Chapter Five
— Matilda —
Masama kong tiningnan si Henzo na naglalakad na ngayon palayo sa akin. Hindi talaga ako makapaniwala!
He was so damn mukhang pera!
Akala ko pa naman kusa 'yung ginawa niyang pagtulong sa akin! Akala ko lang pala! Nakakainis talaga.
Inis na lang akong naglakad papuntang parking lot. Kinuha ko ang susi ng kotse. Medyo marunong naman na 'kong mag-drive kaya hindi na 'ko magpapasundo. Kaysa naman maghintay pa 'ko sa napakabagal kong driver. Tsk, I can handle this.
Nagmaneho na ako palabas ng school. Hindi pa ako nakakalayo sa school nang matanaw ko ang pamilyar na likod ng lalaki. I was sure that it was Henzo. Dala na niya ang bag niya at mukhang pauwi na rin. Aba, cutting din si mukhang pera.
Binagalan ko ang pagpapaandar at sinundan siya. Gusto ko talagang malaman kung sino ba talaga siya. Bakit siya kinakatakutan ng mga lalaki sa school? At higit sa lahat, bakit mukha siyang pera? Tsk.
Patuloy lang ako sa pagsunod sa kaniya. Binagalan ko nang sobra para medyo malayo at hindi niya ako mahalata. Wala namang ibang nakasunod na kotse sa 'kin, e.
Lumiko siya kaya binilisan ko na ang pagpapatakbo. Hininto ko ang kotse dahil hindi na kasya ito sa daan kung saan siya lumiko. Nangunot din ang noo ko nang hindi ko na siya nakita kaya mabilis akong bumaba.
Ang alam ko'y isa 'tong daan papasok sa isang barangay. Naglakad na lang ako papasok. Dalawang tindahan na ang nadaanan ko. Mahaba naman ang daan pero bakit nawala agad siya?
Where is he?
“Matilda!”
Nanlalaki mata akong napalingon sa tabi kung saan may karenderya. Nangunot ang noo ko nang makita ko si Henzo na nakaupo roon sa loob at kunot noo ring nakatingin sa 'kin. Sinenyasan niya akong lumapit kaya umirap muna ako bago pumasok sa loob.
“What are you doing in this kind of place? This is so cheap,” agad kong tanong at nakangiwing tiningnan ang buong karenderya. Napatingin tuloy sa akin ang ibang customer na inirapan ko lang.
“Tsk, dito ako kumakain. Anong ginagawa mo rito?” kunot noong tanong niya at nag-usog ng isang upuan para sa akin pero tinitigan ko lang 'yon. “Umupo ka, nandito ka na rin naman.”
“Ayoko nga, tsaka hindi ako magtatagal,” sagot ko at nag-flip hair.
Ang cheap talaga. Wala ba talaga siyang kapera-pera? Mahirap ba ang lalaking 'to?
“Umupo ka na sabi.”
“Ano ba?” angil ko nang hilahin niya ako paupo sa katabi niyang upuan. “Pakidalawa na po ng order ko!” sigaw niya na ikinangiwi ko.
“Hindi ako kakain sa ganitong klaseng kainan!” sagot ko agad. ”Huwag niyo nang doblehin!”
“Napaka-arte mo!” masungit na sagot niya. “Ano bang ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba 'ko?” nakangisi nang tanong niya na ikinangiwi ko na naman.
“At bakit ko naman gagawin 'yon?” inis na tanong ko. “Of course not,” dugtong ko pa at tatayo na sana nang pigilan niya ako. “Ano ba kasi?”
“Samahan mo na lang akong kumain,” mahinahong sabi niya hanggang sa dumating na ang order niya. Nilabas niya ang isang libo na siguradong galing sa akin kanina saka ibinayad.
“Ang laki-laki ng perang binigay ko sa 'yo, bakit dito mo pa naisipang kumain?” mataray na tanong ko sa kaniya na mukhang ikinainis niya at hindi ako pinansin. “Talagang itinuloy mo pa? You are not 100% sure na malinis ang mga pagkain dito,” pagpaparinig ko sa tindera kaya agad itong napatingin sa 'kin.
“Puwede bang manahimik ka?” walang ganang pagpapatahimik sa 'kin ni Henzo. “Tsaka, 100% sure ka rin ba na malinis ang mga kinakain niyo sa mga mamahaling restaurant?” taas kilay na tanong niya.
Inirapan ko na lang siya at hinintay na matapos kumain. Bakit ba pumayag akong mag-stay rito? Tsk, puwede namang umalis na agad ako. Nakakainis!
“Sumubo ka kung gusto mo,” biglang sabi niya na ikinangiwi ko na naman.
“What? Ayoko nga,” pairap na sagot ko at nag-cross arm. At dahil makulit siyang lalaki, naghanda siya ng isang kutsara ng kanin na may kaldereta. “Ayoko!”
“Tikman mo lang!” pangungulit niya at tinapat sa bibig ko 'yon. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ayoko talaga. Mamaya sumakit pa tiyan ko diyan, e. “Bilisan mo, kapag sumubo ka, hindi na kita sisingilin sa mga tulong na gagawin ko para sa 'yo,” nakangusong pangungumbinsi niya.
“As if naman na kailangan ko pa ng tulong from you,” pairap na sagot ko.
“Nakakabagot maghintay, Matilda.” Inirapan ko ulit siya at kukunin na sana ang kutsara nang ilayo niya 'yon.
“Akala ko ba gusto mo 'kong sumubo?” inis na tanong ko sa kaniya at hinampas ang mukha niya dahil naba-badtrip talaga ako sa kaniya.
“Oo nga, pero ako ang magsusubo sa 'yo,” sagot niya na ikinairap ko na lang ulit at dahan-dahang ngumanga para manahimik na siya. Nagkatitigan pa kami bago niya isinubo sa akin ang pagkain. Hindi ako ngumuya dahil parang hindi naman masarap. “Nguyain mo, huwag kang tanga!”
“H-How dare you to call me— ehem!” naubo ako bigla nang masamid ako kaya mabilis ko nang nginuya ang kinakain ko.
“Tsk, ang laki-laki mo na tapos 'di mo alam 'yung don't talk when your mouth is full?” masungit na singhal niya sa akin kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin. “Masarap?” tanong niya na hindi ko nasagot dahil masarap naman ang luto.
“Ewan ko,” kibit balikat na sagot ko at uminom ng tubig.
“Huwag ka kasing mang-judge agad. Hindi mo pa nga natitikman, lalaitin mo na agad. Ayan mahihirap sa inyong mayayaman, e, mabilis kayong manghusga.”
Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kaniya. Bakit kung makapagsalita siya, parang hindi siya mayaman— hindi nga ba? Totoo nga ba 'yung naiisip ko that he is poor?
Paano? Sa kilos niya, pananamit at pagsasalita, mukha siyang may pera.
Sino ka ba talaga?
Saglit niya 'kong tinapunan ng tingin nang mapansin niyang nanahimik ako. Bumuntong hininga na lang ako hanggang sa nag-ring ang phone ko.
“Hello, dad?” walang ganang sagot ko sa tawag niya.
“Ano na namang ginawa mo, Matilda? The dean called me! Sinabi niyang may ginawa ka raw sa anak ni Mr. and Mrs. Sansuar!” galit agad na sabi niya na ikinairap ko.
“And who is that Sansuar?” I asked.
“Si Wenie. Alam mong business partner natin ang mga Sansuar. Gusto mo ba talagang magkagulo kami?” Napairap na naman ako.
“Ah, really dad? I don't f*****g care—”
“Your mouth Matilda!”
“Ah yeah, my mouth. f**k, f*****g, fuckshit, bullshit. Tsk! Dad, I don't care, okay? I don't really care. I don't give a damn. Buhay n'yo 'yan, buhay ko 'to. Walang pakialaman dahil hindi ko kayo pinapakialaman,” nauubusang pasensyang sagot ko sa kaniya kaya napatingin sa akin si Henzo habang nakakunot ang noo.
“How dare you! I'm your dad—”
“And I am your f*****g daughter but you don't still appreciate me!” tuluyan na 'kong napasigaw at napatayo, dahilan upang magtinginan sa 'kin ang lahat. Mabilis na lang akong naglakad palabas ng karenderya.
“Napakabastos mong bata ka! Wala ka nang respeto sa amin. Hindi ka namin pinalaki nang ganiyan!” sigaw niya mula sa kabilang linya na ikinatawa ko nang malakas.
“Wala kasing kwenta ang pagpalalaki n'yo sa 'kin! Pinalaki n'yo ako nang walang halong pagmamahal! Paano ko kayo ngayon rerespetuhin?” galit ding tanong ko. Nakarinig naman ako ng mga pagdadabog.
“Bastos ka na talaga! Humanda ka sa 'kin pag-uwi namin. Kailangan mong madala!”
“Kahit huwag na kayong umuwi. Mas masaya 'yon,” walang ganang sagot ko. “Isa lang naman anak n'yo, si Mathew.”
“Oo! Buti pa si Mathew—”
Pinatay ko agad ang tawag. Wala akong panahon na makinig sa sasabihin niyang pagkukumpara na naman sa amin ng kapatid ko.
“Galit na galit ka.” Napatingin ako sa likod nang marinig ko si Henzo. “Ramdam ko 'yung galit, e,” dugtong niya pa at sumipol. “Pero kahit gano'n, huwag mo silang sagutin nang gano'n. Sila pa rin ang dahilan kung bakit ka nabuhay, malaki utang mo sa kanila—”
“What? Tsk, isang putukan lang 'yon at makakagawa na ng bata. P'wede namang hindi na lang sana ako ang nabuhay. Sana nakipag-unahan pa 'yung ibang sperm cells kaysa sa akin. Nakakasura,” naiinis na sagot ko at naglakad na pabalik sa kotse ko.
“Walang filter ha, hahaha,” tumatawang sabi niya na ikinairap ko lang.
“Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita,” I voluntary said. Tumaas ang kilay niya at para pang natatawa akong tiningnan.
“Wow? Totoo ba 'to, hahahaha,” mas lalo siyang tumawa kaya mas umirap din ako.
“E 'di huwag,” inis na sabi ko at binuksan na ang pinto.
“Huwag na talaga, malapit lang bahay ko rito,” sagot niya at lumapit sa akin. “Umuwi ka na, ingat ha.”
“Tsk, bye.”
“Hindi ka masaya, nakikita ko.”