"Salamat sa panlilibre at sa muling paghahatid mo sa amin pauwi ng bahay," pasasalamat ko kay CJ. "Walang anuman! Sana nag-enjoy kayo," nakangiti niyang tugon habang patuloy lang siya sa pagmamaneho. "Sobrang nag-enjoy naman siya." Inginuso ko ang natutulog na si Jordan sa ibabaw ng aking kandungan "Bagsak na nga!" Naiiling na natatawa ako sa itsura ng aking anak habang inaalala ang kakulitan nito kanina sa may amusement park. May pagsimangot pang nalalaman sa tuwing hindi napagbibigyang sumakay sa rides. Hindi kasi lahat ng rides ay pwede niyang sakyan dahil nga bata siya. Pili lang ang pwede niyang sakyan kahit pa nga may kasama siyang matanda. Naalala ko tuloy ang pagmamaktol nito bago kami tuluyang umalis ng amusement park. "Mommy, gusto ko pong sumakay ro'n!" nagmamaktol na tu

