— Matilda —
“Ready?” Napalingon ako kay Henzo nang lumabas na siya mula sa isang pinto.
“Ganiyan ka lang? Like, ayoko ngang sumama sa 'yo,” tanong ko nang makita ko ang suot niyang sando na ang haba ng butas sa gilid. “Ang cheap, Henzo, hindi ako bagay na sumama sa 'yo.”
“Damn! Mababaliw na 'ko sa kaartehan mong babae ka,” napapahagod na sa buhok na sabi niya na ikinairap ko lang. “Let's go, iwan mo na lang ang bag mo rito.”
Tumaas na naman ang kilay ko at tiningnan ang bawat sulok ng maliit niyang bahay. “Ayoko nga! Mamaya, mawala pa 'tong bag ko. Hello, I'm sure that your house is 100% not secure.”
“Matilda naman! Edi dalhin mo lahat ng importante diyan sa bag mo. And hello rin, hindi masasamang tao ang mga kapitbahay ko and I have my house padlock.”
Lakas talaga makipagsabayan ng english sa 'kin, mahirap naman.
Inis akong tumayo at pumunta sa pintong pinasukan niya kanina. I'm sure na kuwarto niya 'yon. Binuksan ko 'yon at sumilip sa loob. Mabango at maayos naman, hindi marumi. Maliit lang din ang kama niya habang may isang bintana lang.
Inilapag ko na lang ang bag ko sa kama niya at lumabas na. Nakita ko si Henzo na naghihintay na sa labas ng bahay niya kaya sumunod na ako. Ni-lock niya muna ang pinto ng bahay bago ako hinila.
“O, Henzo, nobya mo?” Otomatikong tumaas ang kilay ko sa matandang babaeng nagtanong niyon kay Henzo. May hawak siyang walis at nasa tapat siya ng bahay na katabi lang ng bahay ni Henzo.
Napatingin ako kay Henzo at nginiwian siya. As if naman na papatol ako sa lalaking 'to? Alright, he's handsome and attractive but— ew, again, ew.
“Ah, hindi po Aling Sesang. Kaibigan ko po, si Matilda,” sagot ni Henzo at mahina akong tinulak na para bang sinasabing makipag-usap ako nang maayos.
Napairap ako bago ngumiti. “Matilda po,” pakilala ko at nginitian muli siya.
“Napakagandang bata. Sige, balitaan n'yo na lang ako kung kayo na, ha.”
Ha, baliw? Tsismosa si Aling Sesang, argh!
Kinurot ko si Henzo para iparating na gusto ko nang umalis doon kaya agad siyang nagpaalam sa matanda at hinatak na ako sa kung saan.
“O, pare? Shota mo?”
Damn, like damn!
Tinaasan kong muli ng kilay ang lalaking mukhang kasing edad lang ni Henzo. Naka-topless at may hawak na bola ng basketball. May tatlo pa siyang kasama sa likod.
“Naks naman, pare! Ganda, ah.”
“Hindi ah,” sagot ni Henzo kaya napatingin ako sa kaniya. “Una na kami. Sali ako sa laro n'yo mamaya.”
Akala ko, ipapakilala niya ang napakaganda kong pangalan, psh.
“Sige, ingat!”
“Mga tsismoso't tsismosa mga tao rito,” pairap na bulong ko habang naglalakad kami ni Henzo. Napa-tsk lang siya kaya inirapan ko ulit siya. “Saan mo naman ako dadalhin?”
“Kahit saan,” sagot niya at nagkibit balikat. “Gusto mo sa langit?” nakangising tanong niya na ikinairap ko na naman at hinampas siya nang malakas. “Kidding,” natatawang sabi niya at hinila na ulit ako.
“Gutom ka pa ba?”
“Medyo,” sagot ko at tumingin sa paligid.
“Magtaho muna tayo.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at nagpahila na lang sa kaniya. Tumigil kami sa tapat ng isang taho vendor.
I know what Taho is, pero kahit isang beses ay hindi pa ako nakakasubok uminom o kumain niyon. Wala namang gumagalang taho vendor sa Village namin, e.
“Pabili po ng tig-ten pesos,” sabi ni Henzo at naglabas ng 20 pesos. “Pakiramihan na lang po ng s**o sa isa,” sabi pa niya sabay tingin sa akin. “Ikaw?"
“A-Ako?” parang tangang tanong ko na ikinatango niya. Napatingin tuloy ako sa nilalagay ng vendor sa taho. “A-Ah, sige po, pakiramihan na rin ng akin,” sabi ko na ikinatango nito.
Hindi ako sure kung malinis ang tahong 'to, tsk! Iinumin ko ba? Huwag na lang kaya? Hmm...
Ibinigay na nito ang taho kaya binayaran na siya ni Henzo. Kinuha ko ang akin at tinitigan na muna ito.
“Tara, maglakad-lakad muna tayo," 'aya niya sa akin kaya tumango na lang ako at naglakad kasabay siya. “Bakit hindi mo pa iniinom?” kunot noong tanong niya habang sumisimsim.
“Malinis ba 'to?” nakangiwing tanong ko na ikinangiwi niya rin.
“Malinis 'yan, ano ka ba naman Matilda?” inis na sagot niya na ikinakibit balikat ko.
“Malay ko ba, baka sumakit tiyan ko rito,” pairap na sagot ko at humigop nang kaunti. Natigilan agad ako at napatitig sa taho. “OMG, this is so sweet. Tataba ako rito!”
“Hoy, huwag kang maarte. Ang OA-OA mo talagang babae ka,” sita niya sa akin na ikinasimangot ko na lang.
Totoo namang nakakataba ang sweets, ah! Ano'ng OA ro'n?
“Inumin mo na, masarap 'yan sa umaga. Mas mabubusog ka diyan,” sabi niya pa na hindi ko na sinagot.
“Saan na tayo pupunta ngayon?” tanong ko at humigop ulit nang kaunti.
“Balak kong pumunta sa palengke kasi mamimili ako ng mga pagkain ko. Sama ka?”
“What? Are you serious, Henzo?” taas kilay na tanong ko na ikinakunot ng noo niya. “Palengke? As in market? A poor market? OMG, no way,” sagot ko na ikinatigil niya sa paglalakad.
Salubong ang kilay na nilingon niya ako.
“Huwag na nga lang. Mag-isa na lang ako mamaya, tsk!” inis na sagot niya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Siguro inis na inis na 'to sa 'kin. Where's my pake naman?
Ubos na ni Henzo ang taho niya pero heto ako, hindi pa nakakalahati ang taho ko. Inaartehan ko pa ang pag-inom ko, 'no.
Nakita ko ang mga batang naglalaro. Marami sila, ang iba'y may hawak ng saronggola. Ang iba naman ay naglalaro ng habol-habulan, ang iba ay tumatalon-talon sa pinagdugtong-dugtong na rubber bands, malay ko ba kung anong tawag doon.
Sana all masaya ang childhood days. Ako kasi dati, laging nakakulong sa kuwarto at naglalaro mag-isa dahil wala naman akong kalaro, patuloy na naiinggit kay Mathew na maraming laruan kahit baby pa. Simula nang mawala ang atensyon sa akin ng parents ko, lagi na akong galit at mabilis mairita, ewan ko ba.
“Natahimik ka yata,” sabi ni Henzo na ikinakibit balikat ko ulit. “Naiinggit ka?” tanong niya habang nakatingin sa mga bata.
“Ikaw ba? Malamang hindi, malamang ganiyan ka rin kasaya noong bata ka pa,” sagot ko na ikinatawa niya nang mahina at umiling-iling.
“Hindi rin. Kung hindi ko nga nakakausap ang mga batang 'yan, baka hanggang ngayon hindi ko alam kung anong mga laro 'yan.” Kumunot lang ang noo ko sa sagot niya. “Hindi naman ako...”
Tumaas ang kilay ko nang mapatigil siya sa pagsasalita na para bang may masasabi siyang hindi dapat.
“Hindi ano?” tanong ko naman.
Ngumisi siya at umiling-iling. Natigilan naman ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila muli. Lumunok na lang ako at nagpahila.
“Ikaw'ng bata ka, ang kulit-kulit mo! Sinabi nang huwag kang lalabas ng bahay, 'di ba? Umagang-umaga bubwisitin mo 'ko!”
Napatingin ako bigla sa sumisigaw. Nakita ko ang isang babae na kinakaladkad ang isang batang umiiyak. Pinalo-palo niya 'to ng hanger at pabalang na ipinasok sa loob ng isang bahay.
Bakit kailangang saktan ang bata? Hindi ba puwedeng pagsabihan na lang?
“Huwag mo na silang pansinin,” bulong ni Henzo at hinila na naman ako. Tumahimik na lang ako habang sabay kaming naglalakad at magkahawak ng kamay.
Hindi dapat ganito, e, pero sige, hayaan mo na lang Matilda.
Inubos ko na lang ang taho ko at nag-observe pa rin sa Barangay na 'to. Marami talagang taong nagkalat at mga tricycle kahit umaga palang. Ang iba'y rinig na rinig ang tawanan at sigawan. It's really and totally irritating!
“Gutom ka pa rin?” tanong ni Henzo kaya pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Dahan-dahan akong tumango dahil gutom pa nga ko. “T-Tsk, natakaw.” Tinawanan niya ako at hinila muli.
Nag-ring ang phone ko kaya agad ko 'tong kinuha at tiningnan kung sinong caller. I answered the call when I saw Civrus' name.
“Hey, baby, where are you? Kanina pa kita hinahanap dito. Sabi ng mga ka-block mo, hindi ka raw pumasok,” tanong niya agad kaya napatingin ako kay Henzo.
Siguradong magseselos na naman 'to kapag nalaman niyang kasama ko si Henzo.
“Ah, may pinuntahan lang akong importante. Don't worry, pupunta na lang ako sa bahay n'yo mamaya,” sagot ko naman. Si Henzo ay napatingin sa akin habang nakakunot noo.
“Alright, take care, ha,” bilin niya na ikinatango ko kahit 'di niya 'ko nakikita. “I love you...”
“I love you too, bye.” Pinatay ko na ang tawag at tinago muli ang phone ko dahil baka ma-snatch pa 'to rito.
“Civrus?” tanong ni Henzo na ikinairap ko.
“Isn't it obvious?” Napa-tsk na lang siya at dinala ako sa isang vendor na maraming taong nakapalibot at bumibili. “Anong tinda diyan?” tanong ko sa kaniya.
“Mga kakanin 'yan, mamili ka na lang kung anong gusto mo,” sagot niya kaya napatingin ako sa mga sinasabi niyang kakanin.
Mukhang masarap naman ang itsura nila. Masarap nga ba?
“I-Ikaw na lang mamili,” sagot ko dahil malay ko ba sa mga pagkaing 'yan.
Tumango siya at lumapit sa mga tinda. Seryoso siyang tumingin-tingin doon, minsan, kakausapin siya ng mga katabi niya. Hindi naman siya ngumingiti sa kanila pero bakit sa 'kin? Todo ngiti si gago.
“Ouch!” maarteng daing ko nang may nakaapak sa paa ko. “OMG! Are you freaking blind?” tanong ko sa lalaking nasa gilid ko.
Yuck! He's so ugly, mukha siyang adik!
“Miss, sorry ha,” pa-sigang sabi niya at lumakad sa harap ko.
Napaatras ako nang mapansin ang kamay niyang parang hihipo pa sa katawan ko. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang lalaki na ngumisi lang sa 'kin na parang manyak.
“H-Henzo, oh!” sigaw ko kay Henzo kaya napatingin sa akin ang lahat. But, where's my pake?
“What?” tanong niya at lumapit sa akin. Napatingin siya sa lalaking sinasamaan ko ng tingin. “Anong ginawa niya sa 'yo?” seryosong tanong niya.
“Inapakan niya ang paa ko, and he tried to touch me!” sagot ko at kumapit nang mahigpit sa braso niya. “Muntik niya na 'kong mahipuan!” mariing bulong ko.
“Totoo?” tanong ni Henzo sa lalaki. Nag-chin up ang lalaki at lumapit. “Ha, how dare you.” Napanganga na lang ako nang tabigin niya ang kamay ko at hinawakan nang mahigpit sa damit ang lalaki bago 'to hinila palayo sa mga tao.
Nagkagulo at umingay ang lahat nang suntukin ni Henzo ang lalaki. Nanlaki naman ang mata ko, OMG, anong ginawa mo, Matilda?
Pero totoo naman ang mga sinabi ko! That ugly is also a maniac!
Napatakbo ang lalaki matapos niyang makatanggap ng tatlong suntok mula kay Henzo. Hindi pa siya nakakalayo ay pumulot na agad si Henzo ng isang may kalakihang bato at ibinato 'yon sa tumatakbong lalaki. Natumba lang saglit ang lalaki pero dumudugo na ang likod niyang tinamaan, tumayo rin siya at agad na tumakbo ulit.
“Henzo!” tawag ko sa kaniya at nilapitan siya. “Ilabas mo na 'ko rito!” mariing sabi ko habang siya ay masama pa ring nakatanaw sa lalaki.
“Talaga, tara na,” mariing sagot niya at hinila na ako. Naglakad kami pabalik sa bahay niya kaya nakahinga na ako nang maluwag. “Pupunta ka pa sa bahay ni Civrus?” inis na tanong niya na ikinatango ko.
“Oo, mamaya, nasa school pa 'yon ngayon e,” sagot ko at kinuha na ang bag ko.
Tumango na lang siya, sabay kaming naglakad palabas ng bahay niya. Hinatid niya ako sa labasan kaya nagpaalam na ako.
“Bye,” paalam ko na ikinatango niya.
“Bye, take care.”
“Sure.”
“Thank you sa pagsama sa 'kin.”