— Matilda — “What the hell are you doing here?” mariing tanong ni Henzo kay Grenda. “Do you really know what kind of job is this? Do you like it or you are just forced to do this?” Umiling-iling si Grenda at sa tantya ko, naiiyak na siya. Iyaking bata, ang galing makasayaw iiyak din naman. “S-si mama k-kasi e,” nauutal na sagot niya na ikinataas na lang ng kilay ko. “What about your mother?” seryosong tanong na naman ni Henzo. “Let us talk to your mother. You don't deserve this kind of job,” dugtong niya pa at tiningnan ako. “Let's go, umalis na tayo rito.” “Okay—” “Before you leave my bar, let me talk to my girlfriend first.” Pare-pareho kaming natigilan sa akmang paglakad nang may humawak sa akin sa braso. Hinarap ko ang taong ’yon at nainis agad ako nang makilala ko siya. “What

