Chapter Six

1516 Words
— Matilda — “Matilda! Matilda! Wake up!” Inis akong napabangon mula sa pagkakatulog dahil sa pagkalampag ng pinto ng kuwarto ko. “f**k! Sino ba 'yan?” malakas ding sigaw ko at tumayo na. Mabilis kong binuksan ang pinto at isang malakas na sampal agad ang natanggap ko mula kay daddy! “H-How dare you?” sigaw ko at nanggalaiti sa ginawa niya. Hinatak niya ako pabalik sa kuwarto ko at marahas na binitiwan. Nandito rin si mom na walang gana lang na nanonood sa amin. How dare him to slap me? How dare him! “Hindi ka ba talaga madadala sa mga pinaggagagawa mo? Sanay na kami sa mga pagsagot-sagot mo sa amin pero sumosobra ka na, Matilda!” sigaw niya sa akin na ikinatawa ko bigla nang malakas. Ah, really? Bakit sila nagagalit? Kasalanan nila kung bakit ako nagkakaganito! Magulang ko sila pero anong ginagawa nila? Ginagawa nila 'kong hangin sa buhay nila! Tell me, masisisi n'yo ba 'ko? “Anong pakialam ko?” galit din na tanong ko sa kaniya. “Pakihanap naman ng pake ko sa inyong lahat!” sigaw kong muli at isang sampal na naman ang natanggap ko mula kay mom. Tinigasan ko ang mukha at loob ko. Gustong gusto ko nang umiyak pero para saan pa? Sa sakit na nararamdaman ko? Sanay na sanay na 'ko! “We did our best for you! We taught you a good moral to be a good daughter! Tapos, gaganituhin mo kami? Nasaan ang respeto mong babae ka?” galit na tanong din ni mom sa akin pero inirapan ko lang siya at tinawanan. “Matilda! Umayos ka, magulang mo pa rin ang mga kaharap mo!” “You didn't do your best! Ayoko nang marinig ulit 'yan mula sa inyo dahil kahit kailan, hindi ko naramdaman 'yung best na sinasabi n'yo!” sigaw ko at lumayo dahil baka masampal na naman ako. “At higit sa lahat, wala akong magulang! Wala kayong anak na Matilda! Si Mathew lang ang anak n'yo, right? Right!” “Matilda!” sigaw na naman ni dad at akmang lalapit sa akin pero ilingan ko siya at agad na nilayuan. “B-Bakit ka ba ganiyan? Isipin mo naman ang nararamdaman namin kapag sinasagot mo kami.” Natigilan ako nang makita ko si mom na umiiyak na. Hahakbang na sana ako para damayan siya pero hindi ko na tinuloy. Nanghihina akong makita ang luha niya. Ako ang naging dahilan niyon kaya bakit ako rin ang magpapatahan? No way! Sana kasi, naiisip din nila nararamdaman ko kapag binabalewala niyo ako sa kahit simpleng bagay. “Gusto mo ba talagang itakwil ka namin? Huwag mo kaming sagarin, Matilda!” sigaw ni dad kaya nakipagtitigan ako sa kaniya kasabay ng paglunok ko. Kaya nila? Kaya ba nilang itakwil ako? Syempre, kayang kaya nila 'yan. “E-Edi g-gawin mo!” sagot ko at mabilis na kinuha ang pouch, susi, at cellphone ko na nasa side table lang. “At saan ka pupunta?” “Sa lugar na malayo sa inyong mga walang kuwentang tao sa buhay ko! Sa inyong mga lagi na lang akong sinasaktan!” sigaw ko at inis na sinabunutan ang sarili ko. “Just always remember na, 'yung mga ginagawa ko sa mga schoolmates ko, kulang pa 'yon! Mas may lalala pa ro'n kaya mas may ikagagalit pa kayo!” sigaw ko na naman at itinumba ang side table ko na may family picture frame namin kaya nabasag iyon. “Kahit kailan ka talaga— Matilda!” sigaw nila nang tuluyan ko silang nilayasan. Kahit na naka-nighties pa ako ay lumabas ako ng kuwarto at patakbong bumaba. Sinampal ko agad ang maid na humarang sa hagdan kaya napalayo ito at masama akong tiningnan. Nagagalit ako! Kailangan kong manampal! “Maids!” sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay. Lima agad ang lumapit na maids sa akin kaya isa-isa ko silang sinampal nang malulutong dahil sa galit ko na ikinagulat nilang lahat. Tumakbo agad ako palabas nang marinig ko na ang mga yabag ng paa nila mom mula sa hagdan. Pumasok agad ako sa kotse ko at pinaharurot 'yon. “Ahrg!” hiyaw ko at pinaghahampas ang manibela kahit nag-drive pa rin ako. “Mamatay na kayong lahat!” Tang ina! Nagagalit talaga ako! Ang kakapal ng mga mukha nila na gawin sa 'kin 'to! Edi mas isipin nila 'yung business nila kaysa sa 'kin! f**k them all! Sobra-sobrang galit talaga ang nararamdaman ko habang nagmamaneho ako nang mabilis, napapahampas pa 'ko bigla sa manibela. Mayamaya pa'y nag-ring ang phone ko. Inis kong sinagot ang tawag nang makitang si Dessie 'to. “b***h, do you know Gino, Ucrate and Lester?” tanong niya agad na mas lalong ikinainis ko. “Ano namang pake ko sa mga 'yan, ha? Tumawag ka para diyan? Pwes, you are pissing me off.” “No! I just want to say that they are dead! They were killed brutally inside the school!” “Ano ngang pake ko?” inis pa ring tanong ko kahit nakakagulat ang sinabi niya dahil first time may nangyaring gano'n sa TIS. “Wala kang kwenta!” sigaw niya sa kabilang linya at pinatay na ang tawag. Mayamaya pa ay tumunog ulit ang phone ko at chat 'yon mula sa kaniya. Inis ko na namang kinuha 'yon mula sa kaniya. “s**t!” Naipreno ko agad ang sasakyan nang makita ko ang picture na ni-send niya! It was them. 'Yung tatlong lalaki na kasama ni Xyrel kahapon sa shower room! What the heck happened? Sinong pumatay sa kanila? I don't want to think na dahil 'yon sa nangyari sa 'kin pero, napaka-coincidence naman! Stupid, Matilda! Malamang sa malamang maraming kalokohan ang tatlong 'yon at may gusto talagang pumatay sa kanila kaya bakit ko iisipin na tungkol sa 'kin 'yon? Tsk. Inis kong binato ang phone ko sa katabing upuan at nag-drive ulit. “What the hell?” napasigaw at napapreno ako nang hindi ko nakita agad na may tumatawid pala. At sa dami ng taong tatawid, si Henzo pa 'yon na hindi naman naka-uniform. Kumunot ang noo niya at kumatok sa kotse ko. Agad ko namang ibinaba ang bintana. “What the f**k Matilda?” gulat na sabi niya nang makita niya ang suot ko. Inirapan ko naman siya. “Ano? Umalis ka diyan, papaandarin ko na 'to,” inis na sagot ko. “Saan ba punta mo?” “Sa mall,” tipid na sagot niya at nag-iwas ng tingin. “Sumakay ka na,” malamig na utos ko pero hindi pa rin siya gumalaw. “Are you f*****g deaf o iiwan kita rito?” Mabilis naman siyang umikot at sumakay sa tabi ko. Kinuha ko muna ang phone ko bago siya umupo at sinara ang pinto. “Bakit ganiyan ang suot mo? Baliw ka bang babae ka?” kunot noong tanong niya na ikinairap ko lang at nag-drive. “Tapos halatang hindi ka pa naghihilamos! Ang gulo-gulo pa ng buhok mo!” “Ano namang pake mo? Pinasakay lang kita, hindi ko sinabing sermonan mo 'ko,” inis na sagot ko at kinuha ulit ang phone ko nang tumunog ito. “Babe.” Nangunot ang noo ko nang marinig ko si Civrus. “Joke! Where are you? Date tayo mamaya?” “I'm on my way to somewhere. Sure, set the time, right now.” “Papasok ka ba?” tanong niya. “No.” “Oh, edi mamayang lunch na lang. Okay ba 'yon?” tanong niya na ikinangiti ko na lang. “Yes, sure.” “Nice. I love you, bye.” “I love you too. Take care, bye.” Napabuntong hininga ako at pinatay na ang tawag. “Wala pang sila pero may I love you-han na. Tsk,” pagpaparinig ni Henzo na inirapan ko lang. “Bakit ba ganiyan itsura mo? Anong nangyari sa 'yo?” tanong na naman niya. “Wala ka nang pake ro'n.” “Ah, gano'n? So, ibaba mo na lang 'yang nighties mo dahil nae-expose masyado legs mo,” mariing utos niya kaya inis ko ngang binaba 'yon. “What happened to you?” tanong na naman niya. Naiinis na 'ko ha! “Wala ka nang pake ro'n,” inis na sagot ko. “Tsk. Namamaga ang pisngi mo kaya tinatanong ko! Akala ko mas malakas ka manampal? Bakit pisngi mo mas namamaga ngayon? Ipreno mo!” Inis ko siyang nilingon. “Ihinto mo 'yung sasakyan!” “Ano ba kasi?” inis at pasigaw na tanong ko sa kaniya. “Bakit ba nakikialam ka?” tanong ko at inihinto na ang kotse. Nagulat ako nang hawakan niya ang baba ko at iniharap sa kaniya ang pisngi kong dalawang beses nasampal ng mga magulang ko. “Sinong gumawa niyan sa 'yo?” mahinahong tanong niya na hindi ko sinagot. “Halatang kakagising mo lang. Siguro, parents mo ang gumawa niyan 'no?” Tinabig ko ang kamay niya at huminga nang malalim. Hindi ko pa rin siya sinagot dahil sino ba siya? Wala siyang pake sa 'kin. “Stop asking me. Wala ka rin namang pake.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD