— Matilda —
“Nakausap mo na sina Pove at Dessie?” tanong ni Civrus nang mahanap ko na siya at malapitan. Ngumiti ako at tumango. “Good, tara na, may nahanap na akong puwesto. Kapag nakita mo ulit sila Pove, ayain mong doon na lang din makiupo,” sabi niya na ikinatango ko ulit.
“Sure.” Nagpahila ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa mas madilim na part. May mahabang set doon kaya doon na kami umupo.
“I'll just call my friends. Wait me here, okay?” paalam niya na ikinatango ko kaya tumango na lang din siya at lumakad na paalis.
“Great, I met you again.” Natigilan ako nang may lumapit sa akin.
Tumaas ang kilay ko at pinasadahan siya ng tingin. His body is familiar. I can't recognize his face because of the make-up.
“Where's my pake?” I asked and rolled my eyes.
He smirked and laughed. “Maldita as always. Remember me?” natatawang tanong niya na lalong ikinataas ng kilay ko.
“Look, walang may pake sa 'yo,” naiinis na sagot ko. “Umalis ka na nga,” dugtong ko pa dahil hindi ako komportable sa presence niya.
“Hmm, wala ka pa namang kasama. Lemme grab this opportunity,” sagot niya at ngumisi na naman. Umupo siya sa tabi ko kaya napausog ako.
Pamilyar na ang boses niya. I heard that voice before. Sino 'to?
“X-Xyrel?” gulat na tanong ko nang makilala ko na ang mukha niya matapos siyang titigan.
Ngumisi na naman siya at tumingin sa paligid. “The one and only,” sagot niya at kinindatan ako. Napangiwi ako at inirapan siya.
Mangmamanyak na naman ba siya rito? Like, what the f**k? Ang baboy niya. Ayoko na ng ginawa niya noon.
“Umalis ka na,” mariing utos ko na ikinatawa niya at agad na tumayo. “Ayokong makita ’yang pagmumukha mo,” dugtong ko pa na ikinangisi niya lang.
“Alright, I gotta go,” sagot niya at namulsa. “Babalikan pa rin kita,” huling sinabi niya bago lumakad paalis. Napairap na lang tuloy ako.
Napatingin ako kina Civrus nang makita ko na siya kasama ang mga kaibigan niyang lalaki. Umupo na sila rito habang ako ay nasa dulo, sa tabi ni Civrus.
“Sinong kausap mo kanina?” tanong niya na ikinataas ng kilay ko. “I saw you,” kunot noong dugtong niya pa.
“I don't know, may tinanong lang ’yon,” sagot ko na ikinatango na lang niya.
“Do you want to eat? I'll get you a food,” tanong niya na ikinailing ko.
“Mamaya na lang, bakit, gusto mo na bang kumain? Sasabayan na kita kung gusto mo na,” tanong ko naman pabalik na ikinangiti niya at umiling-iling. “Sige na, makipag-usap ka na diyan sa friends mo,” sabi ko.
“Kausapin mo lang ako kung may sasabihin ka, okay?” sagot niya na ikinatango ko. Humalik muna siya sa noo ko bago humarap sa mga kaibigan niya at nakipag-kuwentuhan ulit.
“Okay, okay students! Nagbago na ang isip namin about sa pagpili ng magiging King and Queen Hollowxia!” Napatingin na naman kaming lahat sa harap nang magsalita na naman ang emcee. “Alright, this will be the game. We will choose 6 girls and boys that are interesting and they are the students who will play the game. If they win, they will be the King and Queen Hallowxia!”
Ang dami namang alam. Tsk.
“So, ayun, may inihanda nang venue para sa game. The venue will be inside the gymnasium. So, ganito ang mangyayari.. may ginawang simple maze sa loob. Sa entrance door magsisimula ang maze at lalabas kayo sa dalawang exit door which are for girl and boy. Kung sinong babae at lalaki ang unang makakalabas sa pintong ’yon ang mananalo. Once na hindi n'yo na mabuksan ang pinto, it means, ni-lock na namin dahil may nauna na. So, so, so, kung sino ang mga maiiwan sa loob ng maze ay lalapain, pero charot lang! They will face the consequences!”
Naghiyawan ang lahat sa sinabi ng emcee dahil mukhang exciting.
“One more thing, may naghihintay ring surprise para sa mananalo!” Nag-ingay na naman ang lahat dahil doon. Napairap na lang ako at nanahimik. “So, hahatak na lang kami kung sinong maglalaro sa game.”
Nakita ko ang ibang facilitators na nag-iikot na sa buong auditorium. Mga naghahanap, ang ibang babae ay nagpapapansin pa para lang mahatak sila na ikinairap ko. May ibang ipinapakita pa ang mga cleavage at legs nila. Ang iba naman ay lumalapit pa talaga sa mga facilitators pero hindi pa rin sila pinansin.
My eyebrows furrowed nang hatakin nila si Wenie papuntang stage na ngayon ay ngising-ngisi. I rolled my eyes again, arte.
“What the f**k?” gulat na sabi ko nang may humawak sa akin. Doon ko lang nakita ang isang facilitator na nasa harap na namin. Hinawakan niya rin si Civrus na nasa tabi ko lang. “Hey, ayokong sumali!” inis na angal ko pero hinatak niya pa rin kami. “Civrus?”
“C'mon baby, don't be KJ. Hahayaan mo akong maglaro? Paano na lang kung ako ang mauna? Hahayaan mo ba 'kong maka-partner ang ibang babae?” tanong niya at tumawa na ikinairap ko na lang.
“Fine!” sagot ko at nagpahatak na lang. Sabay kaming umakyat sa stage. Tumaas pa ang kilay ko nang makita ko rin si Henzo.
Seryoso niya lang kaming tiningnan at umiwas din agad ng tingin. Mayamaya pa ay nakumpleto na kaming lahat. Maging si Wenie the slut at sila Pove and Dessie ay kasali rin. Si Fed, Sael at Xyrel ay kasali rin. Ang iba ay hindi ko na kilala.
“So, they are our players. Say goodluck to them!” Nagsigawan na naman ang lahat at nag-cheer sa iba sa amin.
Napairap ako at nag-cross arm. Hinawakan lang ni Civrus ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.
“I want to win, baby. I'm excited with the surprise,” bulong niya na ikinairap ko nang pabiro. “C'mon, let's win this game together.”
“Oo na, Civrus,” natatawang sagot ko na ikinangiti niya at tumango.
“Alright, ihahatid na kayo ng facilitators sa gymnasium. Goodluck dahil may iba pang naghihintay sa inyo ro'n,” magiliw na sabi ng emcee kaya sumunod na kami sa isang facilitator.
Lumabas kami at pumuntang gymnasium. Nag-goodluck lang din sila at pinapasok na kami sa loob.
“Oh my gosh,” rinig kong maarteng sabi ni Wenie habang nililibot ang paningin. “This place is so dirty!”
Sa sobrang daming pera ng school, plywood ang ginawa nilang mga pangharang para sa maze, may mga red paint pa ito na parang dugo ang design. May mga parang sapot at sobrang dilim ng paligid.
Iilan lang ang ilaw kaya hindi gano'n kalakas ang ilaw na tumatama sa ibang parte.
“Tara na,” sabi ni Civrus at hinila na ako.
“I will assure na kami ni Civrus ang mananalo!” tumaas ang kilay ko sa sigaw ni Wenie. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.
“Just fuckin' dream, slut,” sagot ko at nginisihan siya. Napatingin pa ako saglit kay Henzo na seryoso lang.
Lumiko kami ni Civrus kaya napatingin na ako sa daan.
“OMG!” gulat na sigaw ko nang makita ko ang isang white lady na nasa harap namin.
Hindi ako natakot! Nagulat lang ako!
Masama niya akong tinitigan pero hinila na agad ako ni Civrus palagpas sa kaniya.
Naglakad-lakad lang kami ni Civrus at kung saan-saan na nakakarating. Maingay na rito dahil sa mga sigawan at tili ng ibang babae. Siguro nga, marami kaming kasama rito.
“Civrus!” sigaw ko bigla nang may humawak sa paa ko.
“s**t, ano ’yun?” tanong niya kaya kumapit ako sa kaniya para hilahin ang paa ko. “Hey!” sinipa niya ang kamay ng lalaking duguan at nakadapa sa sahig kaya nabitiwan ako nito at sabay kaming tumakbo.
Umikot-ikot pa kami at hanggang ngayon, hindi namin mahanap ang labasan. Nakakainis lang at pagod na ako. Gusto ko na ring maunang lumabas dahil ayoko namang maiwan dito.
“Saan na ang daan?” tanong ko nang na-dead end kami. Bumalik kami sa pinanggalingan namin at lumiko muli.
Kung saan-saan na kami nakakarating, hindi na namin pinapansin ang iba naming nakakasalubong dahil pursigido talagang manalo ’tong si Civrus.
“Ayun!” sabi niya at hinila muli ako. Napangisi ako nang makita ko na ang dalawang pinto. “Tara na, sana bukas pa.”
Sabay naming hinawakan ang doorknob. Nagkatinginan kami agad kasi pareho naming napihit. Ngumisi agad kami pareho at sabay na lumabas.
Nawala ang ngiti namin at agad natigilan. Nagkatinginan kami sabay tingin ulit sa harap.
Sa harap kung saan nakatayo na si Henzo.
“Oh...” gulat na sabi ng emcee at lumapit. “I'm so sorry, we forgot to lock the boy's door,” sabi niya na ikinakunot ng noo ko. “I'm sorry, boy. Anyway, you are still the queen,” sabi naman niya kay Civrus at sa akin.
“What the f**k?” inis na sagot ko at tiningnan si Civrus sabay tingin kay Henzo. “Hindi na, ayoko,” inis pa ring dugtong ko. “Let's go, Civ.” Nilapitan ko siya pero may agad na humawak sa braso ko.
“Matilda...” Si Henzo ’yon na seryoso lang. Inirapan ko siya at tinabig ang kamay niya.
“Hindi puwede, Ms. Matilda. Sige na,” sagot ng emcee. “Puwede ka nang bumalik sa upuan mo. Sorry ulit,” sabi naman niya kay Civrus.
“But, Matilda..” inis na sabi niya at tumingin sa akin. “Argh! Fine!” sagot niya at sinamaan ng tingin si Henzo. Galit siyang bumaba ng stage.
Tinanong ng emcee ang pangalan namin kaya sinagot na lang namin siya.
“Alright, here we are our King and Queen Hallowxia! Henzo Cyl Aguilar and Matilda Sanchez!” Napairap na lang ako sa announcement niya. “Alright, Mr. Henzo, you can have her hand now and go here...” Sabi niya kaya napatingin ako kay Henzo.
Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Naghiyawan ang lahat pero napairap na naman ako at ngumiwi muna bago hinawakan ’yon.
Naglakad kami papunta sa pinakaharap. Nagpalakpakan naman sila at tumitili. Hindi rin naman kasi maitatanggi na napakaguwapo ni Henzo ngayon.
Hinanap ng mga mata ko si Civrus. Tiningnan ko ang puwesto namin kanina at doon ko siya nakitang umiinom na ngayon habang tinatapik-tapik ng mga kaibigan niya. Masama ang tingin niya rito at todo ang pag-inom.
Inis akong napabuntong hininga. Bwisit naman kasi at nauna pa si Henzo rito!
“Bagay sila, right?” tanong ng emcee sa lahat na ikinatili ng iba.
Hindi ko alam kung sadyang tanga lang sila para suportahan pa ang sinasabi ng emcee. Alam naman nilang in relationship kami ni Civrus and alam kong galit sa akin ang mga ’yan dahil sa ugali ko. Tsk.
“Kiss! Kiss! Kiss!”
Otomatiko na namang tumaas ang kilay ko sa sigawan nila. Napamaang ako at napatingin kay Henzo. Tipid siyang nakangisi na lalo kong ikinainis.
Damn these people!
“Oh, kiss daw—” Nagulat ang emcee nang agawin ko sa kaniya ang mic. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan na ikinamaang niya.
“I have a boyfriend, so we won't do that,” sabi ko na ikinatahimik ng lahat. “Tsk.” Ibinalik ko sa emcee ang mic at umirap ulit.
“Alright, so ito na nga, magkakaroon kayong dalawa ng trip to Palawan to have a date for 3 days!”
Mas nagulat ako sa balita ng emcee. I looked at him with disbelief. Is that the surprise he was saying a while ago? What kind of surprise was that?
“Sana all!” sigaw ng iba na lalo kong ikinainis.
