— Matilda — This day na ang libing ni Civrus—November 24. Nandito na kami ngayon sa cemetery. Marami na namang nakilibing dahil malapit lang naman itong cemetery. Nalulungkot lang ako dahil wala talagang lumilitaw na kamag-anak ni Civrus. Ano nang ganap ng mga relatives niya sa mommy niya? Tsk. Imposibleng hindi nila alam na patay na si Civrus. Masaya pa rin naman ako na marami pa ring pumunta hanggang sa huling hantungan niya. Ngayon, tanggap na tanggap ko na talagang wala na siya. Wala na ang boyfriend ko. Tama si Henzo, kung mas tatanggapin ko, hindi na ako mahihirapan. Kaya ngayon, wala nang bigat sa dibdib ko. Masaya na lang ako para kay Civrus, alam ko namang kasama niya na ngayon ang mommy niya. “Civrus, thank you and I will always thank you. Thank you for loving me. Thank you

