"Jordan mag-behave kay teacher ha," paalala ni Jona sa kaniyang anak matapos niya itong pupugin ng halik sa mukha. "Opo, Mommy!" sagot naman ni Jordan. Nag-ingay ulit ang incoming ringtone ng cellphone ko at si JC na naman ang nakita kong tumatawag mula sa kabilang linya. Pinindot ko ang end button para mahinto ang ingay ng cellphone dahil nakatingin na sa akin si Jona at malamang iniisip na nito kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag mula pa kanina. "Teacher makikisuyo na lang po ako kay Jordan sa school. Mag-a-under time na lang ako mamaya para masundo ko siya agad. Pasensiya na talaga sa abala," hinging paumanhin sa akin ni Jona. "It's okay Miss Lacsamana, kahit huwag ka nang mag-under time pa. Mag-aaral na lang muna kami ni Jordan hanggang sa masundo mo siya," tugon ko naman sa

