Chapter 5

1682 Words
Sa di kalayuan ay tanaw na nya si Lucy na naghihintay sakanya. Halata sa mukha nito ang kaba dahil sa pabalik- balik ito sa paglalakad. " Ooops " aniya sabay tawa dahil sa napalakas ang pag preno nya. Pag kababang pagkababa nya ay agad syang sinalubong ni Lucy. " Ano? Buhay ka pa? bali? Dugo? Nakasagasa ka ba? " sunod-sunod na tanong nito sakanya habang hawak-hawak sya sa magkabilang balikat at pinagmamasdan ang buong katawan nya. Nang makitang okay sya ay sunod naman nyang tiningnan ang kanyang sasakyan, natawa na lamang si Lira dahil sa inakto ng kaibigan, animoy matagal na nawalay sa sasakyan kung makayakap at makahalik, anak na kasi kung ituring ito ni Lucy at kung pwede nga lang pakasalan na nya ito sa sobrang pagmamahal nya. Hindi mapigilan ni Lira ang saya dahil kahit papano ay nagawa nyang makapag drive. Kung matutunan nya pa ito ay baka payagan na sya ng kanyang magulang at mapapatunayan nya na kaya nyang mag-isa. ***** Napansin ng ina ni Martin na walang gana ito ng makauwi sa bahay galing trabaho, pasalampak na umupo at basta na lamang nilapag sa sahig ang kanyang bag. " Gusto mo na ba kumain? Ipaghahain na kita " " Hindi na po nay " walang gana nitong sagot. Hindi sumagot ang kanyang ina at umupo sa tabi nito. " May problema ba " tanong nito sabay haplos sa kanyang likod. " Wala naman po nay " sabay pilit nyang ngiti, mukhang hindi kumbinsido ang ina sa kanyang sagot kaya napilitan si Martin sabihin ang totoo. "Nanghinayang lang ako sa malaking client sana namin, dahil kasi sakin kaya po nag back out " "Ay gay'on ba? May hindi maganda kabang ginawa sa kliyente kaya umatras?" Napaisip naman si Martin sa sinabi ng kanyang ina, naalala nya ang insidente ng una silang magkita ni Lira. Kinwento ni Martin sa kanyang ina ang nangyari. "Hayaan mo na iho at marami pa namang magpapaturo pa saiyo, ay kagaling mo kaya" sabay ngiti ng kanyang ina. "Nanghihinayang din kasi ako nay, malaki rin ang makukuha kong porsyento tsaka,,,, maganda kasi yung client " "Kaya naman pala" sabay natatawang napailing na lang ang matanda " Pero anak, wag ka magalala sasama ako bukas kay ising at maglalabada kami " " Nay, hindi ba sabi ko sainyo ako ng bahala dumiskarte sa pera? Dito na lang kayo sa bahay. Samahan nyo na lang mga kapatid ko dito " " Ayos lang anak, magkano rin yon at sayang naman. Pandagdag rin sa pangbayad natin dito sa bahay " tututol pa sana si Martin pero mabilis na pinigilan sya nito. Pagkatapos ipaghain ay pumasok na ito sa loob ng kwarto. Napabuntong hininga na lamang ang binata at labis na nagalala sa kanyang ina. ***** Kinaumagahan, maagang nagtungo sa kanyang clinic si Lira. May schedule na operation kasi sya sa isang kilalang personality. Ilang oras din ang tinagal nya sa loob ng operating room at sa wakas ay natapos din. Dahil sa may susunod pa syang operation ay nagmamadali syang lumabas ng kwarto, nakasunod sakanya ang mga assistant doctors nya habang binabasa ang profile case ng kanyang susunod na pasyente. " Please prepare all the equipments and the patient, make sure everything is ready before calling me " ma awtoridad nyang sambit sa mga ito, tumango naman ang mga assistant doctors at saka umalis si Lira. Habang naglalakad sya pabalik ng office ay biglang tinawag sya ng kanyang secretary. " Doc Lira, may naghahanap po sainyo " at dahil hectic ang schedule ng dalaga ay tumanggi syang makausap ito at pinababalik na lang sa susunod na araw. Muling naglakad ito paalis, hindi pa man sya nakakalayo ay muli syang napahinto ng biglang may tumawag ng kanyang pangalan, hindi man nya nakikita kung sino ito ay parang pamilyar ang boses sa kanya, dahilan upang ito ay kanyang lingunin. Hindi nya maintindihan ang sarili at may kunganong kaba syang naramdaman nang makitang si Martin ang tumawag sa kanya. Ngiting-ngiti ang binata habang patakbong papalapit sa kanya. " Good morning po Ms. Sebastian" nahihiyang bungad nito na ikinataas naman ng kilay ni Lira. " P-pwede po ba kayo makausap? " nanatiling tahimik lamang ang dalaga at hinihintay ang susunod na sasabihin nito, ngunit parang napipi rin si Martin sa kanyang nakikita. Bahagyang napa atras at napakunot ng noo si Lira dahil sa pagpasada nito sa kanyang mukha. Animoy manghang-mangha sa kanyang nakikita at hindi makapaniwala kung sino ang nasa harapan nya. Napabalik sa ulirat si Martin nang tumikhim ito. " Kakausapin ka na lang ng secretary ko para sa schedule ng meeting. I'm sorry but I'm busy right now. Excuse me " akmang aalis na si Lira nang pigilan sya nito. " Sandali " napatingin si Lira sa kamay nito na nakahawak sa kanyang braso, agad naman ito binitawan ni Martin at humingi ng pasensya. " Kahit sandali lang Ms. Sebastian, kailangan na kailangan lang kita makausap " napa angat ng tingin si Lira sa kanya at napatitig sa mata ng binata. May kulay tsokolateng mata ito na nakadagdag sa kaamuhan ng mukha ng binata, may mahabang pilikmata na mapapatitig ka talaga. Wala sa sariling napatango na lang si Lira at umiwas ng tingin. Lihim na napahiyaw si Martin dahil napapayag nya ito, buong akala nya ay uuwi syang luhaan at mabibigo. Masayang nakasunod sa dalaga si Martin at may pa sipol-sipol pa at kapwa Tahimik na sumakay ng elevator. Pinagmasdan ni Martin ang kabuuan nito, namangha sa linis at ganda na gawa sa purong salamin. Nag pagwapo pa ito sa kayang repleksyon habang inaayos ang nakagel na buhok, inayos ang kilay at kwelyo ng kanyang polong suot. Lingid sakanyang kaalaman na nawiwirduhang nakatingin sakanya si Lira. Nang mapansin ni Martin na nakatingin sakanya ito ay dahan-dahan syang huminto at napaayos ng sarili, nakaramdam sya ng hiya at napayuko. Habang naghihintay ay hindi napigilan ni Lira ang lihim na mapangiti sa kainosentehan ng binata. " Please, seat " aniya nang makapasok na sila sa opisina nito, nilapag ni Martin sa lamesa ang hawak na folder at saka umupo sa couch. Nagpahanda ng kape si Lira sa kanyang secretary at umupo na rin sa kanyang table. " What do you want Mr. Perez " tanong ni Lira habang nakatutok sa kanyang laptop, malayo man ang kanilang pagitan ay sapat na rin para marinig nila ang isa't-isa. " Akala ko hindi mo na ako makikilala " nakangiting tugon ng binata, bahagya ito napatikom ng bibig nang mapansin nyang seryosong nakatingin sa kanya ang Doktora. " Pinapa follow-up kasi ni Mr John kung gusto mo pa ipagpatuloy ang driving lesson " " I'm sorry Mr. Perez pero hindi na ako tutuloy " seryosong sagot ni Lira, napa ayos ng upo si Martin at muli nagsalita. " Pero, sabi nyo babalik kayo. Sayang naman at.... malaking tulong rin po ito sa akin" " Well I'm so sorry " mabilis na putol ni Lira sa kanya. bakas ang pagkabigla sa mukha ni Martin dahil sa bahagyang pagtaas ng boses nito " kung nanghihinayang ka sa makukuha mong tip o sa bonus mo bibigyan na lang kita kung yun ang hinahabol mo " sandaling napahinto si Lira sa kanyang sinabi nang mapansin nyang nagiba ang expression ng mukha ng kausap. Hindi naman nya ito sinasadya at nadala lang ng kanyang damdamin. Gusto sana nyang humingi ng pasensya kay Martin na tahimik at seryoso na ring na nakatingin sa kanya, bumalik na lang sya sa kanyang ginagawa at hindi ito pinansin. Nakarinig na lamang sya ng pag ingit ng upuan senyales ng pagtayo ng bisita. " Ganun po ba, Pasensya na po sa abala Ms. Sebastian. Aalis na lang po ako. Salamat sa oras nyo " ramdam sa boses nito ang lungkot at dismaya. Nag- angat ng tingin si Lira sa papaalis hanggang sa tuluyan ng isarado nito ang pintuan. Lihim na napasinghap ito at may kung anong bigat syang naramdaman, napahilamos sya sa kanyang mukha at napayuko sa kanyang lamesa. Ilang araw na ang nakalipas mag mula ng araw ding iyon. Nasa condo ngayon si Lira at walang gana na magtungo sa kanyang trabaho, nagsabi sya sa kanyang secretary na tanghali syang makakapunta at nireschedule ang lahat ng appointment nya. " Alam mo, bakit kaya hindi mo puntahan sa trabaho nyang may-ari ng nakaiwan nyan. Hindi yung nag mumukmok ka dyan " napasandal na lang sa headboard at napapikit ng mata si Lira, lalong sumakit ang ulo nya sa suggestion ng kaibigan. Ilang araw na kasi syang binabagabag ng konsensya nya mula ng huling paguusap nila ni Martin, ilang beses na din sya kinukulit ni Lucy na tawagan o puntahan ang pinapasukan nito upang humingi ng pasensya dahil sa kanyang nasabi. " Huy ano ba! " bulyaw ni Lira sa kaibigan dahil sa pagkuha nito ng folder sa kanya. Pilit na inaagaw nya ito habang si Lucy naman ay nilalayo ang hawak. " Ako na ang tatawag para sayo, huwag ka nga magulo dyan " wala na nagawa si Lira at hinayaan na lang ang balak ni Lucy. Sa kaba ay parang bata namang kagat-kagat nya ang kanyang mga kuko sa daliri habang pinagmamasdan ang kaibigan na tumatawag sa telepono. Hindi nya maiwasan na hindi mapakali. Never naman nya kasi itong ginawa lalo na sa taong hindi naman malapit sakanya. Inisip na lang nya na kailangan nya ibalik ang folder na naiwan ng binata, sa tingin din nya ay kaya hindi sya mapanatag dala ng kunsensya. Naglalaman kasi ito ng contract at detalye tungkol sa pag-aaral ng pagmamaneho. Mahalagang bagay ito na sa tingin nya ay dapat na ibalik. " Ganun ba? Okay, paki sabi na lang na tumawag ako. Thank you " binaba na ni Lucy ang tawag. Sa lalim ng iniisip ni Lira ay hindi na nya napansin ang pakikipagusap nito sa kabilang linya. " Busy daw yung driver coach, tumawag ka na lang next time " aniya nito sa kanya. Hindi na lang din nya pinahalata ang pagkadismaya. Maaring busy ang binata kaya wala ito sa kanyang trabaho. Hindi nya maiwasan na hindi mag-alala, baka nasaktan nya ang binata dahil sa kanyang mga nasabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD