— Matilda —
Nang umalis na sa harap ko si Henzo ay tumayo na ako para pumasok sa loob at magpalit ulit. Paglabas ko ay nakita ko si Civrus na medyo gumegewang-gewang at parang may hinahanap.
“Civrus,” tawag ko sa kaniya at hinawakan ang braso niya.
“Oh, saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap,” tanong niya at hinawakan na ako para hilahin. “Umuwi na tayo, baka kung ano pa mangyari sa 'yo rito.”
“Kaya mo pa bang mag-drive?” I asked and he nodded. “But you don't look okay. You're drunk, Civrus.”
Umiling siyanat humawak din sa akin. “K-Kaya ko pa, para sa 'yo.”
“Sabi ko naman sa 'yo, huwag ka masyadong uminom at magd-drive ka pa.”
“Ako na ang maghahatid sa inyo.” Napatingin naman kami pareho ni Civrus sa nagsalita na lumapit sa amin.
“Tsk, Henzo, Henzo, Henzo... Huwag na, ako na ang bahala sa girlfriend ko,” natatawang pagtanggi ni Civrus at hinila na naman ako.
“Kung ikaw ang magda-drive, baka mapahamak pa kayo. Really, Civrus? Hahayaan mo siyang mapahamak at sisisihin ang sarili mo kapag nangyari 'yon?” nakangising tanong ni Henzo sabay tingin sa akin.
“So, anong gusto mong palabasin? That I'm an irresponsible boyfriend? Asshole, f**k you!”
“C-Civrus, ano ba?” pigil ko sa kaniya nang akmang aambaan niya ng suntok si Henzo. “Para kang tanga!”
Napatingin siya sa 'kin saglit bago ibinalik ang tingin kay Henzo. Huminga sjya nang malalim at humigpit ang hawak sa akin. Huminahon siya at sinamaan na lang ng tingin si Henzo.
“C'mon, let me drive for you,” pa-cool lang na sabi ni Henzo habang nakangisi.
Umirap ako at binitiwan si Civrus.
Lumapit ako sa kaniya at bumulong, “Baka may kapalit na pera na naman 'to, Henzo?”
“Of course,” nakangising sagot niya na ikinairap ko na naman.
Masyado siyang mukhang pera. Hindi ba siya marunong mahiya? Kalalaking tao niya.
Sino ba talaga siya? Mahirap ba talaga ang isang 'to? Like, tsk!
Inis ko na lang na kinuha sa bulsa ni Civrus ang susi ng kotse at binato sa kaniya 'yon. Ako na ang umalalay kay Civrus palabas. Isinakay ko na sa back seat si Civrus na malapit nang makatulog, sumakay naman ako sa tabi ng driver's seat.
Tiningnan muna ni Henzo si Civrus sa likod bago ini-start ang kotse. “Nagbibiro lang akong pababayaran ko pa 'tong paghatid ko sa inyo,” sabi niya na ikinairap ko muli. “I'm sorry, huwag mo na 'kong bayaran.”
“Mukha kang pera," walang ganang sagot ko. Pansin ko agad ang paghigpit ng hawak niya sa manibela kaya napairap na naman ako. “Mukha kang pera, kalalaki mong tao,” ulit ko pa.
“Go, think what you want to think,” mahinang sagot niya na ikinatango ko lang. “Saan ka ba nakatira?” Sinabi ko na lang kung saan ako nakatira at nanahimik na.
Hindi na ako nagtangkang magsalita dahil pagod na talaga ako. Bumaba agad ako at sinilip muna si Civrus sa likod nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin.
“Ikaw na bahala sa kaniya. I trust you, Henzo. Ite-text ko ang address,” sabi ko na ikinatango niya at mabilis na pinaandar ang kotse.
Pumasok ako sa bahay. Natigilan agad ako nang makita ko si Mathew na nakahiga sa sofa habang nakapikit. Napatingin naman ako sa paligid, patay na ang mga ilaw at halatang tulog na ang mga maid.
Ano pang ginagawa ng isang 'to dito?
Napairap ako at naglakad na palampas sa kaniya. Ginusto niyang matulog diyan kaya wala na akong pake.
“A-Ate? Ikaw na ba 'yan?” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko siya. Nilingon ko naman siya. Dahan-dahan siyang umupo at tumayo. “Buti naman at nakauwi ka na, ate.”
“Oh, tapos?” taas kilay na tanong ko. Tipid siyang ngumiti.
“Kanina pa kita hinihintay ate. Saan ka galing?” tanong niya na ikinairap ko na naman.
“Why do you care?”
“Kasi ate kita, kapatid kita,” sagot niya na ikinaiwas ko ng tingin. “Anong oras na kasi, ate. I'm just worried about you, ate,” mahinang sabi niya na ikinabuntong hininga ko.
Siya naman ay nagkukuskos pa ng mata. Tiningnan niya ako pagtapos kaya napaiwas ako ng tingin.
“Stop acting like you care, Mathew,” mariing sagot ko at hinawakan ang balikat niya. “Tumigil ka sa kakaarte na talagang nag-aalala ka sa 'kin dahil kagaya ka rin nila. Kagaya ka rin ng mga magulang mong walang pake sa akin.”
“Ate, hindi. Tsaka, magulang natin, hindi magulang ko lang.”
Medyo natawa ako at binitiwan na siya.
“Magulang mo lang. Ikaw lang ang anak, e,” nakangising sagot ko at mahina siyang tinulak. “Ikaw lang 'yung pinahahalagahan at minamahal. Only child ka lang. Kulang na nga lang, sabihin nilang ampon lang ako,” pinilit kong patatagin ang boses ko nang sabihin ko 'yon.
Hindi naman ako ampon pero bakit ganito? Malala pa sa ampon?
Napayuko siya at pinaglaruan ang sarili niyang mga kamay at daliri.
“Sorry, ate... Sorry po kung pakiramdam mo hindi ka nila anak. Sorry kung ako na lang lagi. Wala naman akong ginagawang masama, e. Hindi ko nga rin alam kung bakit ibang iba ang trato nila sa 'yo kaysa sa akin. Hindi ko alam ate kung bakit sobrang layo ng loob nila sa 'yo. Dahil ba may attitude ka at sinasagot mo sila?” malungkot na sabi niya na ikinatahimik ko at suminghap. “I don't think so, ate. Kahit naman siguro ganiyan ka, hindi ka pa rin dapat nila itinatrato na ibang tao. Ate, promise, I tried to ask them why, alam ko naman na mabait ka, e.”
Bigla na lang tumulo ang luha ko dahil sa sinasabi niya. Inis kong pinahiran ang mukha ko at tumingala para magpigil.
“Ate, mahal kita. Huwag kang magalit sa 'kin, please. Gusto kitang makasama lagi at maka-bonding. Gusto kitang maramdaman sa buhay ko. Ate, please, huwag kang magalit sa akin.”
Napanganga na lang ako nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
Ngayon lang kami nagkausap nang ganito ni Mathew dahil hindi ko talaga siya pinapansin at lagi rin akong wala sa bahay. Siya naman ay wala rin lagi dahil kasama nga siya ng parents ko. Haha, funny.
“Umakyat ka na at matulog, Mathew,” sabi ko at inilayo siya sa akin.
Napayuko muli siya at tumango. “Sige, ate. May pagkain sa kitchen, pinagtira kita. Goodnight, ate.”
Nanatili akong nakatayo hanggang sa malagpasan na niya ako. Inis kong sinapo ang mukha ko dahil sa mga sinasabi niya kanina. Damn, Mathew! Kumikirot at sumisikip ang dibdib ko.
“Mahal din naman kita, hindi lang kita tangap,” bulong ko at naglakad na papuntang kitchen.
Kumuha ako ng dalawang bote ng wine. Deretso kong tinungga sa bote ang wine at umupo. Pinatay ko na rin ang ilaw.
Hindi kita tanggap kasi pakiramdam ko, simula nang dumating ka, nawala na sa akin ang lahat, lahat-lahat. Inagaw mo ang lahat, napag-iwanan na ako.
*****
“Matilda!”
Napaayos agad ako ng upo nang may humampas sa lamesang pinapatungan ng ulo ko. Napakusot pa ako ng mata bago ko nakita si mom at dad na nasa harap ko at kunot noong nakatingin sa akin.
“Oh, here we go again,” natatawang sabi ko at tumayo na.
Nagkatinginan sila at napailing sa akin. But I just smirked.
“Nag-inom ka pa talaga rito? Ano na namang pinaggagagawa mo sa buhay mo?” tanong ni dad na ikinailing-iling ko bago sila tawanan nang mahihina.
Muntik pa akong matumba dahil sa hangover. “So? Bawal?” I asked.
“Hay nako, Matilda— Matilda!”
“E, f**k!” Napasigaw sila pareho nang binato ko ang isang bote ng alak. “Huwag n'yo 'kong bungangaan ngayon, please,” nauubusang pasensyang sabi ko at nilayasan sila ro'n.
Umakyat ako at mabilis na naligo saka nagbihis dahil may pasok pa pala ako. Walang sali-salita at paa-paalam na lumabas ako ng bahay at sumakay sa kotse ko.
I dialed Civrus' number. Ilang beses na nag-ring pero wala pang sumasagot. So I decided to dial it again.
“Hello, babe?”
“Ma'am, Matilda?” Nangunot ang noo ko nang isang babae ang sumagot. I guess, one of his maid.
“Where is Civrus?”
“Ma'am, tulog pa po. Kanina pa namin ginigising pero ayaw niya pang bumangon,” sagot nito na ikinabuntong hininga ko.
“Alright, prepare a soup and a coffee for him. Thanks.” I ended the call and continued driving until I reach the campus.
“Is... is that Henzo?” mahinang tanong ko nang makita ko si Henzo na naglalakad palayo sa school.
As far as I remember, doon ang daan papuntang karenderya kung saan ko siya nakita noon at sinamahan kumain.
Saan naman siya pupunta ngayon?
I decided to follow him with my car. Let me know who the hell are you Henzo. I admit that I'm f*****g curious about you.