— Matilda — Mabilis na lumipas ang mga araw and guess what? Pasko na naman. I am very happy dahil nakauwi na si Henzo bago pa magpasko. Ngayon ay nandito na naman siya sa bahay. Hindi kasi kami magkasama kaninang Noche Buena dahil sila tita Demity ang sinamahan niya, kaya ngayong umaga lang siya nakarating. Madalas din akong nahihilo at inaantok pero dahil lang siguro sa pagod sa pagtatrabaho lalo na't busy rin ako roon sa plans ko for my botique. “Love? May pupuntahan ba kayo ngayon ng family mo?” tanong niya habang nag-aayos sa tapat ng salamin. Napaisip naman ako dahil hindi ko sure. “Ahm..” Tumayo ako at naglakad papuntang pinto. “Tatanong ko lang sila. Wait me here,” paalam ko na ikinatango na lang niya. Pumunta ako sa kuwarto nila mom. Nakita ko silang tatlo na nagm-movie marath

