po, ma'am!" bati ng guard kay Irish nang papadaan na siya sa entrance ng Fortaleza's Home and Village.
"Good evening din po, kuya!" tugon niya ring nakangiti. Pangkaraniwan na ang ganoong set-up sa kanila dahil matagal na rin siyang naninirahan doon. Sadyang magiliw din ang mga ito sa lahat ng residente sa nasabing subdivision.
Malapit na siya sa gate ng tinitirahan niyang unit nang tumunog ang kaniyang cellphone. Sinagot niya agad ang tawag na mula kay Steve.
"Malapit na ako sa bahay," sagot niya matapos nitong tanungin kung nasaan na siya. Hindi na kasi siya nito naihahatid sa pag-uwi niya dahil masyado na itong busy sa opisina.
Matapos ang tawag ay muli na niyang binulsa ang cellphone at kinuha ang susi sa bag para buksan ang padlock ng gate. Akma siyang papasok na sa loob nang mapansin ang lalaking nakaitim na papalapit sa kaniyang gawi.
Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa suot na itim na mask at sombrero. Dali-dali siyang pumasok sa loob dahil sa takot ngunit nang itulak niya ang gate upang isarado ay parang nabarahan iyon.
Sa tama ng liwanag mula sa street lights ay nakita niya ang anino ng lalaki. Nakaharang ang isang paa nito sa ibaba kaya pala hindi na niya maisara ang gate. Pagkuwa'y bahagya nito iyong itinulak upang makapasok pa ang buong katawan nito.
Napatingala si Irish. Umihip ang hangin at naamoy niya ang pabangong gamit nito. Pamilyar!
Nag-iisip pa siya ng sasabihin nang hubarin ng lalaki ang suot na mask pagkatapos ay ang sombrero nito.
"Found you," sabi ng lalaki habang nililinga ang buong paligid. Pagkuwa'y tumango-tango ito. "Not bad," komento nito na tiyak siyang ang tinutukoy ay ang panlabas na anyo at laki ng kaniyang townhouse unit.
"A-Anong ginagawa mo dito? B-Bakit mo ako sinundan?" Muli ay bumalik ang kakaibang kaba sa dibdib ni Irish. Halos mangatog din ang kaniyang mga tuhod.
"Last time, I was careless not to know where you exactly live," anang lalaki at isinuksok sa magkabilaang bulsa ang mga kamay. "Aren't you going in?"
Nauna pa itong humakbang sa kaniya palapit sa pinto. Nagdadalawang-isip si Irish kung dapat ba niyang patuluyin sa loob ang lalaki o hindi. Ngunit mapipigilan ba niya ito kung sakali?
Dahan-dahan niyang ipinasok ang susi sa butas ng doorknob. Ang nagmamadaling si Brian ang agad na nag-ikot ng seradura at nagbukas ng pinto. Kinapa niya ang switch sa gilid at nagliwanag ang buong paligid.
"You live alone here?" Sinipat nito ang kabuuan ng sala.
"Oo."
"Good." May pilyong ngiti ito sa mga labi
"Kung hindi mo mamasamain, puwede bang malaman kung bakit ka nagpunta dito?" tanong niya.
May dinukot ito sa likod ng bulsa ng pantalon.
"I'm here to return this."
Nagulat pa siya nang ilabas nito ang kaniyang nawawalang cellphone.
"P-Paano 'yan napunta sa'yo?" tanong niya habang iniisip ang mga nangyari noong nagdaang gabi.
"Sa sobrang pagmamadali mo, nalaglag."
Oo nga pala. Bakit hindi niya naisip na baka doon nga sa kotse nito iyon nawala dahil naalala niya na nag-time check nga pala bago mag- nine ng gabi?
"T-Thank you," aniya at akmang dadamputin ang cellphone na hawak pa rin nito.
"Nope!" Ngunit mabilis nito iyong nailayo sa kaniya. "I'm expecting a reward for returning this."
Na-conscious siya nang mapansing malagkit na naman itong nakatingin sa kaniya. Sa mga labi niya, sa leeg, sa dibdib. Bakit ba para siyang hinuhubaran sa mga titig nitong iyon?
"K-Kung reward lang din, s-sorry pero wala akong ipambabayad sa 'yo," sabi niya kahit alam naman niyang hindi pera ang hinihingi nito.
"You're so naive, really." Parang bigla itong na-disappoint. "You still remember what I offered you last night, right?"
Nagsimulang pawisan nang malapot si Irish.
"B-Bakit ba ako ang gusto mo? M-Madami naman d'yang ibang babae. 'Di ba't may girlfriend ka? Bakit hindi mo na lang 'iyon' gawin sa kaniya? F-Fianceé ako ng kapatid mo. Ganiyan ka na ba kahibang?" Medyo naghi-histerikal na siya.
Ngunit hindi man lamang ito nagpakita ng empathy sa sinabi.
"Well, FYI, wala na akong girlfriend. We broke up the same day. I found you sexier than her." Parang proud na proud pa ito. "And you know what, I'm really curious about you. What's with you and why did you become my brother's fianceé? Pero ang pinakagusto ko sa lahat ay malaman kung... how good you are." Kasunod niyon ang pilyo nitong ngiti.
Namula si Irish at biglang nataranta. May mental disorder ba na ganitong klase? Iyon na lamang ang nais niyang isipin patungkol dito dahil totoo siyang nanghihinayang. Nanghihinayang sa kaguwapuhan nitong kahit sinong babae ay hindi ito matatanggihan. Kahit na ng tulad niya.
What? Maging siya ay hindi makapaniwala sa ideyang pumasok sa kukote niya.
"P-P'wede ka nang umuwi, Mr. Fortaleza. Hindi ko na kailangan 'yang cellphone na iyan. Nakabili na ako ng bago."
"And you really think I followed you here just for this cheap thing?" Biglang sumeryoso ang mukha nito.
"W-Wala akong alam sa mga plano mo pero nakakaabala ka na. Kakauwi ko lang galing trabaho at gusto ko ring magpahinga."
Upang hindi na palalimin ang kanilang diskusyon ay tinalikuran na niya ito. Nagtungo siya sa kaniyang kuwarto at kumuha ng mga bihisang damit. Pagkuwa'y nagderetso siya ng banyo upang maglinis.
Ang mga taong tulad nito ay parang kulang sa pansin. Marahil kapag naisip nitong walang umiintindi dito ay tumigil din ito sa pangungulit sa kaniya. Pang- i-stalk rather.
Ilang minuto din ang lumipas bago natapos si Irish. Pagsilip niya sa sala ay wala na si Brian. Mayamaya ay narinig niya ang padabog nitong pagsasara ng gate.
....
DAMN! Kulang na lamang ay umapoy ang kaniyang mga mata sa inis na nararamdaman. Mabilis ang pagpapatakbo niya sa kaniyang sasakyan. Ewan ba niya at bakit biglang uminit ang ulo niya. It's not the usual Brian.
Nagawa naman niya ang kaniyang plano. Iyon lang naman ang goal niya nang gabing iyon. Ang sundan si Irish para malaman kung saan ito eksaktong nakatira. Pero may kulang siyang nararamdaman. His libido!
Ewan ba niya. Pero kakaiba ang kaniyang pakiramdam sa babaeng iyon. Unang kita niya pa lang dito ay agad siyang na-attract dito. Physically. At kilala niya ang kaniyang sarili. Hindi siya ang tipong sumusuko hangga't hindi nakukuha ang gusto.
"I want her," nausal niya. Kaya lang ay hindi siya maaaring magpadalus-dalos ng kilos. Kailangan niyang makuha ang loob nito. At wala siyang pakialam kung fianceé ito ng kaniyang kapatid.