Napatingin na naman tuloy ako kay Civrus. Nakatayo na siya at hawak ng mga kaibigan, mukhang inaawat.
Shit, I know Civrus. Alam kong umpisa palang ayaw na niya kay Henzo. Siguradong nagseselos siya kay Henzo.
“Matilda,” tawag sa akin ni Henzo kaya napatingin ako sa kaniya.
“You can have your seat there,” sabi ng emcee at itinuro ang pang-king and queen na trono. “Mayamaya ay kayong dalawa lang ang puwedeng sumayaw sa isa't isa.”
This is really f**k. Masasaktan ang boyfriend ko!
“No, hindi, ayoko,” sunod-sunod na sagot ko at mabilis na lumakad pababa ng stage kaya natigilan ang lahat. Tumigil ako saglit at humarap ulit sa emcee at kay Henzo na nakakunot noo na. “Manghatak na lang kayo ng ibang babae diyan sa loob!” I shouted at itinuro ang pinto.
“But Ms. Matilda, hindi na puwede!” sagot ng emcee pero hindi ko na siya pinansin.
“Ang arte naman!”
“Be matured enough naman.”
“Alright, hayaan na muna natin si Ms. Matilda ngayon, babalikan din natin siya mamaya. Puwede ka na ring bumaba muna, Mr. Henzo. Magsaya na muna tayo sa mga palarong nakahanda para sa inyo!”
Nawala na sa akin ang atensyon ng lahat kaya tumakbo na ako papunta kay Civrus.
Nakita ko siyang napalakad na rin pasalubong sa akin. Niyakap ko agad siya nang makalapit ako.
“Sorry,” mahinang sabi ko.
Humigpit ang yakap niya sa akin at hinalikan ang ulo ko. “It's okay, naiinis lang ako sa Henzo'ng ’yan. Naiirita ko kapag nakikita ko kayong magkasama. Parang gustong-gusto niya pang mag-partner kayo ngayon,” inis na sagot niya.
“Kaya nga umayaw ako, alam kong magagalit ka,” sagot ko naman.
Humiwalay siya sa yakapan namin at tinitigan ako. “That's okay, I love you,” bulong niya at mabilis akong hinalikan.
“Ayan bro, okay na ha! Susugod ka pa kanina e!” rinig kong sigaw ni Sael.
“Ayoko ’yung trip trip sa Palawan na ’yan tapos kayong dalawa lang? Matilda, no!” inis na namang sabi niya pagkatapos niyang humalik sa akin. “Baby, no, huwag kang pumayag. Masasapak ko ang lalaking ’yon!” parang iiwang batang dugtong niya.
“Shh, hindi, ako bahala ro'n,” sagot ko at nginitian siya.
Tumango naman siya at kinurot nang mahina ang pisngi ko. Napatigil siya nang mapatingin siya sa likod ko. Hinawakan niya ako at hinila papunta sa tabi niya. Tumaas na naman ang kilay ko nang makita ko si Henzo sa harap namin.
“What now, jerk?” inis na tanong sa kaniya ni Civrus. Seryoso lang siyang tinitigan ni Henzo at tumingin sa akin. “Tuwang-tuwa ka pa, e 'no? Ano ba talagang gusto mong gago ka?” tanong ni Civrus kaya napatingin ako sa kaniya.
Bakit parang mas malalim naman ang pinaghuhugutan nito ng galit?
Nginisihan lang siya ni Henzo. “Hindi ko kasalanan na mas nauna ako sa 'yo,” sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
I can't really understand him. Ano nga ba talagang gusto niya? Parang nananadya pa siya!
“Kung hindi ka ba naman gago, 'no? Layuan mo ang girlfriend ko, ha. Nagdidilim ang paningin ko sa 'yo,” galit na sagot ni Civrus at hinigpitan ang hawak sa akin.
Hindi siya sinagot ni Henzo at tumingin lang sa akin. Inirapan ko siya at inilingan.
“Alam n'yo, tama na,” pigil ko sa kanila at hinawakan sa braso si Civrus. “Tama na, bumalik na tayo.” Tinitigan niya muna nang matalim si Henzo bago tumango at hinila na ako.
“Matilda!” tawag na naman ni Henzo sa 'kin kaya napapikit na 'ko nang mariin.
“Hindi mo 'ko puwedeng iwan na lang basta sa ere! You are my queen!”