CHAPTER 16. BAND
Kinabukasan. Madaling araw umalis sila mommy. Ito na yung araw na anniversary nila tita.
Wearing another purple dress and white heels. Narinig ko na yung doorbell si Clio na siguro yun.
"Hi love" bati sakin ni Clio pabukas ko ng pintuan
"Hi" bati ko rin sakaniya.
"Let's go ?" tanong niya.
"Wait kunin ko lang yung gamit ko" sabi ko
"Let's go" sabi ko. Pagdating namin sa bahay nila hindi nila hindi ko inaasahan na ganito kadami ang bisita nila. Wow.
Nakita ko agad sila tita at tito na nakikipag usap kila tita at natanaw na kami ni Clio papalapit sakanila.
"Hi tita, hi tito" bati ko sakanila at nagbeso. "Here po" sabi ko sabay abot ng regalo namin sakanila.
"Thank you for this Cydele and thanks to your mom and dad" sabi ni tita.
"Welcome po" sabi ko naman.
"Kumain na muna kayo habang hindi pa nag uumpisa ang party" sabi ni tito samin.
"Sge mom" sabi ni Clio at pumunta na kami sa table kung nasan si Axel at Kade. Siyempre hindi naman pwede mawala tong dalawa na to.
"Hi Cydele" bati sakin ni Axel
"Hi" bati ko naman sakaniya. Si Kade naman ay nginitian lang ako at ganon din ang ginawa ko.
"Love, stay here i'll get some food" sabi ni Clio
"Ok" sabi ko
"Cydele bakit hindi mo kasama si Frenny ?" biglang sabi ni Axel.
"Frenny ?" nakangiting tanong ko sakaniya.
"Uhm. Si Faya" nahihiyang sabi niya
"Ahh. Bakit kasi hindi mo siya ininvite ?" tanong ko sakaniya.
"Eh kala ko kasi kasama mo siya. Sayang naman" bulong niya sakin.
"Next time ikaw na mismo mag aya. Ayun siya oh hinihintay ka" sabi ko sabay turo malapit sa gate ng bahay nila Clio. Nagulat naman siya at biglang tumayo para sunduin si Faya
Bigla naman dumating si Clio na saktong dumating rin sila Faya.
"Hi Frenny" natatawang bati ko kay Faya
"Letche ka Cydele" sabi niya naman sakin na mukhang naasar na.
"Let's eat" sabi ni Clio sakin. Pagkatapos namin kumain nagsimula na ang program ng Anniversary nila tita. Siyempre message muna ng mga anak nila.
Pagkatapos ay may inannounce ang MC na special no. Ng dalawang kambal. Nagsayaw sila ng What is Love ng Twice. Yes ang cute cute nila pareho.
"Thank you Keira and Keana. What a wonderful dance. Next naman please come on stage Mr. Clio Vila and Ms. Cydele Marcaida" at sunod ng tinawag ang pangalan ni Clio at AKOOO ??!! Ano to ?
"Love Halika na tawag tayo" sabi ni Clio sakin.
"Para san Clio wala naman tayong inihanda pareho" sabi ko na takang taka sakaniya.
"Come on love let's go ang dami ng naghihintay" sabi niya at tumayo na ako para pumunta ng stage.
Nagulat ako ng biglang pagbukas ng red ng kurtina ay bumungad sakin ang mga instrumento na. Hawak na ni Axel yung Bass at kay kade naman ay yung Keyboard.
"Ano to ?" nalilitong tanong ko kay Clio
"We're performing" nakangiting sagot sakin ni Clio
"Anong kanta wait di ako ready" natatarantang tanong ko sakaniya.
"Nagpraktis na kami nila Axel. The song you sing to me love" sabi niya. Ahh Ikaw at ako by moira
"Love, Sana naman iniform mo ako about this hehe" nahihiyang sabi ko sakaniya.
"You ready ?" tanong sakin ni Clio at nagsimula ng tumugtog.
>>
Kaming dalawa ni Clio ang naging Vocal sa awitin namin na ito. Ayos naman ang tugtugan namin. Nagulat lang talaga ako na may paganito pala at ready-ng ready silang tatlo. Pagkatapos naming tumugtog. Sobrang lakas ang palakpakan ng mga tao.
Pwede na kaming bumuo ng banda haha.