Picnic

1916 Words
"Astig ang kwarto mo a." Puna ni Alex na hindi nya namalayang nakapasok na pala dahil nakatutok ang mata nya sa sariling larawan. Napangiti sya. "Oo nga e. Kulang nalang ng petals." Napatingin din ito sa larawan nya. "Yong Elling ba ang nag-ayos nito?" Tanong ni Alex na parang may panunukso ang boses. Nagkibit balikat sya"Oo daw." Maiksi niyang sagot. "Maganda ba yong dalaga ni Aling Lilia?"tanong uli nito. "Sigurado ka bang walang namamagitan sa inyo." Paninigurado nito sa kanya. "I don't know 'coz I haven't seen her yet." Sagot niya na linapitan ang mesang may mga logbook. "Hindi mo pa sya nakita pero binilhan mo na sya ng kwentas." Kunot naman ang noong tanong uli ni Alex. " at sabi ni Macky di basta basta na kwentas ang binili mo para dito." Dagdag pa nito na parang hindi makapaniwala. Napahaplos sya sa kanyang noo. "I told you na malaki lang talaga ang utang na loob ko sa kanya." Pagpapaliwanag naman niya. Pero matiim lang sya nitong tinitigan na para bang inaarok nito kung nagsasabi sya ng totoo. "Ok. Sinabi mo e." Kibit balikat na wika nito na parang hindi kuntento sa sagot niya. "Baba na kayo. Nakahanda na ang meryenda." Rinig nilang tawag ni Aling Lilia mula sa labas ng bahay. "Tara na." Yaya nya. Pero bago sya lumabas ay pinasadahan pa nya ng tingin ang loob ng kanyang silid. Sa silong ng mangga ay may lamesang kawayan na napapalibutan din ng upuan na kawayan, doon nakalatag ang meryendang inihanda ni Aling Lilia. Isang bilao na kakanin na madaming latik sa ibabaw at may nakapitchel na juice na pinagpapawisan sa lamig. Agad nilantakan ng kasama niya ang pagkain. "Ang sarap pala nito.." kumento ni Jef na parang noon lang natikman ang pagkain na iyon. "Iba talaga ang buhay probensya." Sagot naman ni Jhon. Nagmamay-ari din kasi ang pamilya nito ng isang hacienda sa isang probinsya. "Gusto kong itry yon?" Turo ni Jef doon sa parte ng sapa. Napatingin silang lahat doon at nakita nya si Bryan na nakasakay sa balsa na nakatayong nagsasagwan. "Ako gusto kong pumunta sa gitna." turo naman ni Alex sa may gitna ng sapa. "Bukas magpipicnic tayo doon." Pahayag nya. Maganda kasing magpicnic lalo na at tag araw na. "Magbaon kayo ng kanin bukas para doon na kayo kumain. Ibinabad yata uli ni Bryan ung net pwede kayong mag-ihaw doon ng isda. Suggestion naman ni Manong Doming. "Maganda yan Naisip mo Tay." Masaya nyang sang kay Tatay Doming. "Aba e bukas di na ako makakapunta dito para maipagluto kayo." Wika naman ni Aling Lilia. "May lakad po kayo bukas?" Tanong ni Ron kay Aling Lilia. Sinabihan nya kasi ito na habang andito yong kaibigan nya ay kailangan nya ng tagaluto at nagprisenta naman ito. "Graduation kasi nila Elling bukas e baka magbago ang isip na umattend." Paliwanag nito. "Bakit hindi po ba sya aattend ng graduation nya?" Taka nya tanong. "Ayaw e. Mahirap naman kung pilitin ko. Sayang nga at may honor pa naman."may panghihinayang sagot nito. "Bakit ho?" Tanong ni Jef na nakisali sa usapan nila. " sayang naman. Ang lalayo pa naman ng nilalakad nila." Sabi naman ni Alex. Nakita nya ang pagguhit ng lungkot sa mukha ni Aling Lelia "Ewan ko sa batang yon." Malungkot na wika nito Kinabukasan. Maaga palang ay nasa resthouse na si Bryan. "Anong gusto nyong almusal?" Tanong nito sa kanya. Tol ang tawagan nila. Dahil gaya ng mga kaibigan nya ay magaan ang loob nya dito. "Diba marami kang nakuhang isda kahapon. Nailuto ba lahat ni Nanay Lilia lahat?" Tanong nya. "Hindi yata." Sagot naman nito. "Pretong isda nalang at kung ano nalang yong andiyan. Kaw na ang bahala." Tapik niya sa balikat nito. "Sige, pa charge muna ako ng cellphone ni bunso at dadaanan nya yata mamaya." Paalam nito at pinakita pa nito ang hawak na cellphone. Wala din kasing kuryente ang mga ito. Gasera ang gamit nilang ilaw sa gabi. "Sige tol sa kwarto ko mo nalang ilagay dahil puno na kasi yong outlet sa salas." "O sige.salamat" wika nito at pumasok na sa loob pero sumunod sya dito. "Nakarating din ba sya kagabi?" Tanong nya. "Oo madaling araw na." Sagot naman nito habang chinacharge ang cellphone. "Aattend din ba sya ng graduation nya?" Tanong uli nya. "Hindi na daw. Kukunin lang yata nya yong deploma nya mamaya. Tapos magpapaperma na agad daw ng clearance kasi pupunta na sya ng manila bukas. Kaya di na makakapunta si nanay dito para makapagluto mamayang hapon kasi inaasikaso din nya yong gamit ni bunso." Mahaba nitong paliwanag. Kumunot ang kanyang noo "Ang aga naman yata nyang luluwas." Taka nyang tanong na sinusundan nya uli ito palabas sa kwarto papasok uli sa kusina. Binuksan nito ang ref at naghalungkat ng pwede nitong iluto. Sya naman ay sumandal sa may lababo habang pinapanood ang ginagawa nitong paghahalongkat sa loob ng ref. "Magmamigrate kasi ang magulang ng kaibigan nya at sa isang araw ata ang alis. Kasama syang maghahatid sa airport. Sila ang magpapaaral sa kanya kasi habang hindi pa naaaprobahan ang papel ng kaibigan nya ay sasamahan muna nya ito." Mahabang paliwanag nito. "May pwede ba akong maitutulong sa pag-aaral nya?" Maingat nyang tanong. Nginitian naman sya nito. "Salamat tol,pero ok naman na yata. May scholarship naman siya at may allowance pa yata. Mautak din kasi." Sabi nito na may pagmamalaki sa boses. "Di ko na pala siya makakasama."hindi nya namalayang mahina nyang naisatinig ang laman ng kanyang isip na ikinakunot naman ng noo ng kanyang kausap dahil narinig nito ang kanyang sinabi. Napakamot sya sa ulo. "Binilhan ko kasi sya ng regalo. Gusto ko sanang makapagpasalamat man lang ng personal." Paliwanag nya. Parang nakahinga naman ito ng maluwag sa sinabi nya. "Mamaya pag kinuha niya ang cellphone nya. Kasi madaling araw siya luluwas bukas." Sabi naman ni Bryan. Sinadya nyang hindi muna pumunta sa gitna ng sapa dahil hinihintay nya ang dalaga pero tanghali na at tinatawag na siya ng mga kaibigan niya ay wla pa ang dalaga. kaya napilitan na syang pumunta dito, sakay ang balsang ginawa ni Bryan. Ang mga kasama nya ay kanina pa doon. Naliligo din ang mga ito di niya alam kung ano ang ginagawa ng mga ito dahil panay ang tawa nila na dinig na dinig nya sa resthouse. "Dumating ang hinihintay mo." Pagkadating nya ay tinanong agad sya ni Macky na nag-iihaw ng isda. Sumulyap muna si Ron kay Bryan na hinahanda ang pagkain nila.. naglalatag ito ng dahon ng saging sa may gitna ng lamesang kawayan. Nakatingin din ito sa kanya. "Wala pa e." May panghihinayang nyang sagot. "Napasarap siguro ang tulog. Pero dadaan sigurado ang mga iyon dito dahil sasakay silang motor kasama ang pinsan ko." Sabi naman ni Bryan. "Pwede na tayong kumain. Yang inihaw nalang ang kulang." Turo nito sa iniihaw ni Macky. Marami ang nakahandang pagkain.May hinog na mangga na naka slice. Tig-iisa sila ng buko na galing sa likod ng resthouse. Inakyat ni Bryan kaninang umaga. Marami din yong ulam. Naglaga din sila ng gulay na galing sa garden ni Aling Lilia. " ano yan tol?" Tanong ni jef kay Bryan na gumagawa ng sawsawan. "Kalamanse" natawa si Bryan dito sa tanong ni Jef. "Tang*na tol alam kung kalamanse yan." " A. Ito ba?" Natatawang turo ni Bryan sa ginagawa nya. "Sawsawang bagoong na maraming sili." Alam nyang di pa ito nakakatikim ng bagoong. "Try mo masarap na sawsawan yan." Sabi naman ni Ron sa kaibigan. "Para naman tayong kambing sa mga ito e." Turo nito sa mga nilaga nilang gulay. Mahina syang natawa sa itsura nito."Para maiba naman. Tandaan mo ikaw ang nagsabi ng kakaibang bakasyon ang gusto mo. At saka masarap ang mga ito dahil bagong pitas." "Pwede na ba to tol?" Tanong naman ni Macky kay Bryan habang panay ang paypay sa iniihaw nitong isda. Mabuti nalang at malalaki pa ang nakuha ni Bryan. "Ok na yan" sagot naman nito dito. "Hoy kayong apat wala kayong ulam." Buska nito sa apat na nasa hapag kainan na. "Di naman ikaw ang nag-ihaw ng mga yan a" Sabi naman ng apat. Sabay sabay silang kumain ng naka kamay. Tawa sila ng tawa kasi di alam ng mga ito ang kumain ng nakakamay. Sila lang ata ni Alex ang marunong magkamay sa kanilang anim. Kalagitnaan nang pagkain nila ng may humintong motor sa may kalsada. Medyo malayo ito pero makikita mo naman ang paparating. Nakita nila ang tumatakbong dalaga na nagmamadali. Matangkad ito maputi din mahaba ang buhok. Naka jeans ito at saka itim na spaghettetti strap na hapit sa katawan. Ang longsleeve nito ang ginawa nitong pamandong dahil mainit ang sikat ng araw, kaya Kitang kita ang kurba ng katawan nito. Pero di parin makikita ang mukha dahil medyo malayo. Idagdag pang nakapangdong ang ulo nito. "Kuya, kukunin ko na ang cellphone ko." Sigaw na tawag nito na para kay Bryan. Ang mga kaibigan nya ay nagtapikan ng makita ito. Napalunok naman sya, bumibilis din ang t***k ng dibdib nya.pilit nyang inaaninag ang mukha nito pero di talaga nya mamukhaan. Ang daming babae ang nagkakagusto sa kanya pero di niya maramdaman ang nararamdaman nya ngayon sa mga ito. "Nasa kwarto ni Boss." Sigaw na sagot naman ni Bryan. "Pwede ba syang pumasok doon." Baling na tnong ni Bryan sa kanya. "Oo naman tol." Tinanguan nya ito. "Pasok ka nalang doon, nasa ibabaw ng table nya." Sigaw uli ni Bryan. "Ang hot pala ng kapatid nya."bulong ni Alex sa kanya. "Chiks pare." Sabi ng iba na di tinatanggal ang tingin sa babae. Ikinaway kaway nito ang dalawang kamay na parang binabati sila dahil nakatingin na silang lahat dito. "Papasok na ako sa loob. Nagmamadali kasi ako e." Paalam nito at nagmamadali ng pumunta sa resthouse. Nakasunod parin ang tingin nila dito hanggang sa lumabas ulit at tumakbo. Nong makatapat uli sa kanila ay sumigaw pa ito "Alis na ako... salamat!" Sabi nito at kumaway uli. Kumaway naman siya at kinabigla niya nang magflying kiss ito sa kaya.at tumakbo uli papunta sa may single na motor na naghihintay dito. "Baliw talaga!" Inis na ungol ni Bryan nang makita ng ginawa ng kapatid. "Tang*na bro saluhin mo." Biro naman ni Tim sa kanya. "Ako nalang ang sasalo." Sabi naman ni Macky na animoy sinalo ang kiss at nilapat pa ang kamay sa bibig nito. "Mga gago kayo" saway nya sa mga ito. "Kain na nga tayo." Sabi nya pero ramdam na ramdam nya ang panghihinayang. Sana hinintay pa nya ito. Parang hindi na naman niya masisilayan ang mukha nito. Lalo na kung luluwas na ito bukas. "Bro. Paki bigay nalang ang regalo ko sa kanya. Ibibigay ko sayo mamaya." Sabi niya na di maitago ang lungkot sa boses. Nagkatinginan naman ang mga kaibigan nya dahil alam nang mga ito na nanghihinayang siya. Napansin man ni Bryan ang pagbabago ng mood niya pero hindi nalang ito nagkumento. "Iinom natin yan mamaya." Bulong ni Alex sa kanya. " nakita ko yong mga dala mo kahapon e." Ngisi nito sa kanya. "O ano inuman tayo mamaya." Malakas na sabi nito sa kanilang mga kasama. "Sige.. maglalasing tayo hanggang sa makalimot tayo." Sabi naman ni Jef na sa kanya nakatingin. Tinaasan naman nya ito ng kilay na ikinatawa ng iba. Alam nyang may laman ang biro nito. "Game kaba pareng Bryan?" Tanong ni Alex na bumaling kay Bryan. "Hindi ako pwede e kasi ihahatid ko si bunso bukas ng madaling araw. Pero babalik uli ako mamaya, magbibihis lang ako. Ako ang bahala sa pulutan ninyo." Sagot naman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD