"Mommy!" tuwang-tuwang sigaw sa akin ni Jordan mula sa itaas. Nakasakay sila ni CJ sa higanteng bulateng sasakyan na paikot-ikot lang naman. Hindi na ako nakisali pa sa kanila roon dahil kanina pa ako naliliyo. May isang rides nga kaming sinakyan na pakiwari ko ay bumaligtad na ang sikmura ko sa bilis nang pag-sway niyon. "Mommy!" muling sigaw sa akin ni Jordan nang mapatapat ang kanilang sinasakyan sa aking harapan. Kumaway ako sa anak bilang pagtugon sa kaniyang pagsigaw. Masaya akong makita na masaya si Jordan sa ginagawang pamamasyal nito. Ito kasi ang bagay na hindi ko kayang maiparanas sa kaniya dahil sa uri ng trabaho ko at sa kakulangan na rin ng budget. Mula kasi nang mamatay si Joshua ay halos nabaon na rin ako sa utang dahil sa mga nagastos namin noon sa kaniya sa hospit

