Chapter Four

2184 Words
Chapter Four — Matilda — Pagkalabas ko ng locker room ay hindi ko na nakita sa labas si Henzo. Napairap na lang ako at naglakad na papunta sa clinic. My eyebrows furrowed when I saw Wenie. Nasa tapat siya ng clinic at nakikipag sagutan kay Dessie. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila at sinipa ang binti niya mula sa likod. Napasigaw siya at agad na natumba. “Oops, I mean it,” I said while smirking. “Can I ask what are you doing here? Wait, nangangati ka na ba kaya gusto mo ring magpa-clinic? Oh, dear, walang kakamot sa 'yo rito.” Sinamaan niya ako nang tingin habang si Dessie ay natawa nang mahina. “You, b***h!” Tumayo siya at akmang sasampalin ako nang unahan siya ni Dessie. “Aw!” Bumaling ang mukha niya sa kaliwa dahil sa matunog na sampal ni Dessie na lalo kong ikinangisi. “Ang kapal-kapal ng mukha mo! I told you that Civrus is mine!” Tumaas ang kilay ko at sabay kaming tumawa ni Dessie dahil nagpapatawa yata 'tong si Wenie. “Are you stupid or you are just stupid? Me and Civrus are dating for 4 months, and you're still saying that he's yours?” natatawang sagot ko na ikinatawa niya rin. “Duh! Are you already in a relationship? Oh, no. Dating lang! Wala pang kayo. Kayang kaya ko pa siyang agawin sa 'yo,” sagot niya na ikinairap ko. Such a desperate flirty woman. “Go ahead. No one will stop you,” sagot ko at isang malutong na sampal pa ang binigay sa kaniya bago naglakad papasok sa clinic. “Ang galing n'yo naman mag-chill diyan. Si Dessie ro'n kanina nakikipag-away na sa walang hiyang si Wenie,” taas kilay na sabi ko agad kina Pove at Civrus na nasa isang kama. Nagkatinginan silang dalawa bago umirap si Pove. “b***h, you know Dessie. She can handle that,” pairap na sagot ni Pove kaya inirapan ko rin siya. Sa bagay nga naman. “I have to go. My manager called me. Maysisimula na ang photoshoot,” sabi ni Civrus at tumayo na. Tumaas tuloy ang isang kilay ko. “Actually kanina pa sana, hinintay lang kita na pumunta rito. So, bye, see you later or tomorrow.” “Take care,” sagot ko na lang. Agad naman niya 'kong hinalikan sa pisngi bago lumabas ng clinic. “Bitches, I gotta go,” paalam ko naman sa dalawa. “And where are you going? You still have classes to attend,” taas kilay na tanong ni Dessie na ikinairap ko. “b***h, I'm not like you who's studying hard,” I answered as I rolled my eyes again. “I'm bored, so bye.” Mabilis akong lumabas ng clinic at dumiretso sa gymnasium para makapag-shower doon. Wala na ring tao sa loob pagkapasok ko kaya naglakad na 'ko papuntang shower room. Akmang papasok na 'ko sa women's shower room pero may biglang nagbukas ng pinto at lumabas ang isang babaeng hindi ko kilala at wala akong pake sa kaniya. Tinaasan niya 'ko ng kilay at ni-head to foot na ikinataas din ng kilay ko. Oh, b***h spotted. Nilagpasan niya na 'ko kaya napairap na lang ako at bubuksan na sana ang pinto pero may humila sa akin at mabilis akong ipinasok sa kabilang pinto, which is the men's shower room! “OMG!” gulat kong sigaw at lalabas na sana ngunit sinarado na ng babae ang pinto— I'm pretty sure na siya ang tumulak sa 'kin papasok dito! Mabilis kong pinihit ang doorknob at sinubukang buksan pero naka-lock na sa labas! “Open this goddamn door! My goodness!” sigaw ko at kinalampag ang pinto. “Did you hear that?” “Of course, it was a scream. Sinong hindi makakarinig?” “And that's a girl.” Nanlaki ang mata ko nang makarinig ako ng mga boses galing sa mga shower cubicle. Fuck! May mga lalaking naliligo rito! I need to get outside of this f*****g shower room! f**k! This is really f**k! Sinubukan ko pang buksan ang pinto pero hindi ko na talaga mabuksan! Humanda talaga sa 'kin ang walang hiyang babaeng 'yon! “Hey, miss?” Mabilis akong napalingon sa likod nang may nagsalita. Napapikit na lang ako nang mariin matapos kong makita ang anim na lalaking topless at naka-towel ang lower body. Dumilat ako at tinaasan sila ng kilay. “What are you doing here?” nakangising tanong ng isa at pinasadahan ako ng tingin. Kinilabutan tuloy ako dahil doon. “Someone pushed me here. I didn't wish to get in here,” mahinahong sagot ko. “She f*****g locked this goddamn door. Help me to open this. Can you?” taas kilay na sabi ko. Nagkatinginan sila. Fuck, f**k! Bullshit! Wala akong tiwala sa tinginan na 'yan. Napamura na lang ako sa isip ko dahil sa tingin pa lang nila, alam ko nang hindi nila 'ko tutulungan. I need help! s**t. “Samahan mo na lang kami mag-shower,” nakangising sabi ng isa at lumapit sa akin. Kumunot ang noo ko at agad na napaatras. They are maniacs! Kailangan ko na talagang makaalis dito! Damn! “Are you crazy? Tsk,” inis na tanong ko at humarap ulit sa pinto para kalampagin 'yon. “Wala namang makakaalam nito. Matilda, right?” tanong ng isa mula sa likod. Kumukulo ang dugo ko dahil sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ako papayag na hindi ako makakaganti sa babaeng 'yon! “Don't worry, you will surely enjoy this. Take this as one of your adventure.” Nagtawanan sila na parang mga demonyo! My goodness! “Help! Help!” sigaw ko at malakas na kinalampag ang pinto. “Shhh.” Napapitlag ako nang may humawak sa braso ko. Sinamaan ko agad siya ng tingin. “Oh, I'm scared, baby,” natatawang sabi niya na ikinatawa rin ng iba. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naririnig ang tawanan nila. “Damn you!” gulat na sigaw ko at mabilis siyang sinampal matapos niyang hipuin ang pang-upo ko! Nagtagis ang bagang niya at hinigpitan ang hawak sa braso ko. Mayamaya pa'y ngumisi siya at tumingin sa mga kasama. “She has a nice butt, dudes.” “Argh! Don't f*****g touch me!” sigaw ko at mabilis siyang siniko sa mukha kaya nabitiwan niya ako. “Don't come near me, maniacs!” sigaw ko at dinuro sila. “You are too loud,” kunot noong sabi ng isa at lumapit na rin. Fuck! God knows that I can't fight with them! Hindi ko kayang lumaban sa mga lalaki! Damn, nasaan na ang tapang mo, Matilda? “C-Can you just let me go?” inis na sigaw ko at kinalampag muli ang pinto. “Mamaya na lang, sayang naman ang pagkaka-lock natin dito,” sabi ng isa at mabilis akong hinila. Sinampal ko rin siya at isang sampal din ang natanggap ko mula sa kaniya. I was f*****g shocked! Wala pang kahit sino ang nakasampal sa maganda kong mukha! “No one is allowed to slap me, woman,” seryosong sabi nitong lalaking sumampal sa akin. “You just need to satisfy us, you don't need to be loud. Masasaktan ka lang sa 'kin,” mariing bulong niya sa tainga ko. Nakagat ko ang labi ko dahil sa takot. Hindi ko talaga kaya ang mga ganitong situation. I freaking need help. “Ganiyan nga. Good, baby,” bulong niya at hinagod ang likod ko. “Zip your mouth, ha.” “Tsk. Ayokong sumali diyan, Xyrel, maliligo na lang ako.” “Ako rin. Bahala kayo diyan.” Umatras ang dalawang lalaki at bumalik sa pagligo. Nag-init ang ulo ko dahil doon. Bakit hindi na lang nila 'ko tulungan? “J-Jerk!” gulat na sigaw ko nang hawakan ni Xyrel ang batok ko at hinagod ang buhok ko 'saka siya sumiksik sa leeg ko! Mabilis ko siyang sinipa sa gitna niya kaya napalayo siya sa akin. Tiningnan niya 'ko nang galit na galit kaya humarap ulit ako sa pinto at kinalampag 'yon. “Help! Help me! Help me!” sigaw ko pero agad ding napatigil nang may pumulupot sa tiyan ko at hinila ako. “Let me go!” sigaw ko ulit nang dalhin nila 'ko sa isang shower cubicle at binuksan ang shower. Napanganga ako nang mabasa ako ng tubig. Nagtawanan sila at agad na nagsilapit sa 'kin. “P-Pakawalan n'yo na 'ko! “Matilda? Matilda! Are you there?” Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon— ni Henzo! “Henzo, help me!” malakas na sigaw ko na ikinamura ng mga lalaki rito. Agad ko silang tinulak, hindi nila ako pinigilan at hinayaan lang na makawala. Nagkatinginan ang iba na para bang mga takot, maliban kay Xyrel na chill na chill lang at matiim akong tinitingnan. Kinalampag ko ulit ang pinto. “Henzo! Help me, faster!” sigaw ko. “f*****g wait!” sigaw niya rin mula sa labas. “Tsk, trying to be a hero? Hahaha,” natatawang sabi ni Xyrel kaya napatingin na naman ako sa kaniya. Sino ba ang lalaking 'to? Napapansin kong takot ang ibang mga lalaki rito kay Henzo, pero bakit siya hindi? Nakarinig ako ng pagsusi mula sa labas kaya umatras na ako. Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto at bumungad si Henzo na hingal na hingal. “Bakit ang tagal mo?” naiiritang sigaw ko agad sa kaniya na ikinakunot ng noo niya at pinasadahan ako ng tingin. Kung hindi siya dumating... damn! “What the hell happened to you?” mariing tanong niya at tiningnan ang mga lalaking nasa loob. Niyakap ko ang basa kong katawan, habang siya ay pumasok na sa loob. “Assholes!” sigaw niya sa kanila. Hindi nakapagsalita ang iba habang nakangisi lang si Xyrel. “'Tang ina n'yo, pasalamat kayo tinatamad akong manuntok,” inis na sabi niya at tumingin kay Xyrel. Matalim ang mata siyang nakipagtitigan dito. Kunot noo ko lang silang pinanood. Tsk, may away ang dalawang 'to, I'm pretty sure. “New girl, Henzo?” tanong ni Xyrel kaya napatingin ako kay Henzo na nag-igting lang ang panga. “Anyway, I like your new girl, ha.” Sabay tingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. “Umalis na kayo,” seryosong pagpapaalis niya sa 'min. Sinamaan muna siya ng tingin ni Henzo bago lumakad palapit sa akin. Hinila niya na ako palabas at inis na ginulo ang buhok niya. “Bakit nandoon ka sa loob?” mahinahong tanong niya sa akin. Napairap ako. “Do I need to explain myself?” tanong ko na ikinalukot ng mukha niya. “Wala kang kuwentang kausap,” mariing sagot niya. “Maligo ka na. Akin na ang susi ng locker mo. Ikukuha kita ng damit mo,” sabi niya at naglahad ng kamay. “What? Ayoko nga!” angal ko kahit naiwan ko na ang mga dala kong damit sa shower room ng boys, tsk. “Matilda! Huwag ka ngang maarte, hindi ka naman puwedeng umalis dito nang ganiyan! Akala mo naman papakialaman ko ang ibang gamit mo sa locker mo. Tsk, just give me the goddamn key,” naiinip na sabi niya. Wala na akong nagawa at kinuha na lang ang susi sa bulsa ng skirt ko saka binigay sa kaniya. Tinulak niya na 'ko papunta sa shower room namin. “Pakikuha na rin ng sling bag ko ro'n,” sabi ko na ikinatango niya. “Maligo ka lang, bibilisan ko ang pagbalik. Lock the door, baka pasukin ka diyan, tsk,” bilin niya at nag-jog na paalis. Napatango-tango ako bago sinara at ni-lock na ang pinto. Napatampal ako sa noo ko dahil sa nangyari kanina! Thanks to Henzo! Mabilis akong naligo, ako na lang din mag-isa ang naliligo rito. Pagkatapos ay kumuha ako ng towel at ipinulupot sa katawan ko. “Henzo? Andiyan ka na ba?” pasigaw na tanong ko. “Yeah!” Binuksan ko naman ang pinto nang maliit at sumilip. “Here,” inabot niya ang isang high waist jeans at white off shoulder croptop. Sinarado ko ulit ang pinto at mabilis lang na nagbihis. Kinuha ko ang mga hinubad ko kanina at lumabas na. Naabutan ko si Henzo na seryoso lang nakatayo sa labas at namumula ang leeg. Bakit kaya? Pinapaikot niya ang isang suklay sa daliri niya habang nakasabit sa balikat niya ang sling bag ko. Tiningnan niya 'ko at inabot ang suklay. Nagsuklay naman agad ako at kinuha na ang sling bag mula sa kaniya. Pagkatapos kong magsuklay, kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng 3 thousands at inabot sa kaniya 'yon. Kumunot ang noo niya na ikinairap ko. “Inuunahan na kita sa paniningil para sa ginawa mong pagtulong sa akin,” sabi ko kahit umaasa rin ako na hindi niya tatanggapin 'yon dahil iniisip kong kusa niya 'yung ginawa at hindi para sa pera. Ngumisi siya at agad na kinuha ang pera. Naglakad na siya palayo at iniwan ako. Nagtagis tuloy ang bagang ko sa ginawa niya. Mamatay ka na, Henzo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD