ABKS
This is a work of fiction, Names, Characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright and all rights reserved ©2021
"Love sorry please sorry" nagmamakaawang sabi niya sakin.
"Congrats ha." sarkastiko kong sabi sakaniya habang tumutulo ang luha ko
"Love please sorry hindi ko ito ginusto" sabi niya sakin habang iyak siya ng iyak.
"Hindi mo ginusto pero ginawa mo !!! At pinagtakpan niyo pa sakin lahat ?!? Lahat kayo alam niyo to ??!" sigaw ko sakaniya at sabay lingon sa mga kaibigan niya na nanduon.
"Lasing ako nun, hindi ko talaga alm. Please sorry" pagmamakaawa nya sakin habang hawak ang kamay at sabay luhod sa harapan ko
"Hindi na maibabalik ng sorry mo ang lahat. Let me go" mahinhing sabi ko sakaniya.
"Please mag usap muna tayo magpapaliwanag ako" umiiyak na sabi niya sakin.
"Wala ng kwenta yang paliwanag mo kaya please let me go, ang sakit na" sabi ko sakaniya at umalis na sa harapan niya na lumuluha.
Kayanin ko kaya ??
CHAPTER 1
Chapter 1. What's your name
Cydele Pov's
"Cydele ! Ano ba ! Gumising ka nang bata ka. Anong oras na sabay na tayo umalis hatid na kita sa school at wala ang daddy mo kaya ako ang maghahatid sayo !" alam na nating kaninong bunganga na naman yan.
"Mom, inaantok pa po ako" sabi ko habang naghihikab pa.
"Alam mo ba kung anong oras na ha ?! 8:30 na at ang pasok mo 9:00 o'clock. Sge hilata ka lang diyan ha ?!"
"Bakit ngayon mo lang po sinabi nay ?!!" agad agad akong bumangon diretso sa banyo. Nagmadali na akong naligo at nagbihis kahit walang laman ang tiyan gora na yan. Nagawa ko pang basahin ang chat ng bestfriend ko
Fr. Bessy
Ano na ?!! magsisimula na yung klase wala ka pang babae ka !!
Hindi ko na siya nagawang replyan at diretso na akong sumakay sa sasakyan ni mommy. Pasalamat ako dahil medyo malapit-lapit lang ang school. Hayssssttttt.
"Go-odmor-ning po Miss Andrada. I'm so-rry i'm la-te" hinihingal kong sabi sa aking prof.
"Again Miss Marcaida ?!! Lagi ka ng late sa klase ko !! " pagalit na saad sa akin ng aking guro
"Pasensiya na po Miss pangako po hindi na po mauulit last na po promise" sabi ko ng habang nakangiti sa aking prof.
"Talagang last na yan Miss Marcaida. Pag nahuli ka pa ng isang beses sa klase ko. Hinding hindi ka na mkakapasok muli. Now please take your sit. " sabi niya.
Patakbo kong tinungo ang king upuan. Katabi ko ang aking bff na palaging tanong sakin kung bakit na naman ako late.
"Baki-" pinutol ko ang sinasabi niya dahil paulit ulit na lang
"Relax girl. Napuyat lang hehe. Labyou my Phaia (faya)" Sabi ko habang nag papacute.
By the way ako nga pala si Cydele Antheia R. Marcaida you can call me Del. I'm 17 years old. First year college of ACP (Andres College of the Philippines). Business of Science in Business Administration course.
Siyempre kasama ko ang bff kong si Aphaia Janine M. Malate. 17 yrs old din. My bff since birth yes tama kayo ng basa since nasa tiyan palang kami ng aming mga magulang. Pareho naming gusto ang BSBA buti na lang at lahat ng subject ay magkaklase kami.
Breaktime na. "Bessy halika na gutom na gutom na ako hindi pa ako nag aalmusal. Bilisan mo"
Habang nasa cafeteria kami. As usual madaming maingay. Habang nakapila kami ang sakit sa tenga ng mga nagtitiliang mga babae. Tinignan ko kung sino ang tinitilian nila.
Walang iba ang kilala ng lahat as in buong campus may crush sakaniya. Clio Kerth S. Villa, 4th year College na Seaman ang course. Gwapo, masungit at higit sa lahat chickboy. Iba't ibang babae kasama araw araw.
Pagkatapos naming umorder ng pagkain umupo na kami kung san may available na upuan. Pinagtitinginan kami ng lahat ng estudyante. Basta ako kumakain bahala sila diyan.
"Uhm bessy mali ata tayo ng inupuan halika na lipat na tayo" sabi niya sakin habang bumubulong
"Huh? Bakit?" basta ako gutom.
Biglang may pumunta sa harapan namin na tatlong lalaki.
"Bakit anong kailangan niyo? " tanong ko
"Miss this is our seats" sabi ni Clio
"Huh? Saan? May pangalan ba kayo dito? Wait hahanapin ko" papilosopong tanong ko sa kanila
"Wala naman kayong pangalan dito paanong naging sa inyo ito ?" tanong ko ulit sakanila
"Bessy Halika na alis na lang tayo. Nakakahiya ang daming tao na nakatingin sa atin" bulong niya sa akin.
"Miss hindi mo ba ako naiintindihan upuan namin ito" sabi ni Clio na parang naggalit na.
"Paano naging inyo to? Mr Chickboy?" nauubos na talaga pasensya ko.
"Chikboy ka pala CK eh hahahahahaha " malakas na tawa ni Axel na isa sa mga kaibigan niya.
"Shut up Axel!" galit na saad ni Clio.
"Pre alis na lang tayo marami pang bakanteng upuan dito" sabi ni Kade na isa rin niyang kaibigan.
Buti pa si Kade alam niya kung ano ang dapat gawin at Dahil mataas ang pride ng isang to.
"No. We'll stay here. Dito tayo uupo" at umupo na sa tabi ko si Clio.
"Tatayo ka o hahalikan kita sa harap ng madaming tao?" bulong niya sa akin at bigla akong napatingin sa mga estudyanteng nakatingin sa amin.
"Bessy halika na lipat na lang tayo ng upuan" biglang tayo ko at hinatak na si Faya palayo.
"Wait miss" nagulat na ako sa biglang pagsasalita ni Clio
"What?" mataray kong tanong sakaniya
"What's your name?" tanong niya sa akin at napataas ako ng kilay.
"Well my name is. It's none of you business" mataray kong sagot sa kaniya.