Chapter Sixteen

1837 Words
— Matilda — “M-Matilda, s-sorry!” Napaatras agad ako nang akmang lalapit sa akin si Henzo matapos ng ginawa niya. Umiling-iling ako. “H-Henzo, tama na!” sigaw ko at agad na tumalikod. Tumakbo ako palayo mula sa kaniya. “Matilda!” malakas ding sigaw niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon pa. Bakit niya ba ginawa ’yon? Nag-iisip ba siya? Like, what the f**k? Am I a cheater? I have a boyfriend for f**k's sake! Bakit kasi ako pa? Napatigil ako sa pagtakbo at sumilong na nang maalala kong hindi ko pala dala ang kotse ko. Napahawak na lang ako sa tapat ng dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng t***k nito. Tinawagan ko na lang ang driver ko na sunduin na lang ako. Wala na akong balak bumalik sa party. Babalik pa ba ako nang ganito ang itsura? Ilang minuto lang at dumating na ang driver ko. “Ma'am, ano po nangyari sa 'yo?” gulat na tanong niya habang pinagbubuksan ako ng pinto. “Stop asking and just drive!” sigaw ko at basang-basang pumasok sa loob. “Nasa bahay ba sila mom?” I asked. “Wala po, ma'am. May sakit din po si Sir Mathew, kanina pa po mataas ang lagnat.” Agad nangunot ang noo ko sa sagot niya. “Ayaw niya rin pong kumain, hinahanap niya ang parents n'yo at ikaw po.” “What? Bakit hindi n'yo pa dinala sa hospital? Mga bobo ba kayo?” inis at pasigaw na tanong ko sa kaniya na ikinahimik niya. “Faster!” Binilisan nga niya ang pagda-drive hanggang sa makarating na kami sa bahay. Lumabas agad ako ng kotse kahit umuulan pa rin. Tumakbo ako papasok ng bahay. Baka kung ano na nangyari kay Mathew. Ang bobobo naman kasi ng mga taong naiwan dito! “Ma'am Matilda, si Sir Mathew po—” Napatigil agad ang maid na sumalubong sa akin nang malakas ko siyang sampalin. “All of you are stupid!” I shouted at masamang tiningnan ang lahat ng maid dito. “Give me a towel!” malakas na utos ko kaya kumilos agad ang isa. Nagbigay siya ng isang towel sa akin. Kinuha ko ’yon at pinunasan ang sarili ko habang lakad-takbo na sa pag-akyat. Nagmadali akong pumasok sa kuwarto ni Mathew. “Mathew!” tawag ko sa kaniya. Nakahiga siya sa kama at balot na balot ng comforter. Tiningnan ko ang temperature ng air-con pero patay naman na pala ’to. “Mathew, Mathew...” Mabilis akong umupo sa kama niya at hinipo ang leeg niya. “Napakainit mo! Dadalhin na lang kita sa hospital.” Parang bigla akong nataranta at ibinaba ang comforter niya. Paano sisingaw ang init niya kung naka-comforter siya? “A-Ate?” bulong niya habang nakapikit. Sobrang putla niya! “A-ate a-ayoko, d-dito na lang ako. A-Alagaan mo 'ko ate,” dugtong niya at dahan-dahang itinaas ang kamay niya para mahawakan ako. Kumunot ang noo ko at inilingan siya. Hinawakan ko rin ang kamay niya. “Pero sobrang taas ng lagnat mo, paano na lang kung may masamang mangyari sa 'yo? Huwag kang makulit, Mathew!” inis na sagot ko pero dahan-dahan lang siyang umiling. “Fine! Hindi ka raw kumakain. Wait, papadalhan kita ng pagkain.” Umiling na naman siya na lalo kong ikinainis. “Kakain ka, Mathew! Pipilitin mo.” Tumayo ako at sumilip sa pinto. “Jena!” sigaw ko sa pangalan ng isang maid. Rinig ko agad ang patakbong yabag niya papunta rito. “Ikuha mo ng makakain si Mathew, now na and make it fast!” Bumalik ako sa kama ni Mathew at umupo sa gilid. Tinanggal ko ang comforter niya kaya napadilat siya. “Ate, m-malamig...” “Hindi sisingaw ang init ng katawan mo kung magtatalukbong ka lang diyan,” seryosong sagot ko. “A-Ate, basang-basa ka...” sabi naman niya. “Paano mo ako mayayakap kung basa ka?” tanong niya na ikinaataas ng kilay ko. Yakap? Really? “Magpapalit lang ako, hintayin mo ang pagkain mo.” Tumango siya kaya mabilis na akong lumabas ng kuwarto niya. Nagpalit ako saglit ng pantulog at bumalik sa kuwarto niya. “Ma'am, heto na po,” si Jena ’yon na naabutan kong dala-dala ang tray ng pagkain. “Out,” utos ko nang makuha ko na ang tray. Tumango siya at agad na lumabas. “Umupo ka na,” sabi ko kay Mathew. Inilapag ko na muna ang tray at inalalayan siyang makaupo. “Ano bang nangyari sa ’yo at nagkasakit ka? Alam ba ’to nila mom?” tanong ko na ikinailing niya. “My God, Mathew! Tingnan mo ang sarili mo, putlang-putla ka at nanghihina!” Sayang naman ang kaguwapuhan mo. “S-Sorry, ate...” bulong niya, halatang hinang-hina. “L-Lagnat lang ’to, gagaling din agad ako.” “Siguraduhin mo lang! Naiinis ako sa ’yo," nakabusangot na sagot ko at inayos ang buhok niya. “Heto na, kumain ka na.” Kinuha ko ulit ang tray ng pagkain. Sinubuan ko siya nang kaunti at dahan-dahan niya namang nginuya 'yon. “A-Alam mo ba ate, narinig ko si mommy kahapong umiiyak,” sabi niya na ikinatahimik ko. “Paulit-ulit niyang sinasabi ang pangalan mo. S-Sorry siya nang sorry... Nasasaktan din daw siya sa mga pagsagot-sagot mo sa kaniya.” Napairap ako sa sinasabi niya at tinuloy lang ang pagsubo sa kaniya ng pagkain dahil ano bang pake ko sa kanila? Where's my f*****g pake? Umubo-ubo siya bago ako hinawakan na naman. “A-Ate, sana magkaayos na kayo nila mom and dad. Sana hindi na kayo magsigawan lagi,” bulong niya habang matamlay na nakikipagtitigan sa akin. “Ate please, patawarin mo na kami sa anumang kasalanan namin sa ’yo...” Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim dahil sa sinasabi niya. Heto na naman siya. Wala siyang alam. “Masaya naman na kayong wala ang presence ko, 'di ba? Para saan pa, Mathew? Pinili rin naman nilang maging ganito kami, ha? Pinabayaan nila 'ko at napabayaan ko na rin ’yung respeto ko sa kanila. Napagod akong intindihan kayo, Mat. Ang hirap-hirap,” mahinahon at mahinang sagot ko at saka siya sinubuan ulit. “Kumain ka nang marami, ha.” Nilunok niya muna ang sinubo ko bago nagsalita muli, “P-Pero, ate.. Hindi naman talaga masaya kapag wala ka, e. Oo, masayang mamasyal at makasama sila, pero ramdam na ramdam ko ’yung kulang kapag wala ka, kapag hindi ka kasama.” Napamaang ako nang biglang tumulo ang luha niya. “Ate, ikaw ’yung hinahanap ko...” “Bakla ka ba?” inis na tanong ko at pinunasan ang luha niya. “Ikaw lang ang may gusto pero sila, hindi. Ayaw nga nila sa 'kin, 'di ba? Galit sila sa 'kin, sa buong ako— lalong lalo na sa ugali ko,” mariing sagot ko na ikinailing niya. Ito na naman kami sa usapang 'to. “P-Paano kung sabihin kong, laging napapatanong si mom and dad sa isa't isa kung kumusta ka na ba, anong ginagawa mo, galit ka pa rin ba, paano sila makakabawi, paano na ang pamilya natin?” Nangunot ang noo ko sa sinasabi niya. “Ayan ang laging tanong nila kapag magkakasama kami tapos wala ka. Ate, iniisip ka nila.” Totoo? Parang hindi naman. Tapos, parang gusto pa nilang palabasin na ako ang dahilan kung bakit kami nagkakagulo ha? Sorry ha, sobrang kitid ng utak ko. Ganito talaga kapag nasasaktan. “Tsk, manahimik ka na. Ubusin mo na ’to,” sagot ko at nagsandok ulit ng isusubo ko sa kaniya. “Please lang, Mathew. Ayokong pag-usapan sila,” mahinahong pakiusap ko kaya wala na siyang nagawa kun'di ang tumango. Naubos na ang pagkain niya kaya inilapag ko na ulit ’yon. Kinuha ko muna ang gamot sa gilid at pinainom sa kaniya ’yon. Sumampa na ako sa kama niya at pumunta sa tabi niya. Pinapanood niya lang ako kaya napatingin ako sa kaniya at nagtaas ng kilay. “A-Ate, bakit?” nagtatakang tanong niya. Hinawakan ko naman siya at gano'n pa rin ang init niya. “Sasamahan na lang kitang matulog dito,” sagot ko at humiga na. “Humiga ka na, yayakapin kita para hindi ka malamigan,” sabi ko at tinapik ang braso kong nakalahad sa kama. Dahan-dahan siyang ngumiti at tumango. Humiga na siya sa braso ko kaya agad ko siyang niyakap nang mahigpit. “Goodnight, Mathew, sleep well and get well soon,” bulong ko at hinalikan ang ulo niya. I'm sorry, baby... “Goodnight, ate. Thank you,” sagot niya at yumakap din sa akin pabalik. Huminga muna ako nang malalim bago pumikit. ***** Nagising akong tulog pa rin si Mathew sa tabi ko at madilim pa rin sa labas. Dahan-dahan kong tinanggal ang yakap niya at bumaba mula sa kama. Hinawakan ko muna siya at hindi na siya gano'n kainit, siguro mamaya obukas ay magaling na siya. Lumabas ako ng kuwarto niya at nagulat na lang ako nang bumungad agad sa labas sila mom and dad. Tinaasan ko sila ng kilay pero ngayon, hindi ko makitaan ng galit ang mukha nila. Tsk, syempre, inalagaan mo ’yung baby boy nila e. “Anak, thank you for taking care of your little brother,” sabi ni dad na muntik ko nang ikatawa. Ilang years ko na nga ulit huling narinig na tawagin nila akong anak? Ah, 14 years ago. “Easy...” mayabang na sagot ko at ngumisi. “Anak—” natigilan si mom nang mag-ring ang dala-dala kong phone. Tiningnan ko lang sila at nilagpasan na. Pumasok na muna ako sa kuwarto ko bago sinagot ang tawag na hindi man lang tinitingan kung sinong caller. “Matilda...” “Henzo?” gulat na tanong ko nang mabosesan ko siya. “H-How did you get my number?” napapasinghal na tanong ko at pumunta sa balcony. “I asked Dessie. Sorry, Matilda,” sagot niya na ikinatahimik ko. Ibang-iba ang tono ng boses niya, halatang sincere. “You're crazy, why did you do that?” tanong ko naman at niyakap ang sarili ko dahil malamig dito. “H-Hindi ko na-control ang sarili ko. I'm very sorry, please, forgive me. Hindi ako makatulog sa kakaisip sa ’yo! Ayokong matulog na galit ka sa ’kin,” sagot naman niya na ikinairap ko. “Alam mo, ang gulo-gulo mo. Bakit ako pa, Henzo?” Nagkagusto ka ba sa ’kin dahil marami akong pera? Dahil may makukuha ka sa 'kin? My gosh! Huwag niya lang subukang sirain ang relationship namin ni Civrus. “Sorry, sorry,” paulit-ulit siyang nag-sorry kaya sumasakit na ang ulo ko sa kaniya. “I... I just like you,” dugtong niya na ikinapikit ko na naman. “Maling mali kasi ’yung ginawa mo. Alam mong may boyfriend ako!” “I'm sorry...” tipid na sagot niya na ikinairap ko. Honestly, ang awkward-awkward pakinggan na inaamin niyang gusto niya ako. Parang dati lang, nagkakainisan lang kaming dalawa. “Kung hanggang sorry lang ang sasabihin mo, better end this call.” Ang hirap-hirap mong kausapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD