ABKS chapter 7

438 Words
CHAPTER 7. I LOVE YOU Sunday na. At dahil walang pasok tanghali na ako nagising. Kinuha ko muna yung Cellphone ko sa table ko. Bigla kong naalala na hindi ko pa pala nacoconfirm yung request sakin ni Clio. Clio Kerth Villa You are now friends At dahil inaccept ko na siya stalk muna tayo. Ang daming friends alam mo na agad na famous. Bumungad agad sakin ang kapapalit lang niya ng profile picture. He's wearing a seaman's attire. Scroll lang ako ng scroll. Hanggang sa nakita ko ang isa nilang family picture. His mom, his dad and his siblings. Nasa gitna nila ang mom at dad nila nasa kanan si Clio nasa kaliwa naman ang kaniyang kuya at ang kapatid niyang kambal na babae ay nakaupo sa tapat ng mommy at daddy nila. Pagkatapos kong mang stalk ng sss niya napag pasiyahan ko ng lumabas ng kwarto at mag almusal na. Pagkatapos ko kumain naligo naman ako at naisipan kong gumawa na naman ng bagong cover ng kanta. Napagpasiyahan kong icover ang narinig ni Clio kahapon na kanta. Pagkatapos ng dalawang take ko ng video. I upload it on my sss. Naka 30 likes agad at 50 heart reacts agad ang nag notify sakin after 5 minutes. Kerth Clio Villa reacted on your video Kerth Clio Villa commented on your post Angelic voice ? Ngumiti na lang ako hindi ko alam kung kinikilig ba ako or what. Makalipas ang dalawang linggo. Ganon pa rin ang routine ni Clio ng panliligaw. Habang tumatagal mas lalo niyang pinaparamdam sakin na mahal niya ako. At mas lalo pa akong nahuhulog para sa kaniya. One time kaka comeback lang ng Got7 nitong nov.4 nagulat ako dahil binigyan niya ako ng album nila. At paano niya nalaman ? Sa mga shared post ko sa sss haha. Minsan hindi na niya kasama sila Axel at Kade para bisitahin ako siya na lang talaga mag isa. Ngayon sabado ulit, nasa labas katatapos lang namin kumain sa paborito naming restaurant. Nang bigla siyang nagsalita. "I want to remind you again na this coming saturday Nov. 23 it's my Birthday. I hope you'll come sama mo sila tita ha" paalala niya sakin. "Oo na po boss, hindi ko po kakalimutan" sabi ko. Paano ba naman ay halos araw araw na niyang sinasabi sakin yan. Pauwi na kami. Pagbaba ko sa sasakyan niya. "I'll hope you enjoy this day. See you again" sabi niya. "Bye, salamat Clio. Pasok na ako ingat ka pauwi" kaway ko sakaniya. Papasok na ako ng hawakan niya ang kamay ko. "I love you" sabi niya. Ps. Next chapter na lang ang mahabang UD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD