Nakauwi na ang lahat ng mga kasama ko sa trabaho pero nandirito pa rin ako sa loob ng opisina. Gusto ko nang maiyak sa tambak na trabahong iniwan sa akin ni Ms. Diaz. Alas sais na rin sa orasang nakasabit sa may dingding, pero pakiramdam ko ay alas diyes na ng gabi dulot ng sobrang kadiliman ng kapaligiran. Humugot muna ako ng ilang ulit na buntonghininga bago tumayo mula sa pagkakaupo upang kumuha ng tubig inumin sa may water dispenser. Naglalakad na ako nang maaninag ko ang isang maliit na anino na tila galing sa isang bata. Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa batok nang maisip na isa iyong multo. "Mommy!" bigkas pa ng anino. Nagtititiling tumakbo ako sa kinaroroonan ng water dispenser at saka nagtago ako sa may bandang gilid niyon. "Mommy, nandito na ako!" masayang bulalas pa n

