CHAPTER 2. We win.
"Hahahahahahahaha" naririnig kong tawa ni Axel at kade.
"Well my name is. It's none of your business. Hahahahah" ginaya pa ni Axel ung boses ko.
"Axel will you please shut up?! " galit na sabi ni Clio
"Ok ito na tatahimik na nga eh Mr. Chickboy hehe" nang aasar na tinig ng kaibigan
Masama siyang tinignan ni Clio. Umawat naman si Kade sa dalawa. "Kain na tayo at may training pa tayo mamaya" sambit ni Kade sa dalawa.
"Uy bessy bakit ba ang init ng ulo mo kay Clio?" tanong sakin ni Faya
"Sino ba naman hindi magagalit. Gutom na gutom ka na tapos may asungot pa mang iistorbo" asar na asar na sabi ko kay faya.
"Sabi ko naman kasi sayo lumipat na tayo ng upuan di ka naman nakinig. Ayan tuloy. Pero kinilig ako dun sa part na tinanong niya pangalan mo ha yiiieee kinilig din siya" sabi niya sa akin habang kinikilig at sinusundot pa ang tagiliran ko.
"Kilig? San banda ako kinilig? Lahat kaya ng babaeng nakikita ng mata niya tinatanong niya kung anong pangalan" kilig kilig ka dyan Asa uyyyyy.
"Well sabagay si Mr. Chickboy nga pala siya haha" natatawang sabi niya.
"Btw bessy. Bakit ka na naman late kanina ha ?!" at hindi na naman napigilian yung bibig ng babaeng to hayssst.
"Eh kasi naman pinuyat na naman ako ng Got7 letcheng Jinyoung yan eh ayaw magpatulog hehe" labas mga Aghasse
"Sabi ko na nga ba kung hindi kpop ang inaatupag mo kdrama malapit na talaga kita makutusan. Bilisan mo kumain diyan at may discussion about sa marketing kasama ang ibang year. Major yun bessy kaya bilisan mo na" inis na sabi niya sa akin.
"Sandali ubusin ko lang ito" sabi ko habang inuubos ang pagkain sa lamesa namin. "Tara na"
Dumiretso na kami sa Isang hall na magkakasiya ang apat na section at tama nga may mga ibang section at year kaming kasama.
"Ok andito na ba lahat ? Ok Goodafternoon Class" sabi ng aming guro sa P.E
"Goodafternoon Sir Castillo" sagot naming mga estudyante niya
"Yesterday i told you that we have a marketing today na may mga kasama kayong senior"at habang nagpapaliwanag si sir masama ang tingin sakin ni Haven Bliss B. Concepcion. One of the fame dito sa campus. Ang gf daw kuno ni Clio. Well parang alam ko na kung bakit.
"We have activity each section ay may mag rerepresent dalawang babae at dalawang lalaki each section. May mga kasama akong ibang guro na pareho ang subject na tinuturo namin. Pag papakitang gilas kayo kung paano niyo mas pagagandahin ang marketing strategy niyo. Now pumili na kayo ng magrerepresent sa section ninyo"paliwanag ni sir.
"Miss president ikaw na lang ha Kasama mo si Aphaia dalawa kayo sa girls. Si Vince at Ray naman sa Boys." suggest naman ng isa naming kaklase. Ano pang magagawa ko ako nga pala ang president. Buti na lang at bago mag start ang ganitong activity ay napagaksunduan namin ni Faya mag aral na pagkakasunduan namin dalawa.
"First mag papatagisan ng galing ang 1B at 4B. Ako ang maghahandle sa girls at si Mr. Leo naman ang sa boys." sabi ni sir sa amin habang ng sama pa rin ng tingin sa akin ni Haven
Nag simula na ang tagisan parehong section ay magaling pero ang nanalo sa girls ay ang 1B at sa Boys ay 4B.
"Next 1A at 4A" kami na at ang kalaban namin sila Haven.
Nagsimula na ang paligsahan namin. Minsa nag aagree si sir both teams. Kakayanin namin to ni Faya. Umangat na ang pag aagree samin ni Sir in the end kami ang panalo sa boys naman ay panalo din kami.
"Congrats" mataray na sabi sakin ni Haven.
"Thanks" sagot ko.
Natapos na ang activity namin. Pag labas namin ng hall nagulat ako ng nakaabang sila Haven sa pintuan.
"Kala mo naman kung sinong magaling" biglang salita ni Haven
"Ako ba pinaringgan mo ?" tanong ko sakaniya. Andto na kami sa tapat ng hall.
"Bakit natamaan ka?" sagot naman niya.
"Ah ako pala yun kala ko kasi sarili mo eh haha" sagot ko sakaniya at bigla niyang hinila ang braso ko.
"Anong sabi mo ?!" galit na tanong niya sakin.
"May pagkabingi ka rin pala ano ?!" inis na sabi ko sakaniya. Paghablot ko ng braso ko ay bigla niyang kinalmot.
"Sh*t ang sakit ha. Ano bang problema mo ha ? Ahh alam ko na kung bakit galit na galit ka sakin. Well kasi tinanong ako ng bf mo kuno kung anong pangalan ko ? Tanong pa lang na ganon g na g ka na paano kaya pag tinanong ako kung pwede na ba siya manligaw baka magpakamatay ka na" gigil na gigil na sabi ko sa kaniya.
Nakita ko namang nakangiting nakatanaw si Clio malapit dito sa amin. Tinaasan ko lang siya ng Kilay.
At muli akong humarap kay Haven na kitang kita mo ang galit sa mga mata niya.
"Oh we win. Well, better next time. Nice meeting you Haven. Salamat sa kalmot" nakangiti kong sabi sa kaniya.