Chapter 22

1087 Words

"Bakit ka po ba nagagalit, Mommy? Naglalaro lang naman po kami ni teacher," gumagaralgal na ang tinig ni Jordan sa pagsasabi sa kaniyang ina ng mga salita at tila maiiyak na siya anumang sandali. "Ang totoo kasi niyan, pinuntahan ka talaga namin dito ni Jordan," kakamot-kamot sa ulong dahilan ko kay Jona. "Pero anong oras na, Teacher. Alam mo naman na sa ganitong oras, dapat nasa bahay na si Jordan. Tiyak na hahanapin na siya ng lolo at lola niya dahil mag-aalala ang mga iyon sa kaniya," mariin niyang turan sa akin. "Umuwi na po kami sa bahay. Ako po nagsabi kay teacher na puntahan ka namin dito. Kaya nagpaalam po ako kina lolo at lola na payagang sumama kay teacher," pagdadahilan naman ni Jordan sa kaniyang ina. "Jordan, ilang beses ko nang sinabi sa iyo na huwag kang sagot nang sagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD