— Matilda —
“Talaga bang nananadya ka?” galit na tanong ni Cirvus at binalikan pa si Henzo matapos ng sinabi niya.
“C-Civrus!” gulat na awat ko sa kaniya at agad siyang pinigilan. “Sael!” tawag ko naman kay Sael para matulungan ako sa pagpigil dahil baka makipag-away pa ’to. Nakainom pa naman na siya.
“No, totoo naman, 'di ba? She's my queen. My Queen Hollowxia, hindi na siya puwedeng mag-back-out,” seryosong sagot lang ni Henzo. “Anyway, hindi ikaw ang kailangan ko Civrus. Si Matilda,” dugtong niya sabay tingin sa 'kin saglit.
“And so? Stay away from my girlfriend, asshole!” inis na sagot ni Civrus habang kumakawala sa hawak ko pero hindi ko siya hinayaan. “Hindi siya sasama sa 'yo, lalong lalo na sa Palawan! At hinding-hindi siya puwedeng makipagsayaw sa 'yo!"
“Wala ka namang magagawa ro'n, dude,” cool lang na sagot ni Henzo kaya napabuntong hininga na lang ako.
Ano ba talagang gusto niya?
“Damn you!” galit na dinuro ni Civrus si Henzo at hinawakan ako nang mahigpit.
“Civrus, tama na, ako na ang kakausap sa kaniya,” pigil ko kay Civrus kaya napatingin siya sa akin. “Please, baby? Huwag na tayo gumawa ng gulo rito. Don't worry, wala namang ibang hindi magandang gagawin sa 'kin si Henzo, right Henzo?” pangungumbinsi ko sa kaniya sabay tingin kay Henzo.
“Of course, Matilda,” seryosong sagot niya.
“See? Kami na ang mag-uusap, umupo ka na lang muna ro'n,” sabi ko at hinawakan ang pisngi niya. “Don't worry, kaya ko ang sarili ko. Calm yourself first, nakainom ka na rin,” dugtong ko pa at mabilis lang siyang hinalikan. “Mahal naman kita.”
“F-Fine,” sagot niya at tumango. Dahan-dahan namang lumalambot ang expression niya. “I love you, too.” Tumango ako at tumingin kay Sael. “Balikan mo 'ko, ha?” sabi niya na ikinatango ko ulit. Tinaliman niya muna ng tingin si Henzo bago tumalikod.
Agad naman akong humarap kay Henzo at inirapan siya.
“Ano ba? Gusto mo ba ng gulo?” singhal ko agad sa kaniya na ikinailing niya. “So ano 'tong ginagawa mo? Alam mong mainit na ang dugo sa 'yo ni Civrus pero ikaw pa rin 'tong lapit nang lapit!” inis na dugtong ko pa.
“Tsk, si Civrus ang mukhang tangang kung ano-ano na lang ang sinasabi. Huwag ako ang pagsabihan mo,” inis din na sagot niya at ginulo ang buhok.
Tumaas ang kilay ko. “I don't really understand you. Ano ba talagang gusto mo? Kung puwede lang, after nito, layuan mo na ako,” sabi ko na ikinatigil niya.
Nagtagis ang bagang niya at agad na umiling. Napapitlag ako nang hawakan niya ang wrist ko at agad na hinila.
“And where are we going?” nakamaang na tanong ko habang hinihila niya 'ko.
Sumenyas siya kaya tiningnan ko kung sinong sinenyasan niya. Ang emcee ’yon na agad napangiti nang makita kami.
“Okay, alright, it's time for the dance! Ms. Matilda is back together with his King Henzo. Kung puwede lang, hayaang sa gitna sumayaw ang dalawa at sa gilid-gilid na lang kayo,” sabi niya na ikinataas na naman ng kilay ko.
“Henzo, ayoko!” angal ko pero hindi niya ako pinansin at dinala lang sa gitna.
“Makikipagsayaw ka sa 'kin, sa ayaw at sa gusto mo,” seryosong sagot niya at tumigil nang makarating na kami sa gitna.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at ipinatong sa magkabilang balikat niya. Humawak siya sa baywang ko at seryoso akong tinitigan.
Napapikit na lang ako nang mariin dahil sa ginagawa niya. Luminga-linga pa ako dahil baka biglang sumugod si Civrus. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa kaba, hindi ko maintindihan.
Damn, bakit ba ganito?
“Henzo, alam mo, tama na—” natigilan ako nang pisilin niya ang baywang ko. Nakagat ko na lang ang labi ko at napayuko.
Damn, naiinis na 'ko! Bakit ba siya ganito? Hindi ba siya marunong dumistansya? Oo, kami nga ang King and Queen pero hindi niya ba kayang maging considerate at hayaan na lang akong umayaw rito? Nakakainis!
“Matilda, look at me,” mariing utos niya kaya matapang ko siyang tinitigan. “Look, sorry, I just want to have a dance with you...” mahinang sabi niya at mas lumapit pa.
I heaved a sigh.
“Bakit na naman, Henzo? Kung kailangan mo ng pera, bibigyan kita! Layuan mo lang ako,” mariin namang sagot ko habang masamang nakikipagtitigan sa kaniya.
Umigting ang panga niya at suminghap.
“Mukha ba talagang pera ang tingin mo sa 'kin?” matabang na tanong niya na ikinaiwas ko ng tingin. “Yes Matilda, noong una, pero ngayon, hindi na. Huwag mo naman akong torture-in nang ganito,” pahina nang pahinang sagot niya na ikinataas ng kilay ko.
Torture? Seriously? Ako pa ang nangto-torture dito? Siya nga 'tong hindi kayang i-respect ang relasyon namin ni Civrus!
“Anong torture sa sinasabi ko? Tell me, Henzo!”
“Nasasaktan ako! Alam mo ’yon?” Natigilan ako sa sagot niya.
Umiling ako at ibinaba na ang kamay ko. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at agad na tumakbo palayo.
Ayoko nito. Ayoko 'tong mga sinasabi niya. Ayoko nitong nararamdaman ko at naiisip ko sa pinapakita niya. Hindi dapat ganito.
“Matilda!”
Napatakbo pa ako lalo nang marinig ko ang sigaw ni Henzo. Binalikan ko si Civrus pero wala na siya ro'n sa puwesto namin kanina.
“Sael? Where's Civrus?” tanong ko kay Sael na saktong nakita kong dumaan.
“Oh, Matilda. Hinahanap ka namin kanina pero 'di ka namin mahanap kaya pinauwi ko na kina Ced si Civ, lasing na lasing na kasi, tutumba na,” sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
“Uminom na naman?” Tumango siya. “Damn, sige, thank you!” sagot ko at tinalikuran na siya.
Tumakbo ulit ako palabas na ng auditorium. Nakahinga ako nang maluwag nang makalanghap na ako ng sariwang hangin. Madilim na at sobrang lamig dito. Naglakad na lang ako at napabuntong hininga.
“Matilda!”
Nanlalaki mata akong napalingon sa likod at si Henzo na naman ’yon na tumatakbo palapit sa akin.
“Ano ba? Hindi kita gustong makausap!” sigaw ko sa kaniya at tumakbo ulit.
“Matilda, wait!” Hindi ko siya pinansin at nanakbo lang. “Matilda!” Napatigil ako nang mahawakan na niya 'ko. “Talk to me, please?” parang nagmamakaawang sabi niya at hinawakan ako sa balikat.
“What now?” taas kilay na tanong ko at tinabig ang kamay niya. “Ano ba talaga?”
“Tang ina naman!” napasigaw na siya at napasabunot sa sarili niyang buhok kaya medyo napaatras ako.
“What?” sigaw ko rin at tinulak siya sa balikat. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin! Tell me, Henzo! Tell me!” sigaw ko hanggang sa maramdaman ko ang mahinang pagpatak ng tubig sa balat ko.
Napatingala ako at napamaang dahil umaambon na.
“G-Gusto kita! Gustong gusto!”
Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya pareho kaming nabasa. Napanganga ako at tinitigan siya. Umiling-iling ako sa kaniya at tatalikuran na sana siya pero pinigilan na naman niya ako matapos akong hawakan sa kamay.
“H-Hindi! Huwag ako, Henzo. Alam mong hindi na puwede,” sagot ko sa kaniya at tinulak-tulak siya. “Henzo, huwag na lang ako. Henzo, please...”
Bakit ako pa? Paanong nagustuhan niya 'ko?
“Sinabi ko lang, Matilda! Gusto mong sabihin ko 'di ba?” sagot niya at hinapit pa ako palapit sa kaniya. “Huwag mo 'kong pagbawalan dahil hindi ko naman mapipigilan ’to!” sigaw niya habang nasa ilalim pa rin kami ng malakas na ulan.
“Henzo, Henzo, bitiwan mo na ’ko. Gusto ko nang umuwi,” umiiling na pakiusap ko. “Please, Henzo.”
Ayoko nito. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito lalo na't nararamdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko na dapat ay kay Civrus lang titibok.
“Matilda...” tawag na naman niya sa 'kin at hinawakan ang mukha ko. “Matilda, gusto kita, gustong gusto kita. Hindi ko kayang pigilan, Matilda. Huwag mo 'kong pilitin,” malakas na sabi niya para marinig ko siya. Umiling-iling ulit ako pero ipinatong na niya ang noo niya sa noo ko. “Sorry, sorry ha kasi ginusto kita. Sorry, Matilda, sorry!”
“A-Ano bang sinasabi mo? Lumayo ka nga sa 'kin!” inis na sigaw ko dahil ayoko nitong mga sinasabi niya.
Sinubukan ko rin siyang itulak pero hindi niya hinayaan ang sarili niya na matulak ko.
“Huwag mo 'kong sabihang layuan ka kasi hindi ko kaya! Ikaw lang ’yung lagi kong hinahanap-hanap!” sigaw niya na ikinapikit ko nang mariin.
“M-May boyfriend na 'ko, tigilan mo na ako,” sagot ko habang hindi nakatingin sa kaniya. Sinubukan ko siyang itulak ulit pero hindi niya talaga 'ko hinahayaan. “Ano ba?”
“Alam ko... alam ko, at naiinggit ako sa kaniya,” sagot niya habang deretsong nakatitig sa akin.
Shit, bakit ba kailangang dumating sa ganitong point? Naguguluhan ako! Bakit kailangang ma-fall pa siya?
“Tama na!” sigaw ko at malakas siyang tinulak. Pinagtutulak ko lang siya at hinahayaan niya na ako. “Tama na! Tigilan mo na ako at layuan mo ako kung ayaw mong magkagulo kayo ni Civrus! Please lang, Henzo!”
Tinalikuran ko siya at tatakbo na sana muli pero mabilis na naman niya akong nahigit pabalik at...
Fuck!
Hinalikan niya 'ko!
Gulat akong napahawak sa mukha niya para itulak ’yon pero mahigpit din ang hawak niya sa mukha ko.
F-f**k, hindi puwede ’to! Dammit!
Bumaba ang kamay ko sa balikat niya. Kinurot kurot ko ’yon para ipaalam na ayoko nitong ginagawa niya.
Kapag nalaman ’to ni Civrus, siguradong... damn! Like, what the f**k!
Hinampas-hampas ko na ang balikat niya nang palalimin niya pa ang halik namin. Mas nanlaki ang mata ko nang magsimulang gumalaw ang labi niya habang nakapikit pa siya.
Bigla na lang tumulo ang luha ko, hindi ko alam kung bakit! Napatigil din ako sa pagpupumiglas habang sobrang lakas pa rin ng pagbuhos ng ulan.
Dahan-dahan kong naramdaman ang pagbagal ng halik niya. Mayamaya pa ay dumilat na siya at tumigil. Agad ko siyang naitulak palayo at mukhang doon lang siya natauhan sa ginawa niya.
Napailing na naman ako sa kaniya at dahan-dahang umatras. Wala akong masabi sa ginawa niya! Siya naman ay napahilamos sa mukha kahit nababasa pa rin ’yon.
“M-Matilda, sorry... sorry...”