Chapter 2
Pagkarating, halos wala pa masyadong empleyado dahil sa sobrang aga nila dumating. Agad sya binati ng guard at medyo napadako ng tingin sa kanyang suot, binati na lang din ni Lira ang matandang lalaki at bahagyang tinakpan ang namantsyahang damit saka mabilis na nagdiretsyo na sa kanyang opisina
" Mabuti na lang may ilan akong damit na naiwan sa office ko kundi mukha kang taong grasang doktor dyan sa itsura mo " sabay abot ni Lucy ng halter top kay Lira, ngumiti lang ito at saka na nagtungo sa banyo upang magpalit. Habang unti-unti tinatanggal ang bitones na suot ay sandali sya napatigil, bigla sumagi sa isip nya ang pangyayari sa coffee shop.
" Bea " tawag sa kanya ng lalaki . Napa lingon sya rito dahilan para matitigan nya sa malayuan ang lalaki sa mukha, laking pagtataka nya na parang matagal na syang kilala nito. Pinilig nya ang kanyang ulo at pilit inalis ang iniisip.
Pagka upong pagka upo nya ay agad tinutukan ang tambak na trabaho buhat nang umalis. Tulad ng dati, ang halos araw-araw nyang routine. Magpakasubsob at pagkalunod sa trabaho.
" Come in " aniya nang marinig syang may kumatok sa pinto, habang tutok na tutok sa kanyang laptop pumasok ang isang babae, maiksi ang buhok nito na may pang lalaki ang gupit, may katamtaman ang tangkad at naka black leather jacket. Tumigil ito sa tapat ng lamesa ni Lira at hinihintay na tumingin sakanya, nang mapansin nyang tapos na ito sa kanyang ginagawa agad na binigay nito ang isang brown envelope.
Mabilis na kinuha ito ni Lira at nilabas ang nilalaman nito, pinagkatitigan nya ang litratong hawak nya. Kuha ng isang babae. Mahaba ang buhok nito at kulot, ang kulay ng balat nya ay morena na parang palaging naliligo at babad sa dagat.
" Ito na ba sya " Tanong ni Lira sa babae habang titig na titig pa rin sa mga litrato.
" Wala pa pong kumpirmasyon, pero ayon sa nakalap kong impormasyon, ampon lang sya ng dalawang matandang mag-asawa, may isang lalaki na nagbigay sakanila noong sanggol pa lamang iyan at nagbigay ng malaking halaga pa upang itago ang pagkatao nito at mananatali sa islang iyon " paliwanag ng babaeng imbestigador.
Lihim na napasinghap si Lira sa kanyang narinig, muling nabuhay ang kanyang pag-asa na buhay ang kanyang kambal. Malakas ang kutob niya na si Mira na nga ito, malayo man ang pagkakatulad ng kanilang itsura sa ngayon pero nararamdaman nya na ito na ang kapatid na matagal na nyang nawawala. Simula kasi nang magkaisip sya pinangako nya sa sarili nya na hahanapin ang kanyang kambal. Kaya nang magkaroon ng sariling negosyo at naging independent ay sya na mismo ang naglakad sa paghahanap sa kapatid.
Ilang taon man ang nakakalipas hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Lira na muli silang magkatagpo ng kanyang kambal. Muling mabuo ang kanyang pamilya.
" Tutukan nyo sya, huwag kayo titigil hanggang sa mapatunayan ko na sya ang kapatid ko " nag-angat sya ng tingin sa kausap " katulad ng dati, ayoko makarating to sa magulang ko maliwanag ba? " ma-awtoridad na sambit ni Lira, mabilis na tumango ang babaeng imbestigador at saka umalis.
Nang maiwang mag-isa si lira ay saka sya napabuga nang malalim na hininga, hindi nya maiwasan na hindi kabahan sa kanyang lihim na ginagawa. Hindi kasi alam ng kanyang magulang ang paghahanap sa kanyang kambal, noon pa man ay ginawa na nila ang lahat upang mahanap ito. Halos maubos na ang kayamanan ng kanyang magulang para lang matagpuan ang kanyang kapatid ngunit lumipas na ang mahabang panahon bigo pa rin sila. Walang Mirang natagpuan.
Dahil sa nangyari, nagkaroon ng depression ang kanyang ina na si Mary, sa paglaki ni Lira ramdam nya ang kalungkutan sa kanilang bahay. Alam naman niya na mahal na mahal sya ng kanyang magulang pero sa kabila nito ay ramdam din ni Lira ang tinatagong lungkot at sakit lalo na ng kanyang ina. Hindi sya sapat, at naisip nyang ang nawawalang kapatid ang magpupunan at magbabalik sigla sa kanyang magulang.
Hindi na namalayan ni Lira ang pagtulo ng luha kaya bago pa may makakitang iba mabilis nyang pinunasan ang luhang lumandas sakanyang pisngi.
Ala singko na ng hapon, nagligpit na ng gamit si Lira upang umuwi. Habang busy sa kanyang ginagawa rinig nya na may bumukas ng pinto ng kanyang opisina, hindi na sya nag-abalang tingnan ito alam nya kasing si Lucy lang ang walang pakundangan na basta na lang papasok dito. Ilang segundo na ang nakakalipas ngunit nanatiling tahimik ang paligid.
" Haynako Lucy---" hindi na nagawang tapusin ni Lira ang sasabihin ng may biglang malapad na kamay na tumakip sa kanyang mata.
" Stop it Lucas " aniya at sya na rin ang nag alis ng kamay nito, ngumisi lang ang binata at sabay lahad sakanya ng bulaklak. Tiningnan nya lang ang ito at ngumiti.
" Salamat " sabay kuha nya sa mga pulang rosas.
" Anyway, what are you doin here? " muli nyang tanong
" C'mon Lira, iniwan mo na nga ako papuntang thailand tapos pagtatabuyan mo pa ako ngayon? " umakto naman si Lucas na parang nasasaktan na ikinatawa naman ni Lira
" Okay, okay! Sige pambawi ko sayo. I'll treat you, kahit sa favorite restaurant mo " sabay hubad niya ng kanyang lab coat at sinabit sa standee. Napansin naman nya na nakatitig sa kanyang katawan si Lucas na parang iniexamine ang kanyang katawan. Halos humahapit na kasi sa kanyang katawan ang color purple na halter top. Tumikhim si Lira na syang ikibalik ulirat ng binata.
Sa isang fine dine resto sila nag dinner, pinagbigyan na lang ni Lira ang kaibigan dahil sa pangiiwan nya rito nong flight. Hindi naman kasi talaga matagal si Lucas, actually maaga pa nga ito sa airport, sadyang tinakasan lang ito ni Lira upang hindi makasama.
" So how's your trip? " tanong ni Lucas. Umorder si Lira ng steak, mush potato and wine. Si lucas ay roast beef, pasta at wine din.
" Fine, nothings new. Maraming bagong surgeons, mga bagong graduate sa harvard "
" How about Doctor Smith? I heard he's also there " muli naalala ni Lira ang pagtatagpo nila ng doktor na kano, natatawa sya na ewan dahil sa pang iinjan din dito. Gusto nya sana ikuwento kay Lucas ang kalokohan nya kaso naalala nya na baka magselos ang kaibigan. Kahit wala namang sila, kaya mas pinili nya na sabihing hindi sila nagkita at agad na rin syang bumalik sa hotel. Ikinatuwa naman ito ni Lucas.
Ilang minuto ay dumating din ang kanilang inorder, konting kwentuhan at hindi rin sila nagtagal dahil sa pagod na rin si Lira, hinatid na sya ng binata sa kanyang condo kung saan malapit lang din sa kanyang opisina.
" Thank you Lucas " akmang bubuksan na ni Lira ang pinto ng sasakyan nang pigilan sya nito.
" Lira, I know nakukulitan ka na sakin but I want to ask you again... "
" Lucas" mabilis na putol ni Lira sa binata. Alam na nya kung saan patungo ang usapan. Kung kailan na nya ito sasagutin. Humugot nang malalim na hininga ito at hinawakan ang kamay ng kaibigan.
" I love you... and I care about you... but as a friend. Ayokong ipilit ang lahat lalo at hindi pa ako handa " bahagya yumuko si Lucas at kahit hindi makita ni Lira ang kabuuan ng mukha nito ramdam nya ang sakit sa tinatago nito kahit ngumiti ay alam nyang pilit lang ito.
Walang ganang pinagmasdan ni Lira ang kabuuan ng kanyang condo. Nagpaalam na rin si Lucas matapos makapasok sa building si Lira. Tanging liwanag sa hallway ang naging ilaw nya, para bang tamad na tamad syang umuwi at maiwang mag-isa.
Malayo kasi ang bahay Sebastian kaya mas pinili nyang magcondo na malapit sakanyang trabaho at sa kagustuhan na rin ng kanyang magulang dahil sa natatakot silang bumyahe magisa ang kanilang anak.
Pagkatapos maligo at mag ayos ng sarili na sa kama si Lira, napagpasyahan nyang maghanap sa online ng driving school. Sa tanda nya kasing ito at sa kabila ng ilang sasakyan na meron sila ay kahit kailan ay hindi nya nasubukan na magmaneho magisa. Hindi naman sya takot, ayaw lang ng kanyang magulang lalo na ng kanyang ina na si Mary na mag isa lang ito bumyahe.
Hatid sundo ito mula pa noon, ngayon lang sya nakakaalis magisa kapag kasama nya si Lucy, minsan ay naiinggit sya sa kaibigan dahil nakakapunta ito saan man nya gustuhin, makapag drive mag isa at malaya.
Pumukaw ng kanyang atensyon ang isang site ng driving school, mukhang kilala na ito at legit dahil sa maraming good feedbacks. Nag message sya sa rito na interisado syang mag enroll. Dis oras na ng gabi kaya alam nyang bukas na ito magrereply pero laking pagtataka nya dahil may sumagot sa kanyang inquiry.
Ang mensahe ay galing sa isang Martin Perez. Isang driving coach. Hindi na sya muki nagreply pa, kinuha nya lang ang address nito at desidido na sya sa kanyang gagawin. Bukas na bukas ay pupuntahan nya ito.
Akmang maglalag out na sya ng muling magreply ang operator.
" See you tommorrow Maam
-Martin Perez "
Napakunot noo na lang si Lira dahil sa nabasa, hindi na lang nya ito pinansin at pinatay na ang laptop.