Chapter Seven
— Matilda —
"Akala ko ba sa mall lang pupuntahan mo? Bakit 'di ka pa nagpapahinto?" kunot noong tanong ko kay Henzo habang nasa byahe pa rin kami.
"Ikaw, saan ka ba pupunta?" Tama bang sagutin niya ng isa pang tanong ang tanong ko? Tsk. "Wala ka bang balak umuwi sa inyo para magpalit? Tingnan mo nga 'yang itsura mo."
Sexy naman, 'di ba?
"Wala ka sabing pake, 'di ba? Manahimik ka kung ayaw mong sipain kita palabas!" pabulyaw na sagot ko dahil ayoko talagang sinisita ako sa mga suot ko.
Ano bang pake nila? Hindi lang naman ako nakapagpalit dahil sa nangyari sa bahay, e. May oras pa ba 'ko niyon para isipin ang isusuot ko?
"Sabihin mo na lang sa 'kin kung ano'ng nangyari sa 'yo." Napabuntong hininga naman ako sa sobrang kakulitan niya. "Hindi naman masamang magkwento ka sa 'kin. Makikinig naman ako sa 'yo," sabi niya pa na ikinataas ng kilay ko.
"Are we close?" I asked and rolled my eyes. "We're not."
"Kahit hindi mo sabihin, alam kong may problema ka, nasasaktan ka, hindi ka masaya!"
Tiningnan ko siya nang masama dahil sa mga sinasabi niya. He's jerk! Damn!
Nanahimik ako at hininto ang kotse sa tapat ng abandonadong bahay.
I'm not showy, hindi ko ugaling magkuwento, dahil para saan pa? Makikinig nga sila pero wala silang pakialam.
"Matilda," tawag niya sa akin kaya dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at natawa. "What's funny?"
"Who the hell are you?" I asked at nag-iwas ng tingin.
"I can be your friend. I will listen to you," sagot niya na ikinatawa ko na naman.
Tumingin ako sa labas bago suminghap nang malakas. Napabuntong hininga ako at umiling.
"Lahat sila galit sa 'kin, lahat sila ayaw sa 'kin. Lahat na lang hindi matanggap ang ugali ko. Hindi naman nila 'ko masisisi. My life is f*****g messed up! Nahihirapan din naman ako," bulong ko habang sa labas pa rin nakatingin. "Parang lahat na lang ng gawin ko, mali. I'm so insecure. I want love, attention, care and concerns. I want my family, but they don't want me. I'm just a piece of s**t for them. I'm just nothing— not important, don't deserve anything, and a freaking trash."
Bumuntong hininga ulit ako at pumikit. Pagod ako ngayon tapos binulabog lang nila ako kanina para masampal nila nang gano'n? Sinabi ko na, may mas malala pa sa mga ginawa ko. Bakit ba hindi na lang nila matanggap na ito ako at sila ang dahilan nito?
"I understand," rinig kong sagot niya pero hindi na ako dumilat pa muli. "At saan mo balak pumunta ngayon?" tanong niya kaya napadilat agad ako.
"Bumaba ka na," utos ko at tiningnan siya. Napatitig muna siya sa 'kin bago tumango at bumaba nga. Hindi na siya nagsalita at sinara na ang pinto kaya pinaandar ko agad ang kotse.
The tears I am hiding a while ago fell and ran as fast as a horse. Hinampas ko ulit ang manibela at umiyak nang umiyak.
I tried my best before to be a good daughter, pero napagod ako! Hindi ko na kaya. Ano pang saysay kung 'yung atensyon nila, nandoon lang sa pasarap buhay kong kapatid?
Tsk!
I grabbed my phone and dialed Pove's number. "Hello?" Her greet as she answered the call.
"b***h," sabi ko at pinigilan muna ang sariling suminghot. "I need a decent clothes. I'll go to your condo unit."
"At bakit? As far as I know, mas marami ka pang damit kaysa—"
"Stop. I'm not in the mood. Just prepare clothes for me, ibabalik ko na lang."
"S-Sure."
"Thank you, bye." Pinatay ko na ang tawag at mabilis na pinaandar ang kotse.
Mabilis lang akong nakarating sa condominium kung saan nakatira si Pove. Pinapunta ko na lang siya sa parking lot dahil ayoko namang lumabas na ganito ang itsura.
Mayamaya pa ay nakarating na siya at kumatok sa kotse ko. "Hey, b***h. Anong itsura 'yan?" kunot noong tanong niya at inabot ang mga damit.
"Itsurang maganda. Nagmamadali ako, thank you for this," sagot ko pero kunot noo niya lang talaga akong tiningnan. "Huwag mo 'kong piliting magkwento kung ayaw mong masampal kita." Nagagalit pa naman ako, kailangan kong manampal.
"Fine! Sige na, bye!" Malakas niyang sinara ang pinto at lumakad paalis.
My car is tinted, so I decided to change my clothes here. Nang matapos ako ay pinaandar ko ulit ang kotse at pumunta sa malapit na mall. Bumaba ako at pumasok sa super market.
Grocery worth of 40, 000 pesos ang binili ko. Maraming salesman ang tumulong sa akin para dalhin 'yon sa cashier. Tinulungan din ako ng boys na ipasok 'yon sa kotse. I gave them 5,000 pesos as a tip.
Pumunta ako sa isang favorite kong puntahan, ang "Bahay nila Lolo at Lola" na para sa mga matatandang wala nang pamilya. Pinarada ko ang kotse at pinuntahan agad ako ng mga namamahala rito.
