— Matilda —
“Oh, I forgot to say, may pool party mamaya sa bahay ng kaibigan kong si Sael. Sama ka?” tanong ni Civrus habang dumidila ako sa ice cream na binili namin.
“What time?” tanong ko naman at tumingin sa paligid. Nasa tabi lang kami ng dagat, medyo malayo sa City namin pero okay ako rito.
Tahimik dito at ayun ang gusto kong maramdaman ngayon. The presence of peace.
“7 in the evening.”
“Sure. You'll fetch me?” pagpayag ko na ikinatango niya. “Anong meron? Ba't may pa-pool party 'yang kaibigan mo?” taas kilay na tanong ko naman.
“Party boy 'yon, hindi ka pa ba nasanay?” natatawang sagot niya at hinawakan ang kamay ko bago tumanaw sa dagat at sa papalubog na araw. “Masarap din pala sa pakiramdam na tahimik lang 'yung paligid mo. ’Yung tipong, taong mahal mo lang ang kausap mo. It's like, we are living in this world where both of us are just the persons who are existing,” mahinang sabi niya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Napangiti ako at sumandal sa braso niya. Humawak din ako nang mahigpit sa kamay niya.
Feel na feel ko ang napi-feel niya ngayon. Ito rin ang gusto ko.
“Tell me your problems, Civrus.”
Alam kong may problema siya kaya gusto niya ngayon ng ganitong pakiramdam sa tahimik na lugar. Katulad ko lang din, maraming problema kaya mas pinipili sa tahimik.
He sighed before he speak, “My mom is sick. While my dad? Ayun, puro sugal.”
Mapait na lang akong ngumiti. “Pareho na naman tayong magulang lagi ang problema. Maybe, we are really meant to be to fulfill the attention and love we are seeking from our parents. I and you will give each others satisfaction and happiness, right?”
“Right, baby,” sagot niya at hinalikan ang ulo ko. “Hindi na ako magugulat kung sasagutin mo na ako sa birthday ko. Masyado ka nang sweet sa 'kin, e.”
Nanlaki ang mata ko at agad na napalayo sa kaniya. “Civrus!” I shouted his name and punched his arm jokingly. “Nakakainis ka!”
He just laughed.
“So, I'm right? Bakit hindi mo na lang ako sagutin right now? Para sa birthday ko, wala na ‘kong mahihiling pa.”
Sira ang plano! Nakakainis!
“Naiinis ako,” nanggigigil na bulong ko sa kaniya na malakas niyang ikinatawa. “Oo na! Oo na! Tayo na! Naiinis talaga ako sa 'yo!” sigaw ko at hinampas ang mukha niya.
Natigilan siya sa pagtawa at napatulala pa sa akin.
Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan ang gulat niyang expression. Napanganga pa siya.
E, siya nga nagsabi na sagutin ko na siya ngayon tapos nagulat pa siyang tinotoo ko?
“Are you serious, Matilda?” parang 'di pa makapaniwalang tanong niya na ikinairap ko. Para naman siyang babae!
“No, Civrus. Gusto mong bawiin ko ang aking precious yes?” I sarcastically said and rolled my eyes on him. “What now? Alright, I'm not—”
Nanlaki ang mata ko nang patahimikin niya ako sa isang halik! Hinawakan niya pa ang batok ko at pinalalim ang halik niya. Natawa ako sa isipan ko at humalik pabalik.
“Damn, kinikilig ako,” bulong agad niya pagkatapos niyang humiwalay at nilaro ang tungki ng mga ilong namin. “Thank you, I love you so much.”
“I love you, too...” nakangiting sagot ko. Mabilis naman niya akong niyakap nang mahigpit kaya yumakap naman ako pabalik.
Don't you ever leave me, Civrus.
*****
“Ma'am, umalis po ang parents—”
“Who asked?” masungit na tanong ko sa maid. Umagang umaga, ayan maririnig ko. “I don't care, okay? Besides, I'm starting to like it when they are not around,” nakangising dugtong ko at tumawa.
Nag-aayos na ako ngayon ng sarili ko para sa pool party na pupuntahan namin ni Civrus. Nagdala na rin ako ng swimsuits at pampalit.
“Ma'am, nasa labas na po si Sir Civrus.”
Mabilis akong tumayo at tiningnan muna ang sarili ko sa salamin bago kinuha ang bag ko.
“Kayo na ang bahala rito sa bahay. Kapag may hindi magandang nangyari rito, sasampalin ko kayo isa-isa at tatanggalan.
Napaatras siya at agad na tumango-tango, sabay yuko.
Umirap muna ako bago naglakad palabas. Nakita ko ang kotse ni Civrus na nasa labas na nga ng bahay. Bumaba agad siya at sinalubong ako. Humalik ako sa pisngi niya at inirapan siya.
“A gano'n, mamalditan mo 'ko ngayon, ha?” kunwari pang masungit na sabi niya na ikinairap ko ulit. “Tsk, pumunta ka ro'n mag-isa mo.” Tinaasan ko siya ng kilay nang iwanan niya ako. Sasakay na sana siya pero agad siyang napatingin sa akin nang mapansing hindi ako sumunod. “Tsk, ano ba 'yan?” Bumalik siya at hinila ako.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinapasok kaya natawa na lang ako sa kaniya. Baliw kasi talaga 'tong si Civrus.
Puro irap lang ang ginagawa ko kay Civrus dahil inaasar ko talaga siya. Hindi niya pinapansin 'yon at hawak-hawak lang nang mahigpit ang kamay ko habang nagda-drive, hanggang sa makarating na kami sa mansion ng kaibigan niya. Pinapasok kami sa loob para maiparada niya ang kotse. Marami na rin ang nakaparada sa labas, pero dahil malaki ang space ay nagkasya naman.
Pinagbuksan ulit ako ni Civrus kaya bumaba na ako. Humawak agad siya sa baywang ko at sabay kaming naglakad. Dinala niya ako sa likod ng mansion kung nasaan ang pool.
“Baby!” Otomatikong tumaas ang kilay ko nang makita ko si Wenie na maarteng tumatakbo papalapit sa amin. Agad siyang pumulupot kay Civrus pero tinanggal din naman ni Civrus 'yon. “Baby, bakit ngayon ka lang?”
Halos umabot na sa ulo ko ang kilay ko sa sobrang pagkataas. The malandi is here, and the maldita will push her away. Like, what the f**k?
“His gorgeous girlfriend is here, don't you see? Malandi ka talaga, kapit ka nang kapit sa taong kinandado na,” sabi ko at tinulak siya sa balikat.
“Aw!” maarteng daing niya at inirapan ako. “Girlfriend? Really—”
“We are on, in relationship, taken. So better stay away from me, Wenie,” pagsabat ni Civrus na ikinangisi ko at tinulak muli si Wenie.
Nakaawang ang bibig niya habang nakatingin sa aming dalawa. Inirapan ko siya at nginisihan. Hinila ko na si Civrus paalis doon.
“Oh, tol!” sinalubong kami ni Sael at nakipag-apir kay Civrus. “Oh, hi Maldita, I mean, Matilda. Buti sumama ka,” baling niya naman sa akin na ikinairap ko.
Maldita, ha.
“Niyaya niya ako,” tipid na sagot ko at tumingin sa paligid.
Madilim na at may pa-disco light pa rito sa labas. Marami na ring tao at mga nagsu-swimming. Ang iba ay kumakain habang ang iba ay naglalampungan.
“Kayo na ba?” tanong ni Sael kaya sabay kaming tumango ni Civrus. “N-Naks!” natatawang nakipag-apir na naman siya sa aming dalawa. “Sige na, enjoy my party. Aasikasuhin ko lang 'yung mga bagong dating,” paalam niya at tinapik muna kami pareho sa balikat bago umalis.
“Tara, hanap na tayo ng mauupuan,” sabi ni Civrus at hinila na ako. “Magsu-swimming ka ba mamaya?” tanong naman niya.
“Hmm, ikaw ba?”
“Yup.” Napatango ako sa sagot niya. “Ikaw rin?” Tumango ulit ako. “Nice, tara na.”
Hinila niya ako papunta sa isang table na may tatlong lalaking nakaupo. Bumati siya sa mga 'to, so I guess they are his friends. Umirap na lang ako at umupo na rin sa tabi niya.
“Anong gusto mong kainin?” tanong niya at itinuro ang catering sa gilid.
“Ako na kukuha,” sagot ko at tumayo na. Tumango na lang siya at hinayaan na ako kaya naglakad na ako palapit doon. Kumuha ako ng dessert at dalawang bote ng wine, tsaka ako bumalik sa table namin.
“Huwag kang masyadong maglasing, ihahatid mo pa 'ko,” bilin ko sa kaniya kahit ako naman ang kumuha ng dalawang wine, tsk!
“Kayo na?”
“Kailan pa?”
“Nice, bagay kayo!” kantyawan ng mga kaibigan niya na tinawanan lang ni Civrus at hinalikan ako sa pisngi.
Minutes passed at nabo-boring na ako rito kaya agad na akong tumayo. “Magsu-swimming na ako. Sunod ka na lang, ha?” paalam ko sa kaniya.
“Sige, sige!” sagot niya at nakipag-kuwentuhan ulit sa mga kaibigan niya.
Pumasok ako sa loob ng mansion at hinanap ang banyo para makapagpalit na. Nagsuot lang ako ng brasserie and short shorts at saka lumabas.
I tried to search Pove and Dessie from the party. I was hoping that they were also here. I smiled when I finally saw them, wearing a two piece and dancing with two men.
“Pove, Dessie!” I shouted their name and walked towards them.
“Oh, look Dessie, our b***h friend is also here, wearing her not so daring but a sexy bra and shorts,” natatawang sabi ni Pove at nakipaghalikan doon sa lalaki.
“True, Pove. But we are sexier than her. Oh, b***h, don't down yourself,” sagot ni Dessie at tumawa na rin.
I rolled my eyes because I guess, they were already drunk. Tsk, wala akong mapapala sa kanilang dalawa! Wala akong makausap! Civrus was busy talking to his friends, while these two are busy flirting with the two strangers.
I rolled my eyes again. Naglakad ako papuntang pool at agad na tumalon kahit medyo marami pa ang nagsu-swimming.
I swam, and swam, and swam, and swam. I didn't know that this party is so boring. Tsk!
Tumaas ang kilay ko nang mapansin ko ang isang lalaking lumangoy palapit sa akin. “Hey beautiful.” He's handsome and tall, infairness.
“Hi,” simpleng sagot ko at lumangoy muli. Sobrang laki naman ng pool dito kaya okay pa gumalaw-galaw.
Napaahon agad ako nang may humawak sa baywang ko at hinapit ako palapit sa kaniya. Otomatiko na namang tumaas ang kilay ko nang makita ko na naman ang lalaki kanina.
“What? Do you need something?” mataray na tanong ko na ikinangisi niya lang. His look went down to my breast. Agad ko siyang natulak dahil doon. “Such a maniac,” bulong ko at tinalikuran na siya.
“Wait, miss!” Hinawakan na naman niya ako at hinila palapit sa kaniya. “What's your name?” he asked. “You are really sexy, you're very attractive.”
Mukhang hindi namin siya ka-schoolmate dahil hindi niya ako kilala. Halos lahat ay kilala ako dahil sa mga pinaggagawa ko tapos siya ay tinatanong lang kung anong pangalan ko?
“Where's my pake?” I asked too at tinulak siya palayo pero hindi naman siya natinag. “You're a waste of time. Flirt with another woman. I have a boyfriend,” walang ganang sabi ko na ikinaawang ng bibig niya. “He's just around, and if he will see you, he will surely punch your ugly face,” banta ko pa na ikinatawa niya lang.
“Wala naman siya sa ngayon. So, let's have some fun somewhere.”
“What the hell?” inis na sabi ko nang hilahin niya ako. Sinampal ko agad siya nang akmang isasama niya ako sa pag-ahon niya. “You, asshole! Hindi ka ba nakakaintindi? Are you f*****g drunk?” sigaw ko pero nangibabaw pa rin ang malakas na music dito sa labas.
Baliw ba siya? Have some fun niya mukha niya!
“Ah, maybe. Let's go, baby,” nakangisi pa ring sagot niya at sapilitan akong binuhat na ikinatigil ko.
This is the freaking disadvantage and risk of being sexy and pretty! Like, what the eff? Pangalawa na 'to!
“Saan mo 'ko dadalhin?” kinakabahang tanong ko at pilit bumaba sa pagkakabuhat niya habang ang ibang tao ay parang walang pake sa paligid nila. “Let me go!” sigaw ko at kinagat ang balikat niya nang sobrang lakas dahilan para makababa ako. “f**k you!” sigaw ko at tatakbo na sana nang hilahin na naman niya ako.
He pushed me on the bermuda grass at agad na dumagan sa 'kin! Para siyang hayop na hayok na hayok sa laman! Like, what the f**k again? Hindi bagay ang beauty ko sa mga ganitong situation! Oh, please!
“You are making this hard, ha. Let me mark you here,” mariing sabi niya at hinawakan ang dalawang kamay ko pataas.
“OMG! OMG! Help!” I shouted while trying to kick him. “Help! Argh! Help me! OMG! Don't touch and lick me! It's gross! Yuck, ew!” nagpupumiglas na sigaw ko nang pilit niyang hinalikan ang leeg ko at hinawakan ang hita ko.
Shit, no!
“Civrus!” mas malakas na sigaw ko para may makarinig.
Ramdam ko agad ang pagtigil at pagtingin sa amin ng ilang tao na malapit sa amin.
“Pare, wait lang pre! Hoy, tigilan mo 'yan!” awat ng isang lalaki sa lalaking nasa ibabaw ko pero hindi siya nagpatinag at tinulak lang ang lalaki.
“Hoy, hayop ka?”
Nakawala ako at agad na umupo bago umatras matapos may humila na ro'n sa lalaki at sinuntok siya.
“H-Henzo?” nanlalalaki matang banggit ko nang makita ko si Henzo na sumuntok doon sa lalaki.
Siya na naman?
Akmang susuntukin na ng gagong lalaking 'yon si Henzo nang may panibagong dumating at sinuntok ulit siya. Si Civrus na 'yon! Inupuan niya ang lalaki at galit na galit 'tong sinuntok-suntok.
Napangiwi ako at tiningnan ang sarili ko. Pinahidko ang leeg ko. Like ew, may laway! Yucky.
“Matilda, okay ka na?” Napatingin ako kay Henzo nang lumapit siya sa akin. Napatingin ako sa katawan niya dahil topless siya at basa rin.
Bakit ngayon ko lang siya nakita rito?
“Pre, tama na! Ipapauwi ko na 'yan.” Dumating si Sael at pinigilan si Civrus.
Hinawakan naman ako ni Henzo at agad na itinayo. May nag-abot ng towel kaya kinuha niya agad 'yon at ipinatong sa akin.
Tumayo naman na si Civrus at lumapit sa akin. “Baby, are you okay? Ano pang ginawa niya sa 'yo?” tanong niya at hinawakan ang mukha ko. Pulang pula na ang mukha niya, halatang lasing na.
“O-Okay na 'ko,” tipid na sagot ko at tipid ding ngumiti.
Mabilis niya akong dinampian ng halik sa labi. Mukhang nagulat si Henzo at agad na napaatras palayo sa amin.
“Good,” bulong ni Civrus at tumango-tango. “Umupo ka muna ro'n, may kukunin lang ako sa loob tapos uuwi na tayo,” paalam niya na ikinatango ko na lang.
Pinauwi na ni Sael 'yung gagong nakatulog na sa mga kaibigan nito kaya umupo na ako sa malapit na upuan. Si Henzo naman ay umupo sa tabi ko na ikinataas ng kilay ko.
“Baka maging suki ka na ng mga ganitong almost-r***d-scene, Matilda?” seryoso at malamig na tanong niya sa akin pero umirap lang ako. “Tsk. Kayo na ba?”
“Ni Civrus? Yes,” tipid na sagot ko na ikinatango-tango niya lang at nag-cross arm.
“Sa susunod kasi, mag-ingat ka. Kung alam mong attractive 'yang katawan mo, huwag ka nang magsu-swimming o magsuot ng mga sexy na damit kapag nasa maraming tao ka.” Taas kilay na tiningnan ko siya dahil doon.
Pinangaralan niya 'ko? Hindi ko naman kasalanan na puno ng kalibugan ang mga lalaki, ha? Malaya akong magsuot ng anumang damit na gusto kong suotin.
“Where's my pake?” I asked at inirapan siya. “You don't have to care, Henzo, umalis ka na nga lang,” pagtataboy ko sa kaniya.
“Hindi ka talaga marunong magpasalamat,” inis na sagot niya at tumayo na. “Iwan na kita diyan, kaya mo naman na siguro ang sarili mo kahit hindi.”
“Just go!”
“Sure. Hintayin ko 'yung bayad mo sa 'kin ha para dito? Bukas ko na kukunin.”
Napaawang ang bibig ko. I thought hindi na siya maniningil!
Mamatay ka na talaga, Henzo!