Chapter 3
" Anong ginagawa natin dito? " tanong ni Lucy kay Lira nang huminto sila sa isang building na may ilang palapag.
" May gagawin lang ako ikaw na muna bahala sa clinic, kapag may naghanap sa akin sabihin mo nag c.r lang ako okay? " hindi na inantay ni Lira sumagot si Lucy at agad na lumabas ng kotse nito. Naiwan namang tulala ang kaibigan.
" C.r? Ang layo naman ng banyo nya Q.C to BGC. Baliw talaga! " reklamo nya sa sarili wala na sya nagawa at pinaandar na ang sasakyan. Bahala na kung ano sabihin nya sa client kung hanapin man si Lira.
Nagpatuloy na si Lira sa loob, agad naman syang dinaluhan ng babaeng nasa front desk. Kinuha ang kanyang pangalan at nagtipa sa kanyang computer.
" This way Maam " sabay gabay sakanya sa isang opisina. Pagkatapos maghintay ng ilang minuto ay dumating na ang isang lalaki. Hindi naman ito ganun katanda siguro ay nasa edad singkuwenta na ito at medyo may kaliitan, bilugan ang tiyan at may mgilan ngilan ng puting buhok.
" You must be Doctor Lira Sebastian? The daughter of Liam Sebastian, am I right? " bungad nito sakanya nang makaupo na sya sakanyang harapan.
" By the way I'm John " Tipid na ngumiti lamang si Lira sa may ari. " It's an honor for us, I hope next time kasama mo na ang Daddy mo "
Sandaling natigilan si Lira, nakaramdam kasi sya ng kaba dahil kilala pala nito ang kanyang ama, may posibilidad na malaman ito ni Liam.
" I want privacy " seryosong saad nito sa kausap. Mahinang tumawa naman ang matanda, marahil nakuha na nito ang ibig sabihin ng dalaga. Ayaw nito malaman ng kanyang ama
" As you wish Ms. Sebastian. Anyway, anong maipaglilingkod ko sayo? " sinabi nito na gusto nyang matuto mag maneho, hindi naman na nagtaka ang mag-ari dahil sa alam nyang lumaking may driver ang anak ng Sebatian.
Ilang oras din sila nagusap dalawa patungkol sa driving lesson. Rules and Regulation atbp.
" Isa ka sa malaking kliyente naman Ms. Sebastian, kaya ayaw kitang mabigo. Ipapakilala kita sa isa sa pinagkakatiwalaan at mahusay kong driving coach. Huwag ka mag-alala mabait itong bata ko " sabay tawa ulit nang mahina ng matanda. Nagsimula na maglakad sila palabas ng opisina upang magtungo sa field.
SA CLINIC NI LIRA ay pakuya - kuyakoy na sumasagot si Lucy kung nasaan si Lira habang pirming nakaupo sa swivel chair ng kaibigan. Maya-maya ay nakarecieve sya ng tawag mula sa telepono mula sa receiving area.
" Maam Lucy nandito po si Mam Colleen " bungad ng receptionist nila sa clinic, napairap na lang sa ere si Lucy dahil sa narinig. Nagpunta pa rin kasi ang artistang kliyente nila gayong sinabihan na hindi available si Lira.
" Sabihin mo sakanya na wala nga si Lira may emergency! Hindi ba nakakaintindi yang artistang yan? " iritang sagot nito, humingi na lang ng pasensya ito at binaba na ang tawag.
" Tss arte-arte! Pwede namang ako, pwede rin ang mga assistant doctors ni Lira. Arte talaga ng colleen na yan. " iritang bulong nya sa sarili. Muli syang bumalik sa kanyang ginagawa na paglilinis ng kanyang kuko sa kamay.
Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ng muling tumunog ang telepeno sa lamesa.
" Ano nanaman joy! " tamad na saad nya sa kabilang linya " Diba sabi ngang wala si Li--- " napahinto si Lucy sa kanyang sinasabi ng mabahala sya sa halos mabulol na kausap.
" Maam Lucy " kabadong sagot ng nasa kabilang linya.
" Bakit Joy? " nagsimula na rin kabahan si Lucy.
" K-kasi po... Nandito po si Mam Mary, hinahanap po si Mam Lira "
" What? F*ck! Tell to tita Mary to wait me there, don't tell her na wala si Lira. Bababa na ako " mabilis na kumilos si Lucy, habang palabas ng opisina ay agad nya tinawagan si Lira ngunit nakailang dial na ito ay hindi sumasagot ang dalaga, nakailang mura na ito dala ng kaba.
Hingal na hingal si Lucy habang inaantay na bumukas ang elevetor ang kaba nya ay lalong nadagdagan ng bumungad sa kanyang harapan ang nasa loob nito.
" T-tita M-Mary " halos parang nawalan ng dugo sa mukha si Lucy dahil sa kanyang nakita. Ngumiti lamang ang ina ni Lira at saka lumabas sa elevetor habang akay-akay ng kanyang caregiver.
" N-napadaan po ata kayo tita? May problema po ba? " kahit nagkanda utal-utal ay pilit hindi ipahalata ang kaba dahil sa biglaang pagdating nito sa clinic ng kanyang anak.
" Bawal ko na ba dalawin ang anak ko? " lihim na nagpigil hininga si Lucy nang huminto si Mary at saka bumaling ng tingin sa kanya " Where's Lira? Bakit nga pala ikaw ang sumalubong sakin? " para namang umaatras ang dila ni Lucy dahil sa hindi malaman kung ano ang idadahilan nya, pakiramdam rin nya ay mauubusan sya ng salita. Nakahinga na lamang sya nang maluwag ng muling maglakad si Mary.
" Sabi na nga ba at nagtatampo ang batang yon, si Liam naman kasi pilit na gusto na makasal si Lira kahit hindi pa handa ang anak nya" habang patuloy ito sa pagsasalita ay pasimple din namang tinatawagan ni Lucy ang kaibigan.
MATAAS NA ANG ARAW kaya hindi masyado maaninag ni Lira ang tinutukoy ni Mr. John, nasa field sila ngayon kung saan nagpa practice ang mga katulad nyang gusto ring matuto magmaneho, hinihintay nya matapos ang tinutukoy ng lalaki na busy makipag usap sa estudyante nito.
Ilang minuto rin ay natapos na, tinawag ito ng may ari kaya patakbo itong nagtungo sa direksyon nila Lira. Naniningkit ang kanyang mata dala nang sinag ng araw na tumatama sa shade ng lalaki.
" Well, Lara this is Martin, Martin your new student Ms. Lira Sebastian " pagpapakilala ni John sa dalawa, agad na hinubad ni Martin ang suot na shade kasabay ng kanyang paglahad ng kamay.
" Hi Mam, Im Martin Perez at your service " isang matamis na ngiti ang bungad nito sa dalaga na ngayon ay hindi makapaniwala sa nakikita.
" I-ikaw? " bungad na bulyaw sakanya ni Lira. Dahil reaksyon at inakto nito lumapit pa si Martin sakanya at pinagkatitigan ang kanyang mukha.
" Uyy, wow! Small world. Akalain mong magkikita ulit tayo? " masayang sagot ni Martin.
" Wait? Magkakilala kayo? " gulat na tanong ni Mr. John
" Yes! " -Martin " NO! " - Lira. Sabay nilang sagot. Dahil dito ay lalo namang naguluhan ang mayari.
" You know Mr. John, I can't do this right now " saad ni Lira " babalik na lang siguro ako sa susunod na araw, and please I want other coach not him " sabay talikod niya at umalis
" Hey, wait lang " pigil sakanya ng binata
" Don't touch me! " madiing anito kay Martin, umakto naman ang binata na parang sumusuko.
" Okay? Bakit ba galit na galit ka sakin? I'm sorry sa nagawa ko hindi ko naman sinasadya. Nagmamadali kasi ako makarating sa trabaho kaya nabangga kita non. Sorry " ang kaninang halos magkadugtong na kilay ni Lira ay unti-unti nawawala dahil sa paliwanag ni Martin, lalo na ng makita nya ang mukha nito na seryoso at puno nang paghingi ng tawad.
Akmang magsasalita si Lira nang maramdaman nyang pag vibrate ng kanyang cellphone.
" Hello? Lucy.. What? Okay, papunta na ako. I need to go Mr. John, emergency " tumango lamang ito, muling bumaling ng tingin si Lira kay Martin at saka tuluyang umalis.
Nagmamadaling sumakay ng taxi si Lira at nagpahatid sakanyang private clinic. Dalawang palapag lamang ito at exclusive lamang sa iilang client. Ang iba kasing nag papaayos o nagpapaconsult ay ang mga assistant doctor na ni Lira ang gumagawa.
Habol hininga ng dumating si Lira, hindi na sya nagaksaya pa ng oras at pinuntahan ang kanyang ina.
" Mum! " bungad nito nang makarating sa kanyang opisina pero walang tao, pumasok pa sya lalo upang hanapin si Lucy at Mary.
" Doc. Lira " nilingon nito ang kanyang staff na nasa pintuan " Umuwi na po sila kasama si Mam Lucy, hahanapin daw po nila kayo " maingat at mahinahong sambit pa nito. Nakahinga nang maluwag si Lira saka tinanguan ang kausap, agad din syang umalis at nagtungo sa bahay nila.
Habang papasok sa kanilang Mansyon sa gate pa lang ay nagtataka na si Lira dahil sa ilang sasakyan ng pulis at isang ambulansya na nagkalat sa kanilang malaking garahe.
" Lira! where have you been? " pag-aalalang bungad sakanya ng kanyang ama nang pumasok ito.
" Dad, is everything okay? Bakit maraming pulis dito sa bahay at may ambulance pa? " tanong nito habang pinagmamasdan ang maraming tao na nasa salas nila. Hindi pa man nakakasagot ang kanyang ama ay mabilis syang umakyat sa hagdan at pinuntahan ang kanyang ina. Habol-hininga sya nang makarating. Bukas ang pinto kaya kitang-kita nya ang kanyang ina na nakahimlay sa higaan nito. Hindi nito pinansin ang doktor at ilang tao nasa loob na nakapalibot kay Mary, halos mangilid ang kanyang luha dahil sa kanyang nadatnan.
Tumabi sya rito at marahang hinaplos ang halos nangungulubot na kamay ni Mary, pinagkatitigan nya ang kanyang ina na parang batang natutulog lang. Lumipas na ang ilang taon, mababakas na sa mukha ng kanyang ina ang edad nito pero hindi pa rin nawawala ang taglay na kagandahan nito. Napa angat sya ng tingin sa wedding picture na kanyang magulang na nakasabit sa ding-ding dahil nagpakasal ulit ang mga ito bilang mukha ni Dahlia.
" Bakit ba ang tagal mo? Akala tuloy nila Tita nakidnap kana " bumalik sa ulirat si Lira ng bulungan sya ni Lucy.
" Mam Lira, pinapatawag po kayo ni sir Liam " aniya ng kanilang katulong, marahan namang sumunod si Lira patungo sa kanyang ama na nasa opisina. Pagpasok ay bumungad sakanya si Liam na tahimik na nakamasid sa malawak nitong bintana, marahan na sinara ni Lira ang pinto at saka lumapit sa ama.
Nanatili lamang syang tahimik habang pinapakiramdaman si Liam na seryoso ang hilatya ng mukha, pakiramdam nya ay para syamg ginigisa na kahit hindi pa ito nagsasalita.
" Saan ka galing Lira? " basag ni Liam sa katahimikan saka bumaling ng tingin sa kanyanga anak. " alam mo bang alalang-alalang sayo ang iyo ang Mommy mo? Maging ako ay halos matakot nang malaman kong wala ka sa opisina mo? Now tell me the truth, saan ka nagpunta? "
Halos manuyot ang lalamunan ni Lira sa kailang ulit nyang paglunok, matanda na sya pero parang paslit pa rin ito kung pagalitan ng kanyang ama, mapa hanggang ngayon ay takot pa rin ang dulot sakanya sa tuwing kinakausap sya ng seryosohan ng kanyang ama.
" Nagpunta ako sa driving school dad " sagot nito. Wala na syang magawa kundi sabihin ang totoo, hindi sya pwede magsinungaling pa dahil alam nyang malalaman at malalaman ito ni Liam.
" Then why did you lie? Bakit hindi ka nagsabi man lang o nagpaalam? Halos atakihin na sa puso ang Mommy mo dahil akala nya napaano kana! " humugot nang malalim na hininga si Lira dahil sa pagtaas ng boses ni Liam. Naiitindihan naman nya kung magagalit sakanya ito dahil sa kanyang nagawa. Hindi nya rin mapapatawad ang kanyang sarili kung sakaling may masamang mangyari sa kanyang ina.
" I'm s-sorry " ang tanging nasambit nito, gumaralgal na din ang kanyang boses dahil sa nagbabadya nyang emosyon. Kagat-kagat nya ang kanyang pang ibabang labi upang magpigil ng luha. Hindi sya sanay na magalit ang magulang.
" I don't want to happen this again Lira, hindi ko kayang mawala ang mommy mo " nang sabihin ito ni Liam ay saka bumuhos ang kanina pang pigil-pigil ni Lira. Kasabay ang pagyakap sakanya ng kanyang ama na labis ring nag-alala.