Call

1905 Words
***Flashback**** "Hmm.... sino 'to?" Sagot ng asa kabilang linya. Hatala sa boses nito na kagigising lang. Kumunot ang kanyang noo dahil babae ang sumagot. "Nandiyan ba si Bryan?" Tanong nya. Tinatawagan kasi niya ang katiwala sa farm para sana kumustahin ang pinapatrabaho niya dito. "Sino 'to?" Tanong naman uli nito sa kanya na nagbebedroom voice pa. Gasto nyang mapamura dahil parang may ibang epekto ang tuno nito sa kanya. Parang ang sexy lang pakinggan. Girlfriend siguro ni Bryan aniya sa loob nya. Isang tikhim mina ang pinakawalan nya bago sumagot. "Si Ron 'to." Pagpapakilala nya. "Andiyan ba si Bryan" tanong niya uli. Biglang nakarinig si Ron ng kaluskus galing sa kabilang linya na parang nagmamadali at parang bumagsak ang cellphone na hawak nito kaya nailayo nya sa taynga nya ang kanyang cellphone. "Aray.." narinig nyang sabi ng kausap pero mahina ang boses parang di yata nakatutok sa bibig nito ang gamit na cellphone. Lalong syang napakunot. "Hey. Are you ok?" Tanong nya. Rinig nyang umungol ito na parang nasaktan. "Ang sakit ng balakang ko."Anas ng nasa kabilang linya na malayo parin ang boses. Nakalimutan yata nitong may kausap sya. "Hey. Are you ok?" Tanong uli nya. "Andito pa ko baka naman pwede mo akong kausapin?" Dagdag pa nya na medyo nilakasan ang boses. Narinig nya ang kaluskus uli. "A. P-pasinsya na ho. Sumakit kasi bigla ang tiyan ko" palusot ng nasa kabilang linya. Hindi nya mapigilang mapangiti. "Akala ko nahulog ka sa higaan." Pambubuko nya dito. "A h-hindi ho." Nabubulol na tanggi ng nasa kabilang linya na ikinangiti nya. "Pero ok kana hindi na masakit ang balakang mo?" Nakangiti nyang tanong. Parang kinikiliti ang taynga nya dahil sa paghinga nito. "Hindi na ho." Sagot naman nito pero parang nakikinita na nyang nakasimangot ito habang sumasagot sa kanyang tanong. "Pwede ko bang makausap si Bryan?" Pang- iiba nya sa kanilang usapan. "Pasinsya na ho pero asa farm kasi si kuya e. Naiwan kasi po nya ito cellphone nya." Natigilan sya. May kung anong nagpatindi ng nararamdaman ni Ron nong malaman kung sino ang kausap. Hindi kaya.... "So, si Elling ba ito?" Panghuhula nya sa kausap. "Oho, may sasabihin ba kayo kay kuya?" Hindi nya alam kung sinasadya ba nitong lambingan ang boses nito dahil ang lambing ng dating nito sa kanya. napakasarap sa kanyang pandinig na lalong nagpapakabog sa kanyang dibdib. "s**t! This is not me." Bulong nya sa sarili. Kahit kailan ay hindi pa kumabog ng ganito ang kanyang puso. "T-tatanongin ko lang sana yong pinapagawa ko sa kanya." Sh*t! Mahinang mura uli ni Ron sa sarili dahil bahagyan pa syang nautal. "A. Yong about po sa gamit ng resthouse?" Tanong naman ni Elling. "Emm." Maiksi nyang sagot. "Ok na ho. Sinama ako ni kuya noong isang araw na bumili ng gamit kasi wala daw syang alam sa mga gamit." Masayang kwento nito. "Ganon ba. Kumpleto na ba?" s**t! Bat parang pabebe ang boses nya. "Yong laman nalang po ng ref ninyo po ang kulang, pero mamamalengke po yata sila nanay bukas." Masayang sagot ni Elling. Sa farm nya kasi binabalak ipunta ang mga kaibigan nya kaya pinapakumpleto na nya ang gamit sa pinatayo nyang resthouse nya para di na sila makituloy sa bahay ng mga ito. "Galing po ako doon kahapon para ayusin po ang mga gamit doon. Baka pupunta ho ako uli doon mamayang hapon dahil hinahakot palang nila kuya yong iba pang gamit. Nakailang balik na po kasi ung tracktora pero di pa nila nahakot lahat." Paliwanag nito sa kanya. "Pero yong mga bed nalang po ang hindi nahahakot. Malalaki po kasi." Pagbabalita nito Hindi kasi makakaakyat ang sasakyan sa lugar ng mga ito kaya yong tracktora na kinabitan ng trolley ang ginagamit ng mga ito pag marami ang binibili nila galing bayan. Pero malimit na naglalakad nalang sila dahil bukod sa mas mapapalayo pa sila pag sa main road na lubaklubak sila dadaan, mabagal pa ang takbo ng tracktora. "Di marami na pala akong utang sayo?" Biro nya dito. Minsan isinasali nya itong pinapadalhan pag hinuhulog nya sa bangko ang sahod ni Bryan pero tumatanggi ito. Naikwento kasi ni Bryan na ito ang gumagawa ng financial report ng farm niya. "Hayaan mo na para mahasa sya" naalala nyang sabi ng kanyang katiwala ng nabanggit niya ang about sa sahod ng dalaga. Ipinagbukas kasi nya ang kanyang katiwala ng dalawang bank account. Para sa sahod nito at para sa gastosin nila sa farm. Dahil madalang lang syang dumalaw dito. "Hahaha... sabihin mo yan sa akin pag nakita mo yong report." Tumatawang sabi nito sa kanya. Ang report na sinasabi nito ay nakasulat lang sa isang logbook. Pero maayos ang pagkakagawa nito. Malinaw at madaling intindihin. "Bakit kinulang ba kayo sa budget?" Kunot noong tanong nya. "Ang laki laki kasi ng pangalan ko doon na sinulat ni kuya tapos binibilang pala nya yong hinihingi ko sa kanya." Sumbong nito na ikina tawa naman nya. "hindi pa nga namin nakalahati yong laman nong card e. pero syempre minsan na nga lang ako isama ni kuya kaya sinulit ko na...Hehe. If you don't mind." Tumatawang sabi nito sa kanya na ikinatawa din nya. "Nah. Not at all." Sagot naman nya dito. "Tsk.. sana pala tinawagan muna kita bago kami pumunta sa bayan para sky the limit ako. Ang damot kasi ni kuya e." Natatawa nitong sabi. Tawa naman siya ng tawa dito. "Hayaan mo pag nagkaroon ako ng time ilalabas kita. Magdadate tayo." Birong totoo nya dito. Ngayon nya lang ito nakausap pero parang ang gaan na ng loob nya dito. "D-date?" Nauutal at parang di makapaniwalang tanong nito. "Oo ayaw mo ba?" Tanong niya na pinalambing ang boses. "Aeeyeee... kinikilig ako" impit na sigaw nito na inilayo sa bibig ang cellphone. Tawa naman tawa si Ron sa kausap. "Ay naku iboboyfriend na talaga kita." Tumatawa nitong biro pero halata naman kinikilig. "Sure,why not." Ganting biro naman niya sa dalaga. ***end of flashback*** Sa halos kalahating oras pa silang naglalakad ng marating din nila ang resthouse nya. Panay parin ang reklamo ng mga kasama niya na halos maligo na sa pawis. Bago marating ang resthouse nya ay madadaanan mo ang napakaluwang na sapa, halos isang ektarya ata ito maraming balbalino sa tubig na lalong nagpaganda ng view nito dahil pinaghalong pula at puti ang mga bulaklak nito. Mayroon ding maliit na burol sa gitna nito na may tanim na mangga na mayabong ang sanga. Tanim ito ng may-ari dati. Ginawan ito ni Bryan ng kawayan na upuan kaya napakagandang tignan. Kasama nya itong nagdala ng gamit sa gitna noon. Binutasan nya ang mga magkabilang dulo ng kawayan at tinusukan ito ng kahoy para magdikit dikit at tinalian para hindi magkakahiwa-hiwalay. At ginawa nilang balsa para makapunta sa gitna. Pero ng pabalik na sila sa gilid ay nilangoy nalang nila. Napakalalim ng sapa, kaya pag di ka marunong lumangoy ay di ka makakapunta sa gitna. Pero sabi naman ni Bryan ay gagawa ito ng balsang kawayan. Para pag punta ng mga kaibigan nya may magagamit sila. Sa gilid ng sapa ay nandoon naman ang resthouse nya, sa harap ay may napakalaking mangga at mayabong din ang sanga. Halatang matanda na ang puno. "Sh*t pre! Saan mo nadiscover ang lugar na ito?" Bulalas na tanong ni Tim. "Bakit ngayon mo lang kami pinunta dito?" Tanong din ni Macky. Nasa mukha ng mga ito ang pagkamangha at paghanga sa lugar. "And Let me guess. hindi alam ito nila mama at papa, am I right?" Dagdag tanong uli ng kapatid.. "Nah." Maiksi lang nyang sagot "Kailan mo pa nabili ito?" Tanong naman ni Jef. "3 years ago when we closed the deal to Mr. Belmonte." Ang deal kasing iyon ang nag-uwi sa kanila ng limpak limpak na salapi. "Gusto ko kasing maayos muna ito bago ko kayo ipunta dito. Nakakahiya naman kung makikituloy tayong anim sa bahay ng katiwala ko dito." "Ilang ektarya ito?" Tanong ni Jhon habang panay ang kuha ng larawan. Napangiti sya. "Mahigit isang daan, mura ko lang nakuha kumpara sa market value nito dahil mahirap ang daan at walang electricity ang lugar." Sagot nya na ikinagulat naman ng lima. "F**k. Ibig mong sabihin walang kuryente dito?" Bulalas na tanong ni Jef sa kanya. Napatawa sya ng mahina "Dito mayron kasi pinakabitan ko." Turo nya sa may bundok kung saan makikita ang mga posting pababa sa resthouse nya. Nakahinga naman ng maluwag ang mga ito. Knowing them, hindi pwedeng mawala ang communication nila sa manila dahil sa business nila. "Sulit na sulit ang pagbubuhat ko ng maleta." Wika ni Jhon na tuwang tuwa na nakatutok sa camera. "Tara na naghihintay na sila." Turo nya sa bandang resthouse nya. May tao doon na parang hinihintay nito ang kanilang pagdating. Si Aling Lilia ito ang nanay ni Bryan. Ang tatay naman nya ay si Manong Doming na busy sa pagluluto.Sa labas ito nagluluto kaya kitang kita nila na busy sa paghahalo. "Mano po." Sabay mano nya kay Aling Lilia na ikinakunot noo ng mga kasama nya. Napalapit na kasi sya sa mga ito at parang pamilya ang turing ng mga ito sa kanya. Kinawayan naman nya si Manong Doming na di maiwan iwan ang niluluto. Nagsimano din ang kanyang mga kaibigan kay Aling Lilia. "Kuuu.. pagkakagwapong mga binata e. Di ata uso sa inyo ang pangit ano?" Nasa mukha nito ang labis na paghanga. "Nay ito po si Macky, kapatid ko ho. Ang babaero po sa amin. Si Alex ho ang balasubas. Si Tim ang Mayabang. Jhon ang may sayad. Si Jef ang abnormal at ako po ang perpekto." Pabiro nyang pagpapakilala, kaya naman bugbug ang inabot nya. Tawa naman ng tawa si Aling Lilia sa kanyang kalukoha. "O sya tuloy na kayo sa loob at baba kayo agad ng makapagmeryenda na kayo. Dito nalang kayo sa lilim ng mangga magmeryenda para mas presko." Pagtataboy nito sa kanila. "Sige ho." Nagpatiuna na sya para pumasok sa loob. Kinawayan nya uli si Manong Doming na nagluluto. Half half lang ang resthouse nya. Half na cemento at half na sawali ang dingding. Mahirap kasing mag-akyat ng materyales. Ang bubung nito ay pawid na pinatungan nya ng net na itim. Di pa ito tapos ng last na pumunta siya dito. Kaya nong pumasok sya ay nakita nya na kumpleto na ang gamit nito. May mga kurtina na ang mga bintana at may mga upuan na sa salas may divider din. Kumpleto na din ang mga appliances.May TV. DVD, stereo at May mga pillow na nakaayos sa upuan. Napangiti sya dahil satisfied naman sya sa ayos. Naupo ang mga kasama nya doon para makapagpahinga ang mga ito. Presko sa loob kasi pumapasok sa malalaking bintana ang hanging galing sa labas. Siya naman ay nagtuloy tuloy sa kwarto niya. Sinadya nyang mas malaki ito kaysa sa dalawang kwarto pa. Tatlo kasi ang kwarto ng resthouse nya. Bumungad sa kanya ang puting kurtina at kapansin pansin ang ayos ng malaking kama na nandoon kasi naka bedsetting ito. Puti ang sheet nito ganon din ang dalawang unan at ang kumot ay puti din na nakadesign sa ibabaw na parang swam. Napansin nya ang table sa gilid nito na may upoan, na may mga logbook na maayos na nakapatung doon. Nakuha ng atensyon nya ang malaking larawan na nakaframe sa ulonan ng kama nya. Larawan nya iyon pinacopy siguro nila sa f******k nya kasi iyon ang profile picture nya. Kuha iyon ni Jhon.stolen shot. Matagal siyang napatitig doon na may kung anong humaplos sa puso nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD