"Kainis!" mahinang bulalas ko sabay nang paghugot ng malalim na buntonghininga. "Anong nangyari sa iyo, Jona?" Nilingon ko si Princess. "Nakakabw*sit kasi iyong taong tawag nang tawag tapos hindi naman nagsasalita," naiinis kong tugon sa kasamahan sa trabaho. "Frank caller?" tanong niya sa akin. "Ewan ko! Nakakabw*sit! Minura ko nga," nanggigigil kong bulalas. Nakasimangot ako sa buong oras ng pagtatrabaho ko dahil lamang sa lintik na taong walang ibang magawa sa buhay niya kung hindi ang tumawag nang tumawag sa telepono. Pakiramdam ko pa ay may mga matang nakamasid sa akin sa bawat kilos ko sa loob ng opisina. Natatawang lumapit sa akin si Princess at saka tinapik ako nito sa braso. "Alam mo pinapatawag ka sa akin ni Ms. Diaz. Mukhang bad mood na naman siya sa Boss natin," bulong