"Ma'am Matilda! Masaya po kami at binisita mong muli itong lugar namin," bati sa akin ni Aling Rita na agad kong ikinangiti. Siya ang pinakanamamahala rito.
"Opo, na-miss ko po kasi kayong lahat. May mga dala po ako para sa inyo," sagot ko. "Nasa loob ng kotse. Masyadong marami, e. Pakuha n'yo na lang po sa mga tao n'yo," dugtong ko pa na lalong nagpalapad sa ngiti niya at nag-utos agad para kunin ang mga dala ko.
"Nasa loob silang lahat at kumakain ng almusal," sabi niya sa 'kin na ikinatango ko. "Ilang linggo kang hindi nakadalaw, ha. Hinahanap-hanap ka na nila," natatawang dugtong niya na ikinatawa ko rin.
"Sorry po, masyado kasi akong busy these past few weeks. Buti nga po at wala po akong ginagawa ngayon kaya nakapunta ako," nakangiting sagot ko at nagsimula nang maglakad.
Isa itong malaking mansion kung saan lahat ng matatandang iniwan na ng mga pamilya ay nakatira sa loob, ipinatayo ito ng Mayor namin dito sa Davao. Ito ang favorite kong puntahan kapag wala akong magawa at kapag may problema. Napapagaan ng mga matatanda rito ang loob ko. Palagi rin akong may dalang pasalubong para sa kanilang lahat. Mga lagpas na sa 30 ang mga matatanda rito.
Pinaparamdam nila sa 'kin na mahalaga ako para sa kanila at mahal nila ako kahit hindi nila ako kadugo. Pinaparamdam nila sa 'kin 'yung atensyon na gusto ko na hindi ko nakukuha sa sarili kong tahanan. Kaya mas gusto ko rito, e.
Kabisado ko na ang mansion na 'to dahil ilang beses na akong nakapunta rito kaya hindi na ako kailangan pang samahan. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa dining room— malaki rito, at lahat sila nasa loob, sabay-sabay na kumakain.
"Good morning po!" magiliw na bati ko sa kanila at agad silang napalingon sa direksyon ko.
"Matilda, hija!" nakangiting tumayo si Nanay Nora at lumapit sa akin. "Aba, buti at dinalaw mo ulit kami. Na-miss ka naming bata ka!" masayang sabi niya at niyakap ako.
"Na-miss ko rin po kayo," sagot ko at kumalas na sa yakap niya. "May mga pasalubong po ako para sa inyo, si Aling Rita na po ang bahala roon."
"Nako, gumastos ka na naman para sa amin," sabi ni lolo Fredo na naka-wheel chair na dahil hindi na kayang maglakad.
"Okay lang po, para sa inyo naman e," nakangiting sagot ko. "Hindi pa 'ko kumakain, puwede pong sumabay?" tanong ko na agad nilang ikinatango. "Ay ako na po!" awat ko kay Nanay Issa na akmang ikukuha pa 'ko ng plato. "Maupo na lang po kayo diyan."
Kumuha na ako ng utensils at umupo sa isang bakanteng upuan. Dalawang ulam ang nakahanda sa hapag at marami na 'yon kaya hindi kulang para sa kanilang lahat.
"Kumusta naman po kayo?" tanong ko at sumubo.
"Ayos lang kami, hija."
"Ito nanghihina na, malapit na yatang mamatay, hahaha." Napatingin naman ako kay Lolo Narding.
Sinimangutan ko siya at uminom ng tubig.
"Huwag naman sana, 'Lo," sabi ko. "Sabihin n'yo lang po sa akin kung may kailangan kayo. Kung kailangan n'yo ng mga gamot, ako pong bahala," nakangiting bilin ko sa kanila.
"Nako! Nahihiya na nga kami sa 'yo," natatawang sagot ni Nanay Berna na ikinatawa ko na lang din.
"Alam n'yo naman pong mahal na mahal ko kayo kaya okay lang sa akin."
Mahal ko rin naman ang parents ko, hindi ko nga lang magawa sa kanila 'to. Syempre, may mga pera naman sila, malayong malayo sila sa estado ng buhay ng mga matatandang 'to. At higit sa lahat, hindi rin naman nila panigurado gustong pagsilbihan ko sila. Edi pera na lang nila ang gagamitin ko, 'di ba?
"Napakabait mo talaga," nakangiting puri sa akin ni Aling Nena na pilit ko lang ikinangiti.
Pasimple akong bumuntong hininga.
Kung alam n'yo lang ang ugali ko sa harap ng ibang tao, hinding hindi n'yo 'ko mapupuri nang ganiyan.
Pagkatapos ng kainan namin, nakipagkwentuhan muna ako sa kanila. Mga 10 am ay nagpaalam na rin ako.
"Ito po, pandagdag ng gastos niyo rito," sabi ko at ibinigay kay Aling Rita ang 10,000 pesos.
"Ikaw talaga, ang dami mo na ngang dalang groceries, e. Saan pa namin gagamitin 'to?" nahihiya pero masayang tanong niya na ikinatawa ko lang.
"Sige na po, aalis na po ako. Ingat po kayo rito," paalam ko at sumakay na sa kotse ko.
Mabilis kong pinaharurot 'yon pabalik sa bahay. Siguro naman, wala na ro'n sila mom. Wala na akong ganang makita pa ulit sila.
Nagsasawa na ako.