
“How long will I endure the pain of loving you, Alvin?” Gina burst into tears as she mouthed those words. “From now on malaya ka na..” hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga salitang ‘yon sa lalaking minamahal. Alam ng Diyos kung gaano niya ito kagustong makasama. At dahil sa kagustuhang ‘yon marami ang nasaktan maging siya. Tumalikod si Gina mula sa Katipan at nagsimulang humakbang palayo rito. Subalit bago pa man siya tuluyang makalayo ay nahigit na ni Alvin ang kaniyang braso at pinihit siya paharap. “Alvin ano ba, nasasaktan ako...!” impit na wika ni Gina na pilit binabawi ang braso. “Sa tingin mo papayagan kita? Matapos mong bulabugin ang buhay ko iiwan mo ‘ko?!” medyo napataas ang tonong wika rin ni Alvin. “You’ll stay with me, Gee---FOREVER!” Iyon lang at siniil nito ng halik ang Asawa. Dalawang taong pinagbigkis ng isang pagkakamali. Nang dahil sa labis na pagmamahal ay nagawang pikotin ni Gina si Alvin Sebastian. Lahat ay kayang tiisin sa ngalan ng PAG-IBIG. Makakaya rin kayang tiisin ng dalaga ang galit at pagkasuklam ng lalaking minamahal? Tunghayan ang kwento ng isang BRATINELLA’ng nain-love sa lalaking suntok sa buwang mahalin siya---Gina Montenegro.
