Malayo pa lang ay alam ko ng si Jordan ang batang nakatalikod at akmang papasok na sa loob ng eskwelahan habang hawak ng babaeng nakasuot ng over all white. Hawak din siya ng lalaking sa umpisa pa lamang ay 'di na mawaglit sa aking isipan kahit pa nga anong pilit kong waksi rito. "Jordan!" sigaw ko sa pangalan ng aking anak. Sabay-sabay silang lumingon sa akin at napataas ang kilay ko nang makita ang babaeng nagtaray sa akin noong sinampal ko si teacher CJ. Siya pala ang may hawak sa kamay ng anak ko at tila tuwang-tuwa siya na animo'y isa silang pamilya kung pagmasdan. "Feeling talaga ang bruha!" Inismiran ko ang babae. Nakita ko ang pagganti rin nito ng ismid sa akin dahilan para sumulak ang dugo ko sa ulo. "Kung pinalampas kita sa pagtataray mo noon, titiyakin kong hindi na m

