Kakaiba si Jordan mula pa kanina. Napakatahimik niya at wala siyang kinasangkutan na anumang gulo hanggang sa sumapit na ang oras ng uwian. Isa itong malaking himala para sa lahat! Habang pinagmamasdan ko siya ay napuna ko ang katamlayan niyang taglay. Lumapit ako sa kaniya para alamin kung maysakit siya. "Jordan..." tawag ko sa kaniya. Tumingala siya sa akin pero saglit lang at muli na siyang bumalik sa pagiging matamlay. "Masama ba pakiramdam mo, Sweetie?" malambing kong tanong sa kaniya. Umiling-iling siya sa akin bilang tugon. Napabuntonghininga na lang ako dahil pakiwari ko ay ayaw niya talaga akong kausapin. Nag-ingay sa buong paligid ang malakas na tunog ng bell hudyat na tapos na ang klase. Nagtayuan na ang mga estudyante ko at kani-kaniyang labasan na sila na hindi ko n

