Chapter 4

1726 Words
Chapter 4 Ilang araw na ang nakakalipas simula nang mangyari ang insidente. Simula din nang araw na yon ay hatid sundo na rin si Lira ni lucas sa kagustuhan na rin ng kanyang magulang. Labag man sa loob niya ay hindi na sya tumutol pa. Ayaw nya madagdagan pa ang problemang ginawa nya at para na rin sa ikapapanatag ng kanyang magulang lalo na ni Mary na labis na nag-alala sakanya. " Huy Lira nakikinig ka ba? " bumalik sya sa ulirat nang sigawan sya ni Lucy. Hindi nya namalayan na napatulala na lang sya habang nakikipag usap sa kaibigan. Nasa opisina sya ngayon at dapat ay may meeting sa ibang co-doctors nya. Ngunit ilang araw na sya wala sa sarili, para bang lutang ang utak. Ilang araw na kasi sya binabagabag ng kanyang binabalak at plano. " What if, I will give a chance lucas? " seryosong saad ni Lira sa kaibigan. Napanganga naman si Lucy at napasandal sa kanyang kinauupuan. " What do you mean? Papayag ka na magpaligaw sakanya? " umiling naman si Lira na ikinunot naman ng noo nito. " No, papayag na ako mag pakasal sakanya " halos masamid naman si Lucy sa sarili nyang laway sa kanyang narinig. Inaantay nyang matawa si Lira ngunit hindi nagbabago ang reaksyon nito at tila serysoso sa sinabi. " What the f*ck Lira wala nang jowaang magaganap? As in pakasal na agad? " Di makapaniwalang tanong nito, tumango-tango naman si Lira na ikinailing lalo nito. " Hindi ko alam kung seryoso ka dyan sa iniisip mo Lira, pero alam ko at alam mo sa sarili mo na wala kang gusto sakanya " " I know, pero baka makakabuti ng maging kami ni Lucas, malay mo, someday magising na lang ako mahal ko na sya at... " sandaling tumigil si Lira at humina bahagya ang kanyang boses sa kanyang huling sinabi " at baka para mapanatag at maging masaya na rin si Mommy at Daddy " " Eh ikaw? Magiging masaya ka ba dyan sa binabalak mo? " mabilis na basag sakanya ni Lucy. Hindi naman agad sya nakapag salita, maging sya ay hinahanap nya ang tamang kasagutan kung magiging masaya ba sya sa kanyang pinaplano. " Siguro oo " walang gana nyang sagot. " Baka sa ganitong paraan mabawasan ko ang pag-aalala nila sakin kung mag-aasawa na ako " kasabay nito ang pagdaan nang katahimikan. Hindi nila alam pareho ang sasabihin sa isa't-isa. Kilala ni Lucy ang kaibigan. Pag dating sa pamilya ay walang hinihindian si Lira, kahit kapalit pa nito ay sarili pa nyang kaligayahan. Gusto man nya magalit o pigilan sa binabalak nito alam nyang desidido na ito. " Kailan mo balak sabihin yan kay Lucas? " iritang tanong ni Lucy. " Mamaya " walang ganang sagot ni Lira sabay tingin sa kaibigan. Napairap na lang sa ere sa Lucy at napailing. " Haaay ewan ko sayo, malaki kana alam mo na ang tama at mali " sabay tayo nito " pero kung ako tatanungin mo? Tanungin mo nang paulit-ulit ang sarili mo " saka sya tuluyan nang umalis at naiwang mag-isa at gulong-gulo si Lira. Pasado alas kwarto ng hapon nang dumating si Lucas sa clinic ni Lira. Naghintay na lamang ito sa sala ng opisina niya dahil may pasyente pa raw ito. Hindi man ito gawain ni Lira na tumanggap pa ng trabaho pag malapit na sya umuwi, sinasadya nya lang ito upang maghintay si lucas sakanya. Mag aalas sais nang ito ay matapos. Halos isang oras din ang hinintay ng binata sakanya. Pagbukas ng pinto ni Lira ay sya namang mabilis na pagtayo ni Lucas, kahit na matagal na naghintay ay pinakita pa rin nito ang pagkasabik at nagbigay nang matamis na ngiti sa dalaga. " Sorry kung napaghintay ulit kita " anito sa binata sabay sabit ng kanyang lab coat. " It's okay Lira " ngiting sagot ni Lucas at lumakad papa lapit sa kanya " kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal " napalunok ang dalaga sa mahina at nangaakit na boses nito. Pilit syang ngumiti sa harap nya, hindi na lang nya pinansin ang magkalapit nilang distansya at inaya na lang ito umuwi. Sa tinagal tagal na pagpaparamdam sakanya ng kaibigan ay ngayon lang sya nangilag. Hindi naman bago sakanya ang pagpaparamdam nito, pero hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit nag-iba ang pakiramdam sa kaibigan. Habang nasa byahe ay hindi mapakali si Lira, gustong gusto na nya kasi sabihin kay Lucas na handa na nya ito sagutin ngunit may kung anong pumipigil sakanya. " Are you okay? " tanong ni Lucas sakanya, dahil ramdam nitong may gusto sabihin ang dalaga. " Y-yeah.. " aniya at napailang lunok at humarap bahagya bago magsalita " ahm.. Ma-may gusto lang sana ako sabihin sayo Lucas " agad naman sya nilingon nito na puno nang pagtataka, inaantay ang susunod na sasabihin ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay nanatiling pipi ito. " Lira? " " Ha? Ah.. eh. I just want to tell you that.... " huminga nang malalim ang dalaga at hinanda ang sarili sa sasabihin nang biglang may papasalubong na isang motorsiklo sa harap nila. Halos mapasigaw at napahawak nang mahigpit sa braso si Lira dahil sa muntik na sila makasagasa ng isang motor, mabuti na lamang at agad na nailiko ni Lucas ang manibela. Agad nila ginilid ang kanilang sasakyan ganun din ang motorsiklo na nasa kanilang harapan. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Lucas. Mula sa loob ay kitang kita ni Lira ang dalawa na naguusap habang panaka-nakang natangin sa kani-kanilang sasakyan. Kinakabahan man ay bumaba na rin ito. " Is everthing okay? " bungad nya sa mga ito. " Yeah " Sagot ni Lucas. " just go back inside Lira. Wala naman damage. everthing's fine " dagdag pa nito. Tumango naman si Lira at ngumiti. Akmang babalik na ito sa loob nang mapahinto sya nang marinig nyang magsalita ang lalaking muntik na nilang mabangga. " Pasensya na boss sa abala. sainyo din po.... Ms. Sebastian " agad na nilingon nya ito, pinagkatitigan ni Lira ang mukha ng lalaki. Napatitig sya rito na parang sinasaulado ang mukha nito. Nakangiti ito sakanya na parang nahihiya. Sa hindi nya maintindihan kung bakit parang nag-iba ang kanyang pakiramdam nang mamukaan ang binata, si Martin. Gusto sana nya magsalita pa ngunit mas pinili nyang itikom na lang ang bibig. Pilit na lamang sya ngumiti at agad ding pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi nya mapigilan ang sarili na hindi mapatitig sa lalaki. Hindi nya rin akalain na muli silang magkikita. Ilang saglit pa at umalis na rin sila. mabuti naman at kapwa maayos ang lahat at walang mga gasgas ang mga sasakyan nila. " Thank you, Lucas " paalam ni Lira nang makarating na sila sa tapat kanyang condo. " Ah wait Lira " pigil ni Lucas bago bumaba si Lira " Ano pala yung dapat sasabihin mo kanina? " napatigil si Lira, dahil sa nangyari ay nakalimutan na nya ang dapat sasabihin nya sa kaibigan. " Ha? Ahm... wala. Gusto ko lang magpasalamat at mag sorry sayo dahil sa araw-araw mong paghatid at pagsundo sakin " aniya, hindi man kumbinsido si Lucas sa dahilan niya ay hilaw na lang itong napangiti. Ilang sandali lang ay nagpaalam na rin ito at umuwi. Bago pa man din matulog si Lira ay hindi na mawala sa isip nya ang mukha ng lalaking kaninang muntik nilang mabangga, at uli nyang naalala ang kanilang unang pagkikita. Kinaumagahan ay maaga magtungo sa condo si Lucy, Linggo at rest day nila. " So, kumusta? Kayo na ba? Magtatawag na ba ako ng pari? " tanong ni Lucy habang naglalapag ng pagkain sa lamesa. Sumimsim naman muna ng tsaa si Lira bago sumagot. " Hindi pa " aniya, bahagyang natigilan si Lucy at nagtataka sa sinabi niya. " Akala ko ba sasagutin mo na? " nanatiling tahimik si Lira at sabay upo ni Lucy sa tapat nito. " Mukhang seryoso ata ang dahilan mo kung bakit nagbago ang isip mo " nanatili pa rin tahimik ang dalaga at nakatitig sa hawak na baso. Naguguluhan si Lira sa dapat nyang gawin, naisip din nyang isang kalokohan ang binabalak nya. Gagawa na lang sya ng ibang paraan upang mapapayag ang magulang. Papatunayan nya rin sa mga ito na kaya na nya mag-isa, na hindi nya kailangan si Lucas o kahit sino upang lagi syang bantayan. " Pahiram muna ako ng sasakyan mo " basag sa katahimikan ni Lira. " What? Anong gagawin mo? " napasinghap si Lucy dahil alam na nya ang iniisip nito. " Don't tell me magpapraktis ka nanaman magdrive? " tumango si Lira " Nababaliw ka na ba? Gusto mo majombag tayo ng daddy mo? Hindi pwede. " Ilang beses na nagkakamot ng ulo si Lucy habang pinagmamsdan si Lira na pasakay ng sasakyan. Wala syang nagawa kundi ang pumayag na ipahiram ang sasakayan nito dahil sa pangungulit nito sa kanaya " Ay nako Lira sinasabi ko sayo pag nalaman to ni tito Liam, malalagot ako dun " problemadong saad ni Lucy " Hindi yan, Don't worry hindi malalaman to ni Daddy, unless kung sasabihin mo" pilyang sagot ni Lira habang patuloy sa pagpihit ng susi. Napapalakpak pa sya nang tumunog na ang makina ng sasakyan na lalo na mang ikinalukot ng muka ni Lucy. Hindi naman ito ang first time ni Lira ang magpraktis sa pagdrive. Noong mag eighteen na sya, ito agad ang inatupag nya, sa tulong din nila Lucy at Lucas ay nakapag praktis sya sa loob ng kanilang subdivision, sa isip nya ay nasa wastong edad na sya upang makapag maneho mag-isa, katulad rin ng mga naging kaklase nya sa medisina na malayang magmaneho para sa kanilang sarili. Ngunit nang malaman ito ng kanyang magulang ay agad din sya pinagbawalan at hindi pinayagan. Binaba nya ang bintana ng sasakyan upang kumuway kay Lucy at agad din sinara. Puno sya ng kaba nang mahigpit nyang hinawakan ang manibela, bumuga nang malalim na hininga at hinanda ang sarili. Sa pag-andar ng kanyang sasakyan sa una ay mabagal lamang, parang bata na nagaaral magbisikleta, mabuti na lamang at tahimik at walang sasakyan syang nakakasabay, hanggang sa makarating sya ng hiway na lalo nyang ikinasaya ngunit hindi pa rin nawawala ang kaba. Ito ang unang beses nyang magmamaneho magisa sa gitna ng malawak na kalsada. Muli syang bumuga ng hininga, hinanda ang sarili at nagpatuloy sa pagmamaneho. Binuksan nya ang radio at nilipat sa gusto nyang istasyon. Sinabayan ang mga kanta na nagpawala ng kanyang nerbyos, sobrang saya nya na halos mapasayaw pa sya sa pagsabay ng mga tugtog. Ilang oras din sya sa pag drive, maayos at walang sablay hanggang sa mapagpasyahan nyang bumalik na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD