— Matilda —
Lumiko na naman si Henzo sa likuan kung saan papunta na roon sa karenderya kaya pinarada ko na ang kotse dahil maliit na ang daan doon papasok. Bumaba ako at mabilis na naglakad para masundan pa siya.
I acted normal while following him. Hindi niya dapat mahalatang sinusundan ko siya. Besides, marami rin naman akong nakakasabay maglakad, pero hindi siya puwedeng mawala sa paningin ko.
Kumunot ang noo ko nang mapansing papasok kami sa isang barangay. Pagkapasok namin ay umingay agad ang paligid dahil sa mga magkaka-kapitbahay na nagkukwentuhan sa labas ng kanilang mga bahay. Basta maingay, and I hate it! It was irritating!
Saan naman kaya ang punta niya at bakit siya pupunta sa ganitong klaseng lugar? Little Barangay, really?
Ang ibang tao ay napapatingin sa akin habang tinataasan ko lang naman sila ng kilay. Patuloy kong sinundan si Henzo at buti na lang, hindi siya nawawala sa paningin ko.
Natigilan ako nang pumasok siya sa isang maliit na bahay pero hindi sinara ang pinto. Napaawang ang bibig ko dahil doon.
Don't tell me na doon siya nakatira? Like, what the eff?
Naglakad muna ako papunta sa isang puno para sumilong at pagmasdan ang bahay na maliit lang talaga pero malinis ang labas.
Napatayo ako nang tuwid matapos niyang lumabas nang topless, nakasabit ang isang tee shirt sa balikat niya at may subo-subong sigarilyo. Umupo siya sa tapat mismo ng pinto at nanigarilyo.
Damn, so mahirap nga siya? How come?
Napairap ako at lalakad na sana paalis dahil nalaman ko naman na ang gusto kong malaman pero agad din siyang napatingin sa akin.
Unti-unting nanlaki ang mata niya at napatayo. Naitapon niya ang sigarilyo at nagmamadaling naglakad palapit sa akin.
“M-Matilda? What the hell are you doing here?” tanong niya at hinila agad ako.
Lakas makapag-english, poor naman. Tsk!
“Hey, don't tell me na ipapasok mo ako diyan sa cheap mong bahay? Like, ew!” gulat na tanong ko nang akmang hihilahin niya pa 'ko papasok.
Pilit kong binawi ang kamay ko pero hindi niya ako binitiwan.
“Then bakit ka nandito?” mariing tanong niya at tumigil na lang sa tapat. “Sinusundan mo ba 'ko, Matilda?”
Napamaang ako dahil doon at natatawang umirap. “Ikaw? Susundan ko? Hell, who are you?” taas kilay na tanong ko at nagpunas ng pawis dahil medyo tumataas na ang sikat ng araw.
“Then bakit ka nga nandito? Sino o anong pinunta mo rito?” tanong na naman niya.
Anong isasagot ko? s**t.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko kaya sapilitan kong binawi 'yon. “I... I'm here because...” pilit akong kumakapkap ng reason na puwedeng sabihin kaso, f**k! Wala rin talaga.
“Ah, you are really following me,” tatango-tangong sabi niya at binuksan ang pinto ng bahay niya. “Then get in, Matilda!” mariing utos niya na ikinairap ko at nakangiwing sumilip sa loob ng bahay.
“Ew, ayoko nga,” maarteng sagot ko at tumingin sa paligid.
Malinis naman ang loob ng bahay pero ew pa rin. This house is for poor people only and I'm not poor.
“Napakaarte mo talaga,” inis na sabi niya at tinulak ako papasok na ikinatili ko.
Sinara niya ang pinto at ni-lock 'yon.
Bakit kailangang i-lock? OMG, he will r**e me? Really OMG!
“Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano diyan, tsk,” sabi niya at pinitik ang tainga ko na ikinaangil ko.
“How dare you?” inis na sigaw ko at hinampas ang pagmumukha niya.
“Masakit!” mariing angil niya rin na ikinairap ko lang. Nangunguna siya, e. Pikon naman, tsk! “Umupo ka na nga lang diyan,” utos niya at itinuro ang upuang kahoy na ikinataas na naman ng kilay ko. “Sige, tumayo ka diyan magdamag nang magsilabasan 'yang ugat at muscles mo sa paa.”
Mabilis akong napaupo dahil doon. Like, OMG, I won't let that happen! Pero sa pag-upo ko, sumakit lang ang puwetan ko dahil sa biglaang pag-upo at tigas ng upuan.
Damn this thing!
“Ayan, puro kasi arte,” natatawang sabi ni Henzo nang mapansing nakangiwi ako. “Nag-breakfast ka na?” tanong niya at umiling naman ako. “Hindi ka papasok?”
“Ikaw? Hindi ka papasok? Bakit bumalik ka?” balik tanong ko naman sa kaniya nang maalala kong nanggaling na siya sa school kanina.
“Tsk, suspended ako for three days,” sagot niya na ikinataas ng kilay ko.
“Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?” tanong ko na ikinangisi niya at mahinang tumawa.
“Nakipagsapakan lang naman ako sa Xyrel,” sagot niya habang nakangisi na lalong ikinataas ng kilay ko.
“Ano pa? Hindi ka naman masu-suspend kung ayun lang ang ginawa mo.”
“Tsk, tinutukan ko siya ng gunting. I was about to stab him kung hindi lang ako napigil ng mga guards.” Napanganga ako bigla habang nakikinig sa kaniya.
“Y-You, you what?” nauutal na tanong ko na ikinangisi niya lalo habang may kinukuhang gamit.
“I want him to die, that's why,” sagot niya habang may isinasalang na sa kalan.
Binundol ako ng sobrang kaba dahil sa sinasabi niya. Is he a killer? A serial killer? A psychopath? A crazy man? This is really OMG.
“See, nag-iisip ka na naman ng kung ano-ano,” sabi niya at nag-wave ng kamay sa harap ng mukha ko. “Don't be afraid, hindi kita gagalawin o anuman, hinding-hindi,” seryosong dugtong niya na ikinatahimik ko na lang.
Ano ba talagang klase siyang tao?
Napatingin ako sa niluluto niya at agad na napataas ang kilay. “What is that? Noodles? Pakakainin mo 'ko niyan?” nanlalaki matang tanong ko na ikinatango niya.
No way, I'm gonna die!
“Ito lang ang meron ako rito, huwag ka nang maarte,” sagot niya na ikinairap ko na naman.
As if naman na kakainin ko 'yan, tsk.
Tiningnan ko ang buong bahay niya at tiningnan din ang buong katawan niya. Namula ako habang tinititigan ang maskulado niyang katawan habang topless siya.
Hay! Init.
“B-Bakit dito ka nakatira? So, you are really poor?” pagbasag ko sa sandaling katahimikan.
Sinulyapan niya ako. “Obvious ba, Matilda?” sarkastikong tanong niya na ikinairap ko ulit.
“So, paano ka nakapasok sa TIS?”
“Scholar," tipid na sagot niya habang isinasalin na sa mangkok ang nalutong noodles.
Scholar tapos hinahayaan niyang magkaroon siya ng bad record? Funny.
“I have a favor,” seryosong sabi niya at dinala na ang mangkok.
“What is it?” tanong ko naman at nakangiwing tiningnan ang noodles.
Nilapag niya muna sa maliit na lamesang nasa harap ko ang bowl of noodles bago umupo sa tabi ko. “Wala kang pagsasabihan na ganito ang status ng buhay ko.” Mabilis akong napalingon sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. “Ikaw pa lang at si Fed nakakaalam nito sa School for Pete's sake, Matilda.”
“At bakit ayaw mo namang ipaalam?" tanong ko at pinunasan ang pawis kong tumutulo na. “Sobrang init naman dito,” umaangal na komento ko.
“Tsk, huwag ka nang maraming tanong,” sagot niya at binuksan ang electric fan. “At puwede ba, huwag kang maarte. Alam kong laki ka sa yaman pero huwag mo namang husgahan ang lahat ng gamit at ang buhay ng mga mahihirap dito,” masungit na sabi niya na ikinaikot na naman ng mga mata ko.
“Hindi ko kakainin 'yan,” sabi ko na lang at inusog ang mangkok.
“Alam kong hindi ka kumakain niyan pero kainin mo naman. Alam kong pangmahirap pero sinamahan ko ng pagmamahal 'yan, 'tang ina naman.”
“Anong sinasabi mo diyan?” malakas na tanong ko at hinampas muli ang mukha niya.
“Kidding,” nakangising sagot niya at hinalo-halo ang noodles gamit ang kutsara. “Bago ka mang-judge, tikman mo muna, okay?” sabi niya habang sumasandok ng noodles.
“W-Where's my pake?” taas kilay na tanong ko at tinitigan siya sa ginagawa niya. “Hindi naman ako judgemental, 'no!” apela ko para sa sarili ko.
Tinaasan niya rin ako ng kilay. “Ah, hindi?” I nodded. “Kaya pala halos ayaw mong pumasok dito kanina? Kung ibang tao siguro ang nag-a-approach sa 'yo, aayawan ka na naman dahil sa ugali mo,” seryosong sabi niya na ikinatahimik ko. “No offense, Matilda. Matuto ka sanang tanggapin din at maki-socialize nang maayos sa mga mahihirap o sa tingin mong mas mababa sa 'yo. Pero tandaan mong lahat tayo ay pantay-pantay.”
Napaiwas ako ng tingin at bumuntong hininga. He had a point pero huwag na siyang makialam sa ugali ko. Baka ipamukha ko rin sa kaniyang mukha siyang pera.
“Kung hindi ka papasok, dito ka na lang muna. Samahan mo ako,” mahinang sabi niya at itinapat sa bibig niya ang kutsarang may noodles saka 'yon hinipan-hipan.
“Yay, mas gugustuhin ko pang makasama ang mga maaarte kong kaibigan or si Civrus kaysa sa 'yo,” pairap na sagot ko.
Saglit lang siyang napasulyap sa akin at hindi sumagot. Seryosong seryoso ang mukha niya. Na-offend ko ba siya? Where's my pake?
“W-What are you doing?” mahinang tanong ko nang hawakan niya nang marahan ang baba ko at itinapat sa kaniya ang mukha ko.
“Ahh...” pagpapanganga niya sa 'kin at itinapat ang kutsara sa bibig ko.
Tumibok nang sobrang bilis ang puso ko dahil sobrang lapit na namin sa isa't isa. Ngumanga na lang ako para makalayo na ako pagkatapos nito.
Nilunok ko ang sinubo niya at umusog palayo. “A-Ako na!” pinilit kong patarayin ang tono ko at inagaw ang kutsara. Natawa siya at sumandal na lang.
Bwiset ka, Henzo!
Sumubo ako nang sumubo ng noodles kahit nanonood pa siya. Umayos ako ng upo nang may naisip akong puwedeng itanong.
“Where's your parents? Ikaw lang ba mag-isa rito?” tanong ko at nilingon siya.
Natahamik siya at tinaas ang kaliwang kilay. He pinched the bridge of his nose before he smirked. “Masyado ka nang maraming tanong,” malamig na sagot niya na ikinairap ko.
“Pa-mysterious ka talaga, 'no? 'Kala mo ba kina-cool mo 'yan?” pairap na tanong ko at nagpatuloy sa pagkain. Ayaw pa kasing sabihin.
“Kaya pala interesadong interesado ka na sa 'kin,” nakangising sagot niya na ikinairap ko pa ulit. “Ako naman ang magtatanong,” sabi niya na ikinataas din ng kilay ko.
“Ano naman 'yon?” tanong ko at sumubo ulit. Saktong tumunog ang phone ko kaya agad ko 'tong kinuha. Napabuntong hininga ako nang makitang tumatawag si mom. “What?”
“Where are you? I called one of your classmates to check if you attended your classes. Wala ka raw at absent. Nasaan ka na naman, Matilda?”
Napairap ako bigla at nag-cross arm. “Wala po kayong pake,” mariing sagot ko dahil parang masyado naman na yata silang pahigpit nang pahigpit sa akin.
“Kausapin mo ako nang maayos,” mariin ding sagot niya na ikinairap ko ulit.
“Kinakausap kita nang maayos. Hayaan n'yo ako sa buhay ko dahil pinapabayaan ko naman kayo,” sabi ko at pinatay na agad ang tawag.
Parang nawalan ako ng gana kaya sumandal na ako at tumigil sa pagkain. Naiinis na talaga ako sa kanila.
“Alam kong hindi maganda ang takbo ng relationship mo sa parents mo, bakit?” Napalingon naman ako kay Henzo nang tanungin niya ako. Kinunotan ko siya ng kilay.
“Nasabi ko na sa 'yo 'yan noong nasa kotse tayo," walang ganang sagot ko.
“I know but— argh, kuwentuhan mo na lang ako,” sabi niya pero hindi na ako muling nagsalita. “C'mon, I will listen to you. Total, nandito ka na rin naman, magkuwentuhan na lang tayo.”
Bigla akong natawa at taas kilay siyang nilingon. “Magkuwentuhan? Kaya pala ayaw mong sagutin ang mga tanong ko kanina,” sarkastikong sagot ko.
“Napakahirap mo talagang kausapin,” inis na sabi niya before he pinched the bridge of his nose again. “Tsk, huwag na nga lang,” iritang dugtong niya pa at pumikit na lang.
Napangiwi ako dahil hindi nga talaga kami nakakapag-usap nang maayos. Anong pake ko sa nararamdaman niya? Tsk, tsismoso kasi.
“Si Civrus..” napalingon na naman ako sa kaniya nang magsalita siya. “Matagal na kayong magkakilala?” tanong niya na ikinatango ko. “Kailan pa naging kayo?” kunot noo at seryoso na namang tanong niya.
I shrugged. “Kahapon lang,” sagot ko naman at ngumiti.
Tinitigan niya muna ako bago ngumisi. Tumingin siya sa ibang direksyon at parang bumulong-bulong pa. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka nababaliw lang siya.
So, buong araw lang kami rito sa bahay niya? OMG, this is so boring. I need to get out of here. Wala namang maganda rito sa cheap niyang bahay.
“Aalis na ako, Henzo,” paalam ko at tumayo na. Natigilan naman ako nang hawakan niya ang kamay ko na para bang pinipigilan ako. “What? Huwag mo 'kong piliting mag-stay rito sa bahay mong— ew...”
“Ayan ka na naman sa kaartehan mo. Pinagsabihan na kita, 'di ba?” taas kilay na sita niya sa akin na ikinairap ko lang. “Sabi ko, samahan mo ako. Alam ko namang hindi mo rin gustong pumasok ngayon.”
“Mas gugustuhin ko pa ngang makasama ang mga kulang sa arugang schoolmates ko kaysa sa 'yo,” sagot ko at umirap.
“Pero ikaw ang gusto kong kasama.”
Tinitigan ko muna siya, gano'n din siya at lumaban ng titigan sa 'kin. I tsked before shaking my head.
“Baka hinahanap na 'ko ng boyfriend ko,” sagot ko naman at pilit binabawi ang kamay ko mula sa kaniya pero mas hinigpitan niya ang hawak doon.
“Matilda, please.” Natigilan ako nang makita ko ang malungkot niyang mukha. Inis kong hinampas ang pagmumukha niya at bumalik na sa tabi niya.
Bwiset na lalaking 'to. Parang batang iiwan ng nanay. Sipain ko kaya 'to, tsk.
Ngumisi siya sa akin at inakbayan ako. Napangiwi tuloy ako sa ginawa niya. “Henzo!”
“What? Alam mo, igagala na lang kita rito sa Barangay namin para hindi ka ma-boring,” sagot niya na lalong ikinataas ng kilay ko.
“Oh my gosh, ayoko nga! Dito pa nga lang sa bahay mo, ayoko na, sa labas pa kaya at sa buong barangay n'yo?” maarteng sagot ko na ikinakunot ng noo niya at pinitik ang tainga ko. “Ang hilig mo mamitik! Masakit, ha!”
“Huwag ka kasing maarte. Sa bahay n'yo, mamahalin nga ang mga gamit, pero masaya ba? Sa village ninyo, puro mayayaman nga ang mga nakatira, may kaibigan ka ba? Wala, Matilda,” seryosong sagot niya na ikinatahimik ko.
Sa bagay, he has a point. At naiinis ako dahil totoo ang mga sinabi niya.
Malungkot nga talaga kahit mayaman kami.
“Diyan ka lang, may kukunin lang ako tapos lalabas na tayo.”
Let me retouch myself first.