Chapter Eight

1590 Words
MAGTATANGHALI na nang dumaong sa port ang yate kung saan nagpalipas ng magdamag sina Brian at Irish. Medyo nananakit ang bandang likuran ni Brian dahil sa pagkakapwesto ng tulog sa upuan kagabi. "Sakay na," sabi niya kay Irish na kanina pa nakatayo sa tabi ng kaniyang sasakyan. Ini-start niya agad ang engine at nilisan ang lugar. Medyo malayo pa ang kanilang bibiyahihin dahil sa Batangas pa ang port na iyon. Pag-aari iyon ng kanilang pamilya kaya roon niya naisip na isama ito. "Are you okay?" Napansin niyang tila balisa si Irish at namumutla. "O-Okay lang ako," mahina nitong tugon. Mayamaya ay bigla itong bumahin nang sunod-sunod. "Damn it! Are you sick?" naiiritang tanong niya. Hinawakan niya ang noo nito at naramdaman na mainit iyon. "s**t!" Agad siyang nag-surf online kung saan may malapit na hospital o clinic doon. Pagkuwa'y mas binilisan niya ang pagmamaneho. In less than thirty minutes ay nakarating sila sa pagamutan. Mabilis na umibis ng sasakyan si Brian at binuksan ang passenger's seat. Dahan-dahan niyang binuhat si Irish na nakapikit nang mga sandaling iyon at dinala sa loob ng emergency room. Agad na may sumalubong sa kanilang nurse at doktor. Ilang sandali siyang naghintay sa may waiting area bago siya nilapitan ng nurse na nag-asikaso kay Irish. "Kayo po ba, Sir,ang guardian niya?" tanong nito sa kaniya. "Yes, I'm her fiancé," deretso niyang sabi. "How is she?" "Mayroon lang siyang mild fever, Sir. Puwede na siyang i-discharge ngayon. Pahinga lang at gamot ang kailangan niya." Pagkaalis nito ay agad niyang pinuntahan si Irish sa kuwarto nito. Gising na ito nang madatnan niya. "Kaya mo bang bumiyahe?" tanong niya. Sinapo niya ang noo nito at medyo bumaba na ang temperature nito. "S-Siguro," mahinang tugon nito. "I want a concrete answer. Oo o hindi lang," asik niya. Nag-aalala siya na baka nasa kalagitnaan sila ng biyahe ay kung anong mangyari dito. "O-Oo," sabi nito at pinilit pang bumangon sa pagkakahiga. "Sinat lang naman ito." "Bakit ba kasi nagkasakit ka?" frustrated niyang tanong. "Imbes na nasa Manila na sana tayo ngayon, na-stuck tayo dito." Pinandilatan siya ni Irish ng mga mata. "Eh kung hindi mo ako isinama kahapon, 'di sana wala ako rito ngayon. Kung naiinip ka sa 'kin, p'wede ka naman bumiyahe na mag-isa. Magko-commute na lang ako." Umismid ito sa kaniya. "Tapos ako itong magmumukhang masama at sasabihan mong nang-iiwan sa ere?" Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Wala akong sinabi." Inirapan siya nito. Napabuga ng hangin si Brian. Sandali siyang nanahimik. Pinakalma niya ang sarili. Bakit ba bigla-bigla na lang kung uminit ang kaniyang ulo? "Fine, I'll wait until you're ready." "Okay na ako," mabilis na sabi ni Irish. "Nakakahiya naman sa 'yong maghintay ka nang matagal." "Kinokonsensya mo pa talaga ako." Napakamot siya ng ulo. Mayamaya ay tinawag na niya ang nurse para i-ready ito sa pag-discharge. Nagbayad na rin siya ng bill. Inalalayan niya si Irish na maglakad hanggang sa makarating sila sa may parking lot. Ramdam niya na ayaw nitong magpahawak sa kaniya pero ipinagpilitan niyang alalayan ito. Nagtampo yata ito sa mga sinabi niya kanina. Wala itong imik habang nasa biyahe na sila. "Galit ka ba?" tanong niya na hindi nakatiis. "Hindi," mabilis nitong tugon. Pumikit ito at isinandal ang ulo sa headrest ng upuan. "Okay." Ayaw na niyang makipag diskusyon pa. Mayamaya ay nakatulog si Irish habang nasa biyahe. Siya na bored na bored sa pagmamaneho ay naisipang magpatugtog nang mahina. Lumipas ang halos tatlong oras ay nakarating din sila sa Manila. ..... MAHIHINANG yugyog sa balikat ang gumising kay Irish. Pagdilat niya ay una niyang nabungaran si Brian na matamang nakatitig sa kaniya. "Nandito na tayo," sabi nito na wala man lang ekspresyon sa mukha. Sa tapat ng gate ng kaniyang bahay itinigil nito ang sasakyan. Dagli niyang tinanggal ang seatbelt at binuksan ang pinto. "Salamat," aniya bago siya tuluyang bumaba. Madilim na ang buong paligid nang mga sandaling iyon. Kumakalam na naman ang kaniyang sikmura. Hinahanap niya pa lang ang susi ng gate sa loob ng kaniyang bag nang mapansing nasa likuran niya pala si Brian. Pinagmamasdan lang nito ang ginagawa niya. "Umuwi ka na, okay na ako," baling niya dito. Bumuti na talaga ang kaniyang pakiramdam matapos siyang uminom ng gamot nang nasa ospital sila. "I insist," anito. Nang makuha na niya ang susi ay kinuha nito iyon mula sa kaniyang kamay. Ito ang nagbukas ng gate para sa kaniya. Dumeretso ito sa may pinto ng bahay at binuksan rin ang kandado. "Puwede mo na nga akong iwanan, maayos na ang pakiramdam ko," ulit niya dito. "I said I insist," matigas nitong sabi. Wala siyang nagawa kung hindi hayaan ito sa gustong mangyari. Nang mga sandaling iyon ay kating-kati na rin siya na mag-hot shower. Dalawang araw na niyang suot ang damit pang-opisina niyang iyon. Pati ang undergarments niya. Pakiramdam niya ay ang baho-baho na niya. Dumeretso siya ng kuwarto upang kumuha ng damit na bihisan at tuwalya. Sinilip pa niya si Brian bago siya pumasok ng banyo. Binubuksan nito ang TV. Ilang sandali pa at tapos na siyang mag-shower. Nakaikot pa ang tuwalya sa kaniyang buhok. Dinampot niya ang blower na nasa lamesa sa harap ng malaking salamin sa kaniyang silid at inumpisahang tuyuin ang kaniyang buhok. Matatapos na siya nang marinig ang pagpihit ng doorknob ng kaniyang kuwarto. Bumungad sa kaniya si Brian na walang damit pang-itaas at tanging boxer lamang ang suot! "I'm taking a shower too," sabi nito bago pa man siya nakapag-react. Kinuha nito ang tuwalyang ginamit niya at inamoy pa nito bago nito muling isinara ang pinto. Siya naman ay natutulala pa rin sa nakita. Sa ikalawang pagkakataon ay nakita niya ang maskulado nitong katawan. Ibang ideya na naman ang pumasok sa kaniyang isipan. Hindi kaya ngayon nito balak isakatuparan ang matagal nang binabalak nitong gawin? Kailangan niyang bantayan ang kaniyang sarili. Sunod-sunod na doorbell naman ang narinig niya pagkuwan. Sinilip muna niya sa bintana kung sino ang tao sa labas. Isang delivery rider ang kaniyang nakita. Nag-order pala ang hudyo ng pagkain nila. Pagtanggap niya ng order ay mabilis siyang bumalik sa loob. Saktong nadatnan niya si Brian na tapos nang maligo at tinutuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Nakasuot lang ito ng boxer at puting sando. Kitang-kita niya ang nagbubukulang biceps nito. "Let's eat," sabi nito nang makita ang kaniyang bitbit. Sumunod ito sa kaniya sa may dining area at doon nga ay nagsimula silang kumain. "May extra ka ba diyang damit?" tanong nito mayamaya. Parang nangangati kasi ito sa suot na sando. "Wala," mabilis niyang tugon. "Bakit kasi ayaw mo pang umuwi? Sabi nang ayos na ang pakiramdam ko. 'Yan tuloy, pati isusuot mo magiging problema ko." Tumalim bigla ang tingin nito sa kaniya. "Simple lang ang tanong ko, ang haba-haba ng sagot mo." Tinawanan niya lang ito. "Umuwi ka na lang ngayon habang maaga pa. Wala ka rin namang tutulugan dito. Hindi ka kasya sa sofa. Masyado kang malaki." Humugot ito ng malalim na hininga. "Fine!" naiiritang sabi nito. Kay init agad ng ulo. Tumayo na ito sa kinauupuan at walang sabi-sabing nag-walk out. Sinundan niya ito ng tingin at nakita niyang dinampot nito ang mga sinuot na damit. Ni walang lingon-lingong lumabas ito ng pinto ng bahay at padabog na sinara ang pinto. Pati ang gate. Seconds more later, narinig din niya ang pagtunog ng sasakyan nito hanggang sa tuluyan itong nawala sa kaniyang pandinig. ..... MASARAP ang gising ni Irish kinaumagahan. Dahil Linggo ay wala pa rin siyang pasok. Mataas na ang sikat ng araw ngunit wala pa rin siyang balak bumangon. Bumabawi siya ng pahinga dahil sa pagod kahapon. Pagtingin niya sa cellphone ay tambak iyon ng miss call mula sa kaniyang kapatid. Agad niya rin itong tinawagan. "Ate?" Kakaiba ang tono ni Janice nang sumagot ito sa kaniya. Nag-request ito ng video call upang magpangita sila. "Anong problema, Janice?" Bigla na lamang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Senyales ng hindi magandang kutob. "Ate, umuwi ka dito." Ang namumugtong mukha ng kapatid ang una niyang nasilayan sa video call. Umiiyak ito at base sa puting background nito ay alam niyang wala ito sa bahay. "Anong nangyari d'yan?" natataranta niyang tanong. "S-Si Papa naaksidente. Nandito kami sa ospital ngayon." Sa narinig ay bigla na lamang umagos ang mga luha ni Irish. "K-Kumusta na siya ngayon? Anong lagay niya? Ano ba'ng nangyari? Paano siya naaksidente?" histerikal niya pang usisa. Mayamaya ay nakita niya ang ina na siya namang humarap sa camera. "Anak, Irish.." Maging ito ay walang patid sa pagluha. "A-Anong lagay ni Papa, 'Ma?" "K-Kailangan siya operahan. May nabaling buto raw sa may balikat niya. Iyong van na nakabangga sa motor niya, tinakbuhan ang Papa mo. Anak, kailangan ng malaking halaga. Sabi pa ng doktor, may posibilidad daw na ma-paralyze ang isa niyang kamay kapag hindi agad siya naoperahan." Itinapat nito ang camera sa hospital bed kung saan nakaratay ang kaniyang ama. Wala itong malay at maraming benda sa katawan. Awang-awa siya sa kalagayan nito. "M-Magpa-schedule na kayo ng operasyon ni Papa, 'Ma. Ako na ang bahala sa bayarin, gagawa ako ng paraan," aniya kahit walang ideya kung saan kukuha ng pera. "Sigurado ka, anak? Kulang-kulang two hundred thousand pesos daw ang kakailanganin para sa operasyon. Saan ka kukuha ng ganoong kalaking halaga?" Hindi siya agad nakapagsalita. "M-Mangungutang ako sa trabaho ko, 'Ma. Bahala na. Basta gagawa ako ng paraan. Tatawagan ko kayo kapag may hawak na akong pera. Uuwi ako d'yan, Ma." Nang matapos ang tawag ay lalong rumagasa ang luha sa kaniyang mga mata. Anong gagawin niya? Saan siya makakakuha ng ganoong kalaking halaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD