HALOS walang tulog si Irish nang araw na bumiyahe siya pauwi ng kanilang probinsya sa Siargao. Nang matanggap niya kasi ang cheque ay agad niyang winidro iyon sa bangko. Nagpasa rin siya ng leave form sa trabaho at pumila nang maaga sa bilihan ng ticket para makakuha siya ng pinakamaagang flight. Ngayon nga ay nakasakay na siya ng eroplano at naghihintay na lang iyong mag-take off. Malaki pa rin ang pasasalamat niya sa taong dahilan kung bakit nandito siya ngayon. Hindi niya akalaing tutulungan pa rin siya ni Brian kahit hindi natupad ang pinagkasunduan nila. Mayamaya pa ay nagpaalala na ang stewardess na lilipad na sila. Kanina pa naka-fasten ang kaniyang seat belt kaya relaxed na lamang siyang sumandal sa kinauupuan. Sa tabi ng bintana ang nakuha niyang seat kaya siguradong matatanaw n